Huli

43 0 0
                                    

Ito na ang panghuling pahina
Ngunit ang nararamdaman ay hindi rito nagtatapos

Panibagong mga kuwento kalakip ng mga salita
Sa darating pang mga araw nawa'y tuluyan na nitong mapawi ang luha

Sa ibang mundo ay maaari kayang hindi ganito ang pangyayari?
Malalagyan kaya ng prologo o mapapabilang lamang sa nawawalang pahina?

Ayokong isipin, sinta talagang nakakapanghina!

Hindi ko alam kung paano mararating ang huli ngunit nais kong magsimula ng panibago
Gayunpaman
Ikaw parin
Ikaw naman lagi
Ikaw parin ... Ang magiging paksa nito

—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now