Chapter 9

48 13 0
                                    

"E-Ereneo!!" napasigaw siya, na natatakot, kasabay ng pagtakip ng mga kamay niya sa bibig niya.

"Ano?" sagot ko.

"Duguan ka!" sigaw niya pa.

Hindi ba halata? Binulsa ko yung tatlong libo bago pa niya makita. Edi may three five na'ko sa bulsa ko. Easy money. Pag pala magpapabangga ka sa kalsada, babayaran ka ng nakabangga sa'yo.

Ganun pala 'yon?

Nasa emergency room kaming dalawa, nakahiga ako sa kama na may bandage sa ulo, at siya naman ay nakaupo sa tabi ko. Malinis na ako ulit, nilinis na yung dugong nakakalat sa katawan ko, at bago na yung damit na suot ko.

11:25 AM, sini-sermonan ako ni Kylah.

"Bakit ka ba kasi tumakbo? Yan tuloy, nadisgrasya ka! Ikaw kasi, tumatakbo nalang bigla-bigla!"

"Ang lakas ng loob mong sermonan ako ha!" gumanti ako. "Kung hindi mo sinabi sa buong klase na boyprend mo ako, hindi sana ako tatakbo!"

"Ginawa ko lang naman yun para tigilan ka ni Joshua." Bumaba yung tono niya. Nagbuntong-hininga siya.

"Sino ba yung Joshua na 'yon? Ex mo ba 'yon?" tanong ako.

"Hindi. Wala akong naging ex, since birth."

"Kung ganon, bakit ganon siya makaasta sa'yo?"

Humarap siya sa kurtina, at sinagot ang tanong ko. "Classmate ko siya since second year high school. Gusto niya ako, and since that year, nanliligaw na siya sa akin, pero hindi ko sinasagot."

"Tama, wag mo yun sagutin, mayabang yun eh."

"Ang bata pa namin, then naisip niyang manligaw? Harot na harot na ba siya? Hindi ko lang matiis yung ugali niya. Parang obsessed kasi siya sa'kin."

"Tama, wag mo talagang sagutin yon. Tarantado yun eh."

"And, kung makaasta siya, akala niya girlfriend niya ako, tsk! Hindi ko sasagutin ang mga taong gaya niya. As in, never."

"Tama! Wag mong sagutin yon, makapal ang mukha non eh!"

"But if magbago siya and he'll fix his attitude, he has the chance naman to court me."

"Wag, hindi tama. Wag mo yun bigyan ng chance. Mayabang yun eh."

Hinarap niya ako, at nagtinginan kami sa isa't isa nang may tinanong siya, "ikaw Ereneo? Anong type mo sa babae?"

"Type ko sa babae?"

Tumango siya, na ngumingiti na parang sabik na sabik marinig ang sagot ko. Ang cute niya pala eh pag naka-ngiti siya at hindi namemerwisyo sa buhay ko.

"Yung totoo, type ko sa babae yung naka short hair, chinita at naka eyeglass."

"Then I think type mo si Precious."

"Sino si Precious?"

"Yung short haired-girl sa section natin na always nakasuot ng eyeglasses. Noticed her?"

"Ah, oo. Si Precious pala 'yon." Sabi ko.

"Why?"

"Wala."

Ngunit imbes na tumigil na sa topic na yan, ayaw niya pang umawat.

"I don't believe you. Parang may something talaga eh." Satsat niya pa.

"Walang something, tumahimik ka na't pinapasakit mo lalo yung ulo ko."

Nakatitig siya sa'kin na may pagdududa, naka-squint yung mata niya, at napahigpit yung labi niya. Hindi ako tuloy makagalaw ng maayos dahil sa pagtitig niya.

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now