Chapter 35

26 9 4
                                    

Lumakad ako pauwi na nag-iisa at walang kasama.

Nakakapanibago.

Pinagmamasdan ko ang palibot habang tinatahak ang aking mga lakad pauwi sa bahay. Hindi ko maintindihan ngayon, pero napagdesisyunan kong lumisan na sa pamamahay ng babae.

Kukunin ko nalang ang mga naiwan kong gamit doon at aalis na ako, at hindi na babalik pa.

Sigurado na ako sa aking pag-alis.

Pero nagdadalawang isip pa rin ako, na baka malulungkot si Kylah sa pag-alis ko. Pero inisip din ba niya na malulungkot ako sa pag-alis niya?

Kung ayaw niya akong maging malungkot, edi sana hindi niya ako iiwan.

Pero iiwan niya ako. Sa makatuwid, hahayaan niya akong maging malungkot. Hahayaan niya akong masaktan. Kaya uunahan ko na siya, bahala na kung wala akong mapuntahan pagkatapos ng paglisan ko.

Sumasakit ang damdamin ko sa desisyong pinanghahawakan ko ngayon. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa choice na aking pinili, at kumikirot ang puso ko sa balak kong pag-iwan sa kaniya.

Bahala na.

Sana, sumang-ayon sa akin ang tadhana. Kahit ngayon lang.

Pagdating ko sa apartment building, maigi ko munang pinagmasdan ang itsura nito—ang kulay ng pader, ang bakal na staircase patungong second floor, ang sementong sahig sa ground floor.

Ma mi-miss ko ang lugar na 'to.

Inilakad ko na ang aking sarili paakyat sa second floor. Nang nasa harap na ako ng nakasarang pinto ng house number ni Kylah, kinakabahan akong pumasok.

Hindi ko kayang sabihin.

Siguro, bukas ko nalang sasabihin sa kaniya.

Kumatok ako sa pinto—tatlong beses.

Maigi ko itong hinintay ng ilang segundo, at bumukas naman ito ng ilang saglit. Bumungad sa akin ang mukha ng inosenteng babae na walang kaalam-alam sa aking binabalak.

"Uy, Ereneo! Nakauwi ka na." Masigla niyang bati sa akin.

"Kamusta ang lakad?" dagdag nya pa.

Ngunit hindi ako umimik. Lumakad ako papasok sa sala at umupo sa sofang kahoy.

Sinusubukan kong alisin ang bagabag na tumutusok sa puso ko, nang narinig kong nagsalita si Kylah, "Um, Ereneo? May sasabihin nga pala ako sa'yo." Malungkot ang kaniyang boses, parang may hindi magandang nangyari.

Labag man sa puso ko, lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang nakatayo sa kanang banda ko, at tinanong ko siya, "Ano?"

"Sana hindi ka magalit." Aniya.

"Ano nga?"

Tumingin ako sa kaniya nang diretso—mata sa mata, at kita ko sa kaniyang mga mata ang kaba at pagka-bahala.

Hinintay ko siyang magsalita.

Maya-maya'y huminga siya nang malalim, at saka sinabi niya na ang bagay na gusto niyang sabihin, na gusto ko rin naman malaman.

"About doon sa charger ng gadget mo."

"Oh?" Sabi ko.

"Nahilo kasi ako kanina," kwento niya, "hindi ko alam na doon mo pala nilagay sa sahig ng kwarto ko yung charger. Nahilo ako kanina bigla tapos hindi ko namalayang naipit yung wire niya sa paa ng kama. Naapakan ko ito at nadulas ako nung time na nawalan ako ng kontrol, kasi nga nahilo ako diba? Hindi ko sinasadya, naputol ko yung wire ng charger mo. Sinusubukan ko namang ayusin."

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now