Chapter 8

63 15 2
                                    

Umaga ng February 6, 1998. Mapayapa ang araw ko mula sa paggising ko hanggang sa dumating kami sa classroom at pinag-uusapan na naman ako.

"Kylah! Anong ginawa nyo kagabi? May nakakita sa inyo na sabay kayong pumasok ng lalaking 'yon sa bahay mo ah!" Ngakngak nung babaeng naka-short hair with glasses.

Sayang, she got my attention pa naman when I first entered this classroom in 1998, kaso ngakngakera pala.

Nasa classroom na kami, at pinalilibutan si Kylah ng mga kaklase niyang ini-interrogate sya, at nandito naman ako sa likod, nakaupo sa upuan ko at pinanonood sila sa ginagawa nila. Ang aga-aga pa eh...

Ngunit imbes na ipagtanggol ako sa kahihiyang ito, lalo nya pang pinalala yung sitwasyon.

"Nakatira kami sa iisang bahay." Ang sinabi niya.

"Ehh!?" napa-sigaw si short hair with glasses na parang hindi makapaniwala. "Nag l-live in kayo?"

Walang hiyang yan. Gusto ko nang bumalik sa amin. Sobra-sobrang kahihiyan na ang dinadanas ko sa lugar na 'to.

"Ereneo?" tinig ni Kylah na agad kong napansin dahil sa pagbanggit nya sa pangalan ko. "Pwede ko bang sabihin sa kanila yung ginawa natin kagabi?"

"Bakit!? Ano'ng ginawa nyo kagabi? May nangyari ba sa inyo!?" Para namang mahihimatay na si short hair girl sa sobrang OA niya.

Nilibot ko ng tingin ang paligid, at natiyak kong sa akin at kay Kylah nga nakalaan ang atensyon ng mga kaklase niya sa mga oras na ito. Nakakailang ang mga titig nila sa'kin at para akong magkakasakit.

"Naku, par oh.. inaagaw ng dayuhang yan yung girlfriend mo." Bulong-bulungan pa nung isang lalaki kay Joshua. Naririnig ko sila, pati pagbulong nalang, pinaparinig pa sa iba. Pero, girlfriend pala ni Joshua si Kylah? Ngayon ko lang nalaman 'to ah.

Kung girlfriend siya ni Joshua, bakit parang palagi silang nag-aaway?

"Hoy, Kylah." Seryosong pagkasabi ni Joshua kasabay ng paglalakad niya palapit kay Kylah. Sa palagay ko'y nagseselos siya, halata sa tono ng boses niya. "Magkasama kayo nyang lalaking yan kagabi?"

"Oo, Joshua. Anong pake mo?" sinagot niya si Joshua ng ganyan. Kung mag-jowa sila, siguro palagi silang nag-aaway kasi hindi sila nagkakasundo o kaya ginagamit lang ako ni Kylah para pagselosin siya.

Sa tingin ko, hindi sila mag-jowa. Sa tingin ko, papansin lang si Joshua sa kaniya.

"Kung saan-saan ka lang nagpupulot ng lalaki tapos inuuwi mo na sa bahay nyo!?" Mataas na ang boses ni Joshua. Tama nga, gusto niyang magselos ang lalaking 'to. Pero bakit sa'kin pa?

Napatayo si Kylah sa upuan niya sabay sabing, "tumigil ka nga, Joshua."

Aba, uso pala yung dramahan dito nung 1998 ah.

"Hindi ako titigil! You know that I care for you! Wala kang magagawa kung concern ako sa'yo! Because I love you!" at ayun na nga, nag-confess na si Joshua ng nararamdaman niya kay Kylah.

"Ohh!!" naghiyawan ang klase.

Imbes na makisali sa eksena, pinili kong manahimik nalang at binuksan ko nalang ang selpon ko't tumitingin kung gumagana pa ba ito.

"Uy, tol." Isang tinig na kung saan ang pumasok sa tenga ko na dahilan ng agad kong paglingon para matukoy kung saan galing ang tinig, at nakita ko na naman yung lalaking kumausap sa'kin kahapon.

"Totoo ba yun? Magkasama kayo ni Kylah kagabi?" Dagdag niya pa.

Hindi ko siya sasagutin, bahala sya.

"Nga pala, naririnig kong tinatawag ka ni Kylah ng 'mister Ereneo', Ereneo ba ang pangalan mo?" Ang kulit ng bunganga niya.

Crush Kita Since 1998Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ