Chapter 20

41 9 1
                                    

Araw ng Sabado, February 14, taon ng 1998, excited na ang lahat para sa school activities ng valentines day.

Nasa campus na kami, at sabay na naman kaming naglalakad ni Kylah papunta sa classroom namin, na minamasdan ang iba pang mga classrooms on our way, at nakita naming naghahanda na rin ang ibang sections para sa activity.

Pero bago pa man ang araw na ito ay nag-usap kami ni Kylah kagabi.

***

"So anong balak mo bukas?" tanong niya sa akin. Nakaupo ako dito sa sofang kahoy na palagi kong tinutulugan, at nakaupo naman siya sa isang plastic na upuan sa tapat ko, at ang lamesita ang nasa gitna na pumapagitan sa amin habang nag-uusap kami.

"Ako dapat ang nagtatanong sayo n'yan."

"As in, wala ka talagang balak bukas?" Aniya.

"Wala nga."

"Hindi ka pupunta sa valentines sa school?"

"Depende sa'yo kung pupunta ka o hindi." Sabi ko. May idadagdag pa akong gustong sabihin sa kanya nang matandaan ko kung saan siya kaanib. "Diba magsisimba ka bukas? Dito nalang ako sa bahay, maglalaba ako."

"Wag na muna tayong maglaba bukas, pupunta ako sa school activity. Samahan mo ako."

"Pero diba may pagsamba kayo bukas?"

"Sige na, minsan lang naman 'to. Last year, hindi ako naka-attend ng school activity kasi nagkasakit ako noon. Wala kaming pagsamba nun kasi Friday nai-held yung activity last year kaya lang hindi pa rin ako nakapunta. Kaya this time, sayang yung chance kapag hindi pa rin ako makakapunta."

Tahimik saglit, at nagsalita ako. "Hindi ka pala faithful sa paniniwala mo ha..."

"What if ito na ang last week na makakasama mo'ko? Kaya samahan mo na ako, please?"

Namimilit talaga siya, pero kagaya ng sinabi ko sa sarili ko, nakadepende sa kaniya kung ano'ng mangyayari sa February 14.

Tinanong ko siya, "Kung pupunta ka bukas, may ka-partner ka na ba?"

Pasimple siyang sumagot. "Wala pa eh... tayo nalang?"

Hindi ko intensyon, wala akong sadya, hindi ko sana siya sasagutin, at nagbibiro lang ako, ngunit ito ang salitang nanggaling sa damdamin ko na lumabas sa bibig ko, "Tayo naman talaga."

Unti-unting ngumingiti ang mga labi niya, napayuko siya, at nailabas ng ngiti niya ang kaniyang mga ngipin, na namumula ang pisngi, at sumisingkit ang mga mata.

Dahil sa ginawa niya'y naalarma na naman ako, kaya para kapusin ang pagkaalarmang ito ay ginulo ko siya, "Ba't ka nakangiti ng ganyan? Ano na naman ang iniisip mo?"

Napaalik-ik siya ng konti, ngumiti, at sinabi, "Wala, wala. Natawa lang ako."

Lalo siyang gumaganda sa ngiting tinataglay niya, na para bang asido na tumutunaw ng puso, na nakakabulag, gaya ng araw, at nakakasabog ng damdamin, na gaya ng grenade launcher.

Sana nga natawa lang siya, at sana wala siyang iniisip na iba.

***

"Tara na?" ani Kylah sa akin nang huminto ako saglit sa paglalakad dahil sa pagtanaw ko sa paligid na puno ng masasayang mga estudyanteng sabik nang mag-aliw.

Natingin ako sa kaniya. Natingin s'ya sa'kin. Hindi ko napansin ang pasimple niyang paghawak sa kamay ko. Mainit ang palad niya.

Nagtipon muna kami sa classroom bago ang opisyal na opening ng school program.

Crush Kita Since 1998Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα