Chapter 22

35 9 1
                                    

Lumipas ang mga araw, na palagi na naming ginagawa ang mga bagay nang magkasama.

Sabay kaming pumupunta sa school, sabay kaming umuuwi sa bahay, sabay kaming kumakain, sabay kaming nag-aaral, sabay kaming lumalabas, sabay kaming namamasyal, sabay naming kinukwento ang mga nangyari sa buhay namin nang hindi pa kami nagkakilala, at marami pang iba.

Nagkukulitan kami sa isa't isa, nag-aasaran, nagpapalitan ng mga sekreto sa buhay, mga hilig naming gawin, mga paniniwala namin, at ng mga nararamdaman namin.

Sa kabilang banda, sa aming pagpunta sa paaralan nang magkasama, ay malaking balakid ang presensya ni Joshua sa akin.

Yun ay pagkatapos niyang magpakita sa klase matapos ng dalawang araw ng pagiging absent niya.

Nakalimutan kong i-check ang phone ko, kaya kinuha ko ito galing sa bulsa ko at tumingin.

Wednesday, February 18, 1998. 7:55AM

Nang bigla nalang nagsalita ang isang boses sa likuran ko na nagpakaba sa akin. "Uy, Ereneo! Ano 'yan?"

Naitago ko ang selpon ko dahilan ng pagkagulat, mabilis ko itong tinakpan sa pagitan ng kamay kong nakadikit sa aking dibdib. Pambihirang Marco 'yan.

"Muntik na'kong mamatay dahil sa'yo." Sabi ko sa kaniya.

"Grabe naman, ano ba 'yan?" tanong niya, na parang tinutukoy ang aking cellphone.

"Wala 'to, salamin lang na kakaiba." Sagot ko naman.

"Anong ibig mong sabihing kakaiba? Ano bang nagagawa n'yan?"

"Wala, wala."

"Ang damot mo naman, patingin ako nyang salamin mo."

Dahil kaibigan ko siya, at dahil ayaw kong magtampo siya sa'kin, ay sinabi ko na sa kaniya ang katotohanan na walang kasiguraduhan kung paniniwalaan niya ba o hindi.

"Lumapit ka dito." Tugon ko sa kaniya, na nilalapit ang tenga niya sa bibig ko sa pagitan ng mga upuan namin.

Binulong ko sa kaniya ang katotohanan, "Galing ako sa future, at ang bagay na nakita mo ay isang high-tech na gadget na hindi pa naiimbento sa panahong ito."

Matapos kong sabihin ang totoo, inayos na namin ang aming pagkakaupo, na nagtitinginan pa rin sa isa't isa, at unti-unti siyang ngumingiti, na para bang katatawanan ang sinabi ko, at pinakawalan na nga niya ang malalakas niyang tawa.

"Hahaha! Ayos ka rin ah! Talaga ba? Paano?" sabi niya sa'kin.

Walang pakialam ang mga kaklase namin, na tila walang narinig na tawa galing kay Marco, at wala ring pakialam sina Joshua at Kylah sa labas na nag-uusap, na natatanaw ko sa may bintana mula dito sa aking kinauupuan.

Panahon na para ipakita sa kaniya ang selpon ko.

Inangat ko ito habang binubuksan ang lock screen sa pamamagitan ng paglagay sa tamang pattern, pinindot ko ang camera, at kumuha ng selfie kasama si Marco.

"Ang gara naman ng salamin na 'yan, may pipindutin ka pa." Aniya.

Ngumiti ako sa kaniya na may konting kayabangan sa pagkakaalam na nagkakamali siya.

"Hindi ito basta salamin lang, tingnan mo naman." Sabi ko, na pinapakita sa kaniya ang aking cellphone nang pinindot ko yung maliit na icon ng photos at saksi ng dalawa niyang mata kung paano gumagana ang bagay na ito.

"Wow! Ano 'yan, salamin na camera?" napasabi siya sa kaniyang pagkamangha.

Ngumiti na naman ako na may kayabangan, at pumunta sa home screen, hinanap ang radio at pinindot, kinuha ang earphones ko sa bag, pinasok sa butas na pasukan ng earphones, at pinarinig sa kaniya ang radyo na tinataglay ng gadget na hawak ko.

Crush Kita Since 1998जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें