Huli

20 0 0
                                    

Siguro ito na ang magiging huling pahina ng pagkabigo
Nais namang magsulat ng masasayang alaala
Ikinalulungkot ko ngunit siguro matagal-tagal pa?
Ngunit asahang hindi na muling babanggitin ang pangalang nagpaabot sa akin dito sa huling pahina

Siguro nga tama sila
Minsan kailangan nating bitawan ang ibang bagay lalo pa't kung nakakasakit na
Normal lang naman daw na bumitaw at sabihing "Sa wakas, natapos na"

Siguro nga'y kung sa atin ay ibibigay naman iyon
At kung hindi siguro hindi pa ito ang tamang pagkakataon
At siguro para sa iba ka nakalaan
Hindi sa akin
Hindi magiging akin kailanman

Ngayon tanggap ko na
Tatanggapin ko na
Minsan kailangan ko nga'ng makinig sa iba para maiwasang mangyari ulit ang ganitong trahedya
Trahedyang minsan kong nagustohan
Ngunit tama nga naman sila sa kasabihang "Hindi lahat ng gusto mo ay gugustohin mo nang walang kapaguran"

Ang pahinang ito ay magsisilbing wakas at panimula
Sa bagong mga tulang iaalay sa iba ng may akda
Nakarami na ng mga alay sa iyo
Siguro naman panahon na para ihinto ang kabaliwang ito

Alagaan mo na lamang ang iyong sarili
Magkita na lamang kung kailan maaari





—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now