Silakbo

28 0 0
                                    

Hindi tugma kahit makailang ulit ipinta ang iyong mukha sa ilalim ng umaagos na luha
Silakbo
Kung hindi naman pala hahayaan ng tadhana'y bakit pa tayo muling pinagtagpo?
Isa nga tayong sirang plaka na paulit-ulit bumabalik sa umpisa
At mga tugtuging hindi na kasing linaw no'ng bago pa

Silakbo
Tayong nakatingala sa nagliliparang mga kulisap
Sa ibaba ng itim na alapaap
Gabing dahan-dahang nilalamon ang bawat segundo ng pag-uusap

"Magiging maayos ka" bigkas mo
"Magiging maayos tayo" sagot ko
Ngunit marahang naglaho ang iyong katawan at sumabay sa hangin at ulan
Wala na ang mga bituin sa kalangitan
Hindi na nagawang tumulong pa ng kalawakan
Sinta, binawi ka niya
Silakbo
Kailanma'y walang palaisipan na maiaakma ang langit at lupa

Nakatingala at naninisi
"Sa pagkakataong ito bakit hindi mo sinabi!"
Na alam mong dito pala magtatapos
Ang silakbong tadhana na ating pinili



—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now