Chapter 4

97 16 1
                                    

"If gusto mo, pwede ka matulog sa place ko." Sabi nya sa'kin.

Hindi ako naniniwala. At sinong tanga ang magpapatuloy ng isang taong hindi mo kilala sa tinitirhan mo? Sya yata.

"Salamat nalang. Pero hindi. Ayoko. Baka iba ang isipin ng mga kakilala mo." Sagot ko sa kaniya.

"No, don't worry." Sabi naman nya, at mapagpakumbaba ang boses niya. "My tita always doesn't care kung sino ang pumupunta sa place ko. Minsan nga nag-sleep over kami with my friends pero walang kibo si tita. Okay lang sa kaniya. Promise." Nangungumbinsi talaga sya.

"Wag pa rin." Pilit akong tumatanggi kahit gustong gusto ko na pumayag sa inaalok niya.

Pero baka may masamang mangyari eh, at baka pagchismisan kami, lalo at di ko pa alam ang pagkatao nito at lalong wag kase babae sya at lalaki ako tapos matutulog kami sa iisang kama tapos hindi pa namin kilala ang isa't isa. Mali naman 'yon, at underage pa ako, ewan ko sa kaniya kung ilang taon siya.

"Bakit wag?" Tanong nya, na nanghihinayang.

"Hindi pa kita kilala eh. Tapos aalukin mo'kong matutulog ako sa lugar mo tapos babae ka at lalaki ako at tayong dalawa lang. Bawal, malisyoso 'yon." Saad ko.

"Wala namang masama eh. Sure ka na ba? Kung hindi ka talaga sasama, may matutulugan ka ba?" Paninigurado niya.

Kaya wala akong nagawa kundi sundan siya papunta sa apartment na sinasabi niya.

Habang naglalakad, nilibot ko ng tingin ang paligid at mukhang pamilyar. Parang nadaanan ko na 'to kanina.

"Nandito na tayo." Mabait niyang sinabi, at tiningnan ko yung apartment na tinutukoy nya.

"Teka, alam ko 'to ah!" Sabi ko. "Ito yung may tatlong palapag na apartment na nadadaanan ko pag lumalakad ako pauwi sa amin!"

"Huh?" Tinig ni Kylah. Kaya't napatingin ako sa kanya. "What do you mean tatlong palapag? Dalawa lang kaya 'yan."

"Ay oo nga pala. 1998 pa lang ngayon. Tatlong palapag na yan sa 2019. Di ko nga alam sa 2022 baka limang palapag na yan eh." Ako.

"Pumasok na kaya tayo?" Sabi nya, kaya sinundan ko na siya papunta sa house number niya.

Pagpasok ko sa bahay, nababaguhan ako. Maliit lang ito. Tamang-tama lang para sa isang tao. May isang kahoy na sofa na walang kutson na nasa kanang sulok, na nakaharap sa may bintana direkta patungong labas. At yung kurtina ng bintana, kulay puti na may pagka brown.

"Upo ka, Mr. Transferee." Sabi niya, at dumiretso siya sa maliit niyang kusina at may kinuhang kung ano na hindi ko alam. Tumingin ako sa paligid ng bahay at may isang lamesita sa gilid na may nakapatong na maliit na plorera na may plastic na bulaklak. Wala siyang TV. Hindi tuloy ako makakapanood ng FPJ's Ang Probinsyano ngayon.

Meron ding maliit na cabinet na may nakapatong na mga aklat sa ibabaw. Wala siyang ref. Sa tabi ng cabinet ay parang pintuan yata sa kwarto ni Kylah.

Lumapit ako sa may plorera at tiningnan yung bulaklak na plastic. Umaandar na naman ang pagiging pakialamero ko.

"May naitabi akong tinapay kanina." Aniya, na paparating dito kaya nataranta ako at agad na bumalik at napaupo sa upuang kahoy.

Inabot niya sa'kin yung tinapay at sinabi, "Goods pa yan. Kaninin mo muna 'yan habang maghahanda ako ng hapunan natin."

At saka siya umalis. Wow naman ang swerte ko naman para akong VIP sa bahay na ito.

Binuksan ko yung supot ng tinapay. Ensaymada. Kinain ko na ito.

Pinagluto nya pa talaga ako ng hapunan eh, kahit itlog lang na pinrito, ramdam ko ang kanyang pagiging hospitable. Ang bait naman niya. At dahil siya yung nagluto, ako na naghugas ng pinggan. Hindi sya pumayag pero wala siyang magawa kase ako talaga yung naghugas.

Crush Kita Since 1998Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt