Hindi sapat ang ano

56 1 0
                                    

Hindi ko alam kung dapat ba na ngumiti o tumawa
Nang muling magkasalubong ang ating mga tingin ay para akong malulula sa lalim ng iyong mga mata
Sisisirin ko ba?
Ano ang mayroon kung sakali?
Sa takot na mahalata'y ako ang siyang naunang bumawi

Ng tingin sa isang misteryusong ginoo
Na ang mga galaw ay prinsipe ang isinisimbolo
Hindi ko alam pero imbis na mawala ay tila lalo lamang nahulog sa bitag!
Ang kislap ng iyong mga mata'y hindi nakakapanatag

Anong mayroon?
Gaano karami ang wala sa akin na mayroon sa kanya?
Ilang pulgada pa ba ang kailangan kong atrasan para lang maisipan mong igalaw man lang ang mga paa

Kung sakaling ako ay mahuhulog sa bangin
At sa ilalim ay ang pag-ibig mo
Ay malugod kong tatanggapin ang aking tadhana
Kung ang ibig sabihin no'n ay pagiging iyo


—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now