Chapter 19

38 8 2
                                    

Nagsimula ang kakaibang pakiramdam na hindi ko maintindihan nang pumasok kaming dalawa ng babae sa school gate.

Normal lang akong naglakad kasama siya, hindi kami naghahawakan ng kamay, wala kaming ginagawang malisyoso, pero naging kontrobersyal kami sa atensyon ng ibang mga estudyante kahit lumalakad lang naman kami patungo sa classroom namin.

Ramdam ko ang mga mata nilang nakatitig sa amin. Nakakailang, hindi ako makatingin sa ibang direksyon dahil sa kaba, nakalaan lang sa daan ang aking tingin patungong classroom namin.

Unti-unting lumalamig ang mga kamay ko at tila nakamamatay kapag aalisin ko ang tingin ko sa daan. Naririnig ko ang mga bulung-bulungan nilag hindi malinaw ang mga salita na parang mga kaluluwang handang pumatay kapag tumingin ka sa kanila.

Ngunit sa kabila ng nakakatakot at napaka-uncomfortable feeling na ito, nagliwanag ang aking pakiramdam na kagaya ng pagkaligaw sa madilim na gubat na nakamit ang nagliliwanag na daan tungo sa kalayaan nang nakarinig ako ng musika sa tinig ng babaeng kasabay ko.

"Ereneo? Ano na naman 'yan? Kinakabahan ka ba?"

Hindi ako makatingin sa kaniya, kaya sinagot ko siya kahit hindi ako lumilingon, "H-Ha? Ako? Kinakabahan? Hindi ah!"

Kahit naman ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin, nangibabaw pa rin sa damdamin ko ang titig ng babaeng kasabay ko. "Weh? Hindi ako naniniwala. Parang kinakabahan ka eh." Aniya.

"Hindi ah!" pagtanggi ko naman.

Itatanggi ko talaga, ngunit nablangko ang pangangamba ko sa kasunod niyang sinabi, "Dahil ba nakatingin sila sa atin?"

At dinugtungan niya pa ito matapos siyang nainip sa hindi ko pagsagot, "Sabihin mo, Ereneo. Wag kang mahiya, kinakabahan ka kasi nakatingin sila sa atin, noh?"

Tama siya, kinakabahan ako kapag madaming tao ang nakatingin sa akin. May pagkamahiyain ako, at natatakot na akong magtiwala ulit kapag sinasabi ko ang mga nararamdaman ko. Mas pipiliin kong ilihim nalang ang mga naramdaman ko kesa sabihin pa ito sa ibang tao.

Pero sa kadahilanang kaming dalawa nalang ang madalas na nag-uusap, ay hindi na ako nahiya na aminin sa kaniya.

Tumango ako, na ang ibig sabihin ay "oo."

"Ano ka ba, Ereneo," sabi niya, "wag kang kabahan, nababaguhan lang sila sa gupit ko kaya sila nakatingin sa atin."

Nabawi ko ang sigla na dapat kong angkinin matapos marinig ang sinabi niya, gaya ng pagdiskubre ng mga scientist ng lunas sa sakit na cancer.

Ngunit nasa damdamin ko pa rin ang pagkabagabag, na hindi lubos na nagtitiwala sa mga sinasabi niya. Baka sinasabi niya lang 'yan para pakalmahin ako at pagdating sa huli, sabay-sabay nilang lahat na kunin ang kaluluwa ko sa akin at ilibing sa kailaliman ng lupa.

"Tingnan mo," tugon ni Kylah sa'kin, at sumunod ang malakas niyang pagbati sa mga estudyanteng kakilala niya na nasa di kalayuan, "hi guys! Kumusta?"

Sa kabila ng takot ko sa paglingon sa kanila, ginawa kong panangga ang pagtawag ni Kylah sa kanila na rason kaya ko nakayanang tumingin sa mga estudyante.

Nahagip ko ang sagot ng isang estudyante na nakatayo sa hallway sa labas ng classroom nila na nagsasabing, "Wow, Kylah! New look ah?"

Tumingin si Kylah sa akin, at nagsalita, "oh diba? Parang kanina lang ang sigla sigla mo, tapos bigla ka nalang tatamlay? Wag ka nang kabahan, ako lang 'to."

Sa gitna ng kadiliman na bumabalot sa maliwanag kong araw, na tila ba wala nang pag-asang mabuhay dahil sa kahihiyan at takot, ay dinala ako ulit ni Kylah papunta sa kaliwanagan kung saan napapawi ang kahit anong uri ng takot at nadudurog ang kahit napakaliit na piraso ng kahihiyan.

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now