Kidlat

33 0 0
                                    

Kulog at kidlat
Para nitong ibinabalik ang lahat
Mga kahapon, alaala, pagkakamali, pait ng musika
Totoo ngang saka mo lang maiintindihan ang mensahe ng isang kanta sa tuwing malungkot ka

Kidlat
Huwag mo akong takutin
Pakiusap ipaalam sa akin
Kung tuwing kailan ang mundo'y aatakihin
Ng iyong bagsik at ingay
Pagkat dahil dito'y naaalala ko siya

Maulan na hapon
At saksi ka nang una ko siyang nakilala
Nakita mo kung paano tumigil ang aking mundo
Nakita mo kung paano ako naestatwa at nakalimutang takot ako sa 'yo




—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now