Chapter 39

38 10 0
                                    

Balisa akong naglakad para sana pumunta sa eskwelahan, pero hindi ko na kayang ilakad ang mga paa ko dahil sa sobrang kalungkutan na nararamdaman ko.

Kumikirot ang puso ko, sumisikip ang damdamin ko at nahihirapan akong huminga kahit wala naman akong asthma.

Para bang pasyenteng naaksidente na sinusugod sa ospital at nag aagaw-buhay.

Nag aagaw-buhay hindi dahil mamamatay na, kundi dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ng damdamin ko ngayon.

Pinilit ko ang aking sarili kung anong magandang gawin, pero wala talaga. Blangko ang utak ko, at nakalaan ang buong focus ng aking sarili sa kumikirot kong damdamin.

Napaluha ako habang naglalakad, sugatan ang puso ko at ang hapdi nito, na hindi ko na maintindihan.

Ang hapdi ng nararamdaman ko ngayon, para akong nilunod sa kumukulong acid at tinutunaw ng init ang aking puso. Ganon kahapdi ang pinagdudusahan ko ngayon.

I don't know what to do, I just kept walking.

Bago pa man ako makarating sa school gate namin ay pinunasan ko na ang mukha ko, at nagkunwari na okay lang ako—na parang walang nangyari, at parang hindi ako nasasaktan.

"Uy, Ernesto?" Tawag sa akin ni Jelo nang nakatayo siya sa harap ko. Lunch break, at nandito lang ako sa aking armchair, inihihiga ang aking ulo sa mesa nito at ninanamnam ang pagiging heartbroken.

Wala akong ganang sagutin siya. Down na down ako ngayon.

Ang sakit ng puso ko.

Parang gusto ko nalang bumalik ulit sa 1998 kung saan nandoon si Kylah na kilala pa ako. Kasi sa tingin ko, yung Kylah sa kasalukuyan ay hindi na ako natatandaan—na mukhang kinalimutan na ako sa paglipas ng mga panahon.

"Ano kayang meron dyan kay Ernesto?" naririnig ko ang boses ni Ryle sa aking likuran kahit mahina niya pa itong sinabi.

"Ewan, iniwan ata ng gerlprend niya eh. Mukha kasing broken-hearted." Sagot naman ni Jelo sa kaniya.

Gusto kong itayo ang aking sarili para sagutin sila, hindi ako broken-hearted! At lalong hindi ako iniwan ng gerlprend ko! Kasi wala naman akong gerlprend!

Pero wala ako sa mood. Wala akong ganang magsalita—down na down ako. Ang hapdi pa rin ng puso ko hanggang ngayon.

"Nasan si Laurente?" Boses ng teacher naming si Sir Mamaril na nagsasalita doon sa kaniyang desk.

"Nandito po, sir! Natutulog." Tinig naman ni Jelo.

"Gisingin mo nga." Sabi pa ng teacher na bakla.

Kaya tinapik ako ng kung sino at sinabi niyang, "Uy, Ernesto, tawag ka ni ser." Boses 'yon ni Ryle.

Kaya sapilitan kong itinayo ang aking sarili at bahagyang naglakad papunta sa mesa ni Sir.

"Bakit po ser?" Matamlay kong wika.

"Wow, infairness ha, hindi ka pasaway ngayon." Sabi naman ni sir sa akin, hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso ba s'ya sa sinasabi niya ngayon.

"Ihatid mo nga ito kay Sir Ronaldo," aniya, na may kung anong kinukuha sa drawer ng kanyang mesa, "ibigay mo ito sa kaniya, doon sa second floor building. Nandon sya ngayon."

Nilatag niya sa ibabaw ng kaniyang desk ang isang folder, kaya kinuha ko na ito at balisang tumugon sa teacher, "Ah, sige po. Okey po."

Inumpisahan ko nang maglakad ngunit nang hindi pa ako nakakaalis sa harap niya ay binanggit niya ang aking pangalan.

"Mr. Laurente?"

Napahinto ako at lumingon ulit sa kanya. Please lang sir, wag ngayon.

"P-Po?" natataranta kong sagot.

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now