Sa bawat tayo, maroong siya

36 1 0
                                    

Sa bawat tayo ay maroong siya
Hindi ko rin batid kung bakit malimit siyang nasa eksena
Ikaw ang bidang lalaki, siya naman ang bidang babae
Ako ang kontrabida
Sa kuwentong umiikot sa inyong dalawa

Dito ay luluhod ako at magmamakaawa
Sa kwentong ito ay magsisilbi akong hadlang sa iyong dalawa

Ngunit sa bawat tayo ay mayroong siya!
Nais ko na lamang maging direktor at maghanap ng panibagong bida
"Ako, ako nalang ang gaganap"
Magsasayaw tayo sa gitna ng ulan habang nagdidilim ang alapaap

Sa bawat tayo ay bakit kailangang mayroong siya?
Hindi ba maaaring tayo na lamang dalawa?
Ako ang magiging prinsesa sa kunweto kung saan gagawin ko kahit pa ang sagipin ka

Handang magpabaril
Magkapahulog
Madapuan ng sakit
Mamatay
Kung ang ibig sabihin niyon ay maliligtas ka sa kabilang buhay
Kahit sa eksena
Sasaluhin ka
Mamahalin ka
Nang sobra pa sa sobra



—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now