Chapter 17

37 9 3
                                    

"Wala kang pakialam." Ang sagot ko sa sinabi niya, hindi sakop ng kaalaman ko kung nagbibiro ba siya o nagsasabi ng opinyon niya, pero ang alam ko, na-offend ako, konti.

Medyo masakit yung sinabi niya eh, di ako nakailag. Kailangan ba talagang mamersonal?

Napahiya ako. Nakaramdam ako ng hiya. Naapakan ang dignidad ko. Ayaw ko na dito.

"Kaya hindi ka sinasagot ng mga nililigawan mo eh!" sabi niya, masigla ang aura—na bumabagay sa masigla niyang pagkatao, "suplado ka kasi. Pero if liligawan mo ako, sasagutin naman kita kahit ganyan ka!" Pabiro niyang pagkasabi at sinundan ng manipis niyang tawa.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga bagay na pinagsasabi niya.

"Kala mo naman liligawan kita." Saad ko pa.

"Bakit ba ang sungit mo?"

Sumulyap ako ng tingin sa mukha niya, at naninibago pa rin ako sa kanyang gupit. Hindi ko nasagot ang tanong, inalis ang tingin sa kaniya, at lumakad palabas.

"Oh saan ka pupunta?" tinig ng babae sa likuran ko.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagbaba.

"Ganiyan ka na ba? Kaya pala talaga ayaw kang sagutin ng mga nililigawan mo kasi mang-iiwan ka!"

Di ko pa rin pinansin.

"Hintay naman!"

Bahala ka.

Nasa isang hakbang nalang ako papunta sa lupa. Ibababa ko na sana ang aking mga paa mula dito sa sementong hallway ng apartment building, nang pinigilan ako ni Kylah. Hawak-hawak niya ang kapirasong parte ng damit na suot ko kaya napalingon ako sa kanya.

Mukang may sasabihin siya, pero inunahan ko siya.

"Bitawan mo'ko."

Nakakakonsensya ang mukha niyang nakaharap sa ulo kong nakalingon sa kaniya.

Ngayon ay nailabas na nga niya sa kanyang bibig ang bagay na gusto niyang sabihin. "S-Saan ka ba pupunta?"

Sinagot ko siya nang diretso, "Magpapahangin lang ako, ano ka ba?"

"Ay, akala ko kasi aalis ka na eh..." mahina niyang boses na sinabi kasabay ng dahan-dahan nyang pagbitaw sa polo ko.

Umupo ako sa sementong bahagi ng sahig ng apartment, at ang mga paa ko naman ay nakapatong sa ibabaw ng lupa.

"Wala naman akong ibang mapupuntahan kung aalis ako dito eh." Sabi ko sa babae sa likuran ko.

Natahimik saglit, at naging mapayapa ulit ang buhay ko kahit sa sandaling ito.

Tinatanaw ang magandang tanawin ng madilim na langit at ninanamnam ang simoy ng sariwang hangin ng 1998, bigla kong naramdaman na umuupo ang babae sa tabi ko.

"Buti naman at na-realize mo 'yan." Wika niya.

Lumingon ako sa kaniya, at may nakita pa akong mas magandang tanawin kesa sa madilim na langit.

"Ano?" sabi ng tanawin.

"Wala, sinasanay ko lang ang mga mata ko na titigan kang naka-short hair."

Inalis ko na ang tingin ko at nilagay ulit sa langit.

"Ikaw naman, masyado ka nang nagagandahan sa'kin ahh," nang-aasar na naman siya, "wag kang mahiya, hahayaan naman kitang tumitig sa'kin eh..."

Umusog ako ng konti palayo sa kaniya, baka kasi masuntok ko pa sya.

"Alam mo, ngayon ko lang nasubukang umupo dito na may kasama." Nagsalita siya ulit, na umagaw ulit sa atensyon ko, maging ang pagtitig ko sa langit ay napunta ulit sa kaniya. "Umuupo ako dito noon nang ganitong oras kapag gusto kong magpahangin. Mag-isa lang akong umuupo dito, pero ngayon, kasama na kita."

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now