Chapter 33

26 9 0
                                    

"Class dismissed." Idineklara ni sir sa amin, at nag-umpisang maglinis yung mga cleaners.

Martes ng hapon, uwian na namin.

Gaya ng sinabi ko, hindi mawawala ang kwentuhan sa daan kapag sabay kaming naglalakad pauwi.

Napatanong siya sa'kin, "Ba't ba hindi ka nagustuhan nung babae?"

Sinagot ko siya ng, "Ewan ko sa kaniya, baka hindi ako pasok sa standards niya kaya ganon."

"Ay wow, may pa-standards standards pa pala siyang nalalaman."

Napa alik-ik ako ng konti.

"Ang saya mo kayang kausap!" dagdag niya pa, "ano'ng hindi niya nagustuhan sa'yo?"

"Hindi ko alam. Punta ka sa 2019 at tanungin mo siya."

"Sira," at sumunod ang malalakas niyang tawa. "Hindi ka pa rin maka-get over dyan sa time travel mo 'no?"

"Ayaw mo rin naman kasing maniwala."

"Hindi talaga, imposible 'yan eh."

Napaisip din ako ng tanong sa kaniya.

"Anong nagustuhan ni Joshua sa'yo? Ba't ka niya niligawan?"

Mayabang naman niya itong sinagot—na hindi ko ini-expect. "Well, ako na 'to eh."

"Ang kapal mo talaga."

"Kaya siguro hindi ka nagustuhan nung niligawan mo kasi ang sungit sungit mo."

"Hindi ako masungit, at hindi ko siya niligawan."

"Pero nag-confess ka sa kaniya, sa Valentines pa."

"O-Oo."

"Pero hindi ka niya sinagot?"

"Hindi."

Humalaklak pa siya pagkatapos ng sagot ko. As if natatawa siya sa'kin.

"Kawawa naman ang Ereneo na 'yan! Halika nga dito, i-comfort kita."

"Abnormal." Remarks ko sa kaniyang walang kwentang suhestiyon.

"Kumain nalang tayo sa kainan mamaya, tinatamad akong magluto eh." Aniya.

Hindi naman ako tumanggi.

Naglalakad na kami papunta sa kainan malapit sa amin, at pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro sa kalye. Ang saya nila, walang iniisip na problema.

Sana bumalik nalang ako sa pagkabata. Yung wala akong iisiping problema, yung wala akong iisiping kalungkutan at pagkasawi sa puso, kasi bata pa, at ang tanging inaatupag lang ay ang paglalaro at pagsasaya.

Sana tulad lang din ako ng bata, na palaging masaya.

Nakita ko yung mga daan at mga establishment na palagi naming dinadaanan kapag naglalakad kami dito.

Naalala ko tuloy yung itsura nito nung nasa 2019 pa ako. Ibang-iba na sa kasalukuyan kesa ngayon.

Malalaki na yung mga building at may third floors na. Kung tanda ko pa, noong unang beses na napadpad ako rito, nagtaka ako kasi biglang naging dalawang palapag yung apartment na may tatlong palapag na nadadaanan ko sa tuwing umuuwi ako sa bahay galing sa eskwela.

Yun pala, nag-time travel ako mula 2019 pabalik sa taon na ito—1998. Hindi ako makapaniwala nung una, akala ko sa mga palabas at kwento lang nangyayari ang time travel.

Ngunit unti-unti akong naniwala non nang hindi na bumubukas yung messenger at facebook app ko. Dali-dali nga akong tumakbo non papunta sa bahay namin, pero pagdating ko doon ay wala akong bahay na naabutan kundi isang bakanteng lote na may karatulang lot for sale.

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now