Chapter 14

46 11 1
                                    

"Umalis na tayo agad bago pa tayo mapansin ni Joshua!" bulong sa'kin ni Kylah pagkatapos dineklara ni sir Ronaldo ang "class dismissed."

Magkatabi na kami ng upuan ngayon dahil nagpapanggap pa rin kaming magjowa kahit nabuko kami nung ungas.

Kaya pala hindi siya magustuhan ni Kylah dahil sa pagiging ungas niya.

Joshua nga naman, Joshua moments, mga Joshua talaga.

Suot ang bag ko at suot niya ang bag niya, tumakbo kaming dalawa—siya ang nanguna sa daan—hawak ang kamay ko, tinatakasan si Joshua na naglilinis pa sa loob ng classroom.

Tumatakbo kami ng mabilis.

"Dali, Ereneo!" sabi niya nang unti-unti na naming nakikita ang gate ng kawalan at papunta kami doon ngunit sumulpot nalang bigla si Joshua sa gate kung saan sana kami lalabas, na dahilan ng paghinto namin sa pagtakbo at nagulat.

"What da?" ako.

Sa kaniyang point of view, nakikita niya kaming magkasama at magkahawak ang kamay at kung ako siya, talagang magse-selos na naman ako.

"Kylah!" sigaw niya.

"B-Baket?" sagot ni Kylah sa kaniya. Bumitaw ako sa pagkakahawak namin ng kamay.

"Sumama ka sa akin! Wag kang sasama sa lalaking 'yan. Dalhin mo rin ako sa bahay nyo! Matulog rin tayo ng magkasama gaya ng ginagawa mo sa lalaking 'yan, Kylah! Bigyan mo rin ako ng chance, magpanggap rin tayo, kahit ngayon lang!" Yan ang sinabi niya sa babaeng kasama ko.

Nako, ang tindi nga ng tama niya sa'yo, Kylah. Sa ganda mo ba namang 'yan?

"Please, sagutin mo na ako!" pahabol niyang sigaw.

Dumadaan palabas ng gate yung mga estudyante at eto kaming tatlo, na parang walang pake sa mga tao sa paligid.

Napatingin si Kylah sa'kin at sinabing, "Ano na'ng gagawin natin ngayon?"

Naalala ko yung line ni Heneral Luna sa isang scene ng movie niya at yun ang sinagot ko. "Ang magtagumpay o mamatay."

"Pinagsasabi mo?" si Kylah. Hindi niya siguro alam na nagbibiro ako. Dahil siguro hindi niya pa napapanood ang Heneral Luna kasi nung 2015 pa ito pinalabas sa sinehan.

Never mind.

"Kylah! Pakinggan mo naman ako!" nagsisisigaw pa rin ang ungas.

"Hoy!" sumigaw na yung panot na sekyu kasabay ng pagtayo niya sa kinauupuang plastic chair. "Ang ingay niyo! Lumabas na nga kayo!"

Si Joshua ang nahagip ng tingin nung guard kaya lumapit siya sa kaniya at nagsasalita, "Hoy, ikaw na naman! Ang kulit mo talaga!" Umaatras naman si Joshua habang pinapagalitan siya nito.

Tuluyan na ngang tumakbo si Joshua palayo.

Nawala na si Joshua, at sa amin naman yung tingin ng guard. Pinapagalitan na naman kami, "Kayo? Anong ginagawa niyo? Umuwi na kayo! Teka muna, natatandaan ko kayo ah! Kayo yung dalawang estudyanteng nag-cutting class nung nakaraang araw!"

"Patay, lagot." Boses ko na tunog hindi na masisikatan ng araw.

Hawak ang kamay ni Kylah, binalaan ko siya. "Kumapit ka sa kamay ko at tumakbo tayo ng mabilis pagbilang ko ng tatlo. Isa..."

Sumabat si Kylah ng, "Tatlo!" At ako pa ang kumapit sa kamay niya nang bigla siyang kumaripas ng takbo palabas ng gate na walang magawa ang sekyu.

Nakakalayo na kami mula sa kung saan kami nandoon kanina, at huminto kami sa pagtakbo. Hinihingal kaming dalawa.

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now