Chapter 36

27 9 4
                                    

Nagbihis na siya ng damit pagkatapos naming umuwi sa bahay niya.

Naghintay lang ako dito sa labas nang inabot niya na sa akin yung tuwalya niya at pinunasan ko muna ang sarili ko bago pumasok sa loob.

Bumalik siya ulit sa kaniyang kwarto, at paglabas niya ay may dala na siyang damit panlalaki—pajama at t-shirt.

"Isuot mo nalang muna 'yan," malumanay na pagkasabi sa akin ng babae, "damit 'to ng daddy ko. Naitago ko pa sa aparador ko, try mo lang suotin, baka magkasya sa'yo."

Nagpatuyo ako sa kwarto niya at sinuot ang damit ng tatay niya na binigay sa akin. Lumabas ako sa kaniyang kwarto na bitbit ang basa kong damit. Pumunta ako sa labas ng bahay at sinampay ko sa sampayan yung mga damit ko, at pumasok na ulit ako sa loob.

Nakatayo ako sa harap ng babae, nakatingin sya sa suot ko at ang sabi niya'y, "Buti naman at nagkasya." Ngumiti siya, at tumingin sa mata ko.

"Uminom ka muna ng gamot." Saad ko sa kanya, at kinukuha ko sa bag ko yung gamot na binili namin kanina nung pauwi kami.

Binigay ko ito sa kaniya at ininom niya ito kalakip ng tubig.

Umupo na muna ako sa upuan habang binabalik niya sa kusina yung baso.

Pagbalik niya ay lumakad siya papunta sa harap ko kaya naman ako napatingin sa kaniya.

Hinawakan ng kaliwa niyang kamay ang kanan niyang kamay, at nagsalita, "Sorry nga pala sa nangyari kanina."

Sinagot ko siya ng, "hinde, ako dapat ang mag-sorry sa'yo kasi ang sama ng pinakita ko kanina. Charger lang naman yun. Ang importante, hindi ka na malungkot ngayon."

Unti-unting napangiti ang kaniyang mga labi at nakikita ko ang mapuputi niyang mga ngipin, at ang sumisingkit niyang mata. Napakaganda niya sa tuwing ngumingiti siya.

Umupo siya sa tabi ko.

She said, "hindi na ako malungkot ngayong kasama na ulit kita."

Humikab siya at saka niya sinabing, "inaantok na ako. Matutulog na ako, Ereneo. Goodnight," kasabay ng pagtayo niya at lumakad patungo sa kwarto niya.

Ngunit nang hindi pa siya tuluyang nakapasok ay tinawag ko ang kaniyang pangalan, kasabay ng kanyang paghinto.

"Ahh, Kylah?"

Humarap siya sa'kin.

Kaya tinuloy ko ang aking salita, "p-pwede ba kitang samahan matulog?"

Unti-unting ngumingiti ang kaniyang mga labi, at sumisingkit ang kaniyang mga mata, at nasilayan ko ulit ang maganda niyang ngiti matapos ko siyang nakitang umiiyak kanina.

Lalo pang gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ko siyang makitang ganyan. Tumatalon sa kilig ang aking puso, at hindi ko maintindihan.

Basta natutuwa lang akong makita siya ulit na ngumingiti.

Ayaw ko na siyang umiyak, sana ngumiti nalang siya palagi.

Sa unang pagkakataon, at sa unang beses sa buong buhay ko, nakahiga ako sa kama kasama ang isang babae.

Nakapatay na ang ilaw at sarado na ang kwarto, at nakahiga ang babae sa tabi ko. Kinakabahan ako, hindi nalang ako nagsalita at tumalikod ako sa kaniya.

Nakalimutan ko, nasa bulsa ko pa pala yung cellphone. Pinaandar ko ito at tiningnan kung ilang percent nalang ba ang natitira.

13% remaining, charge your phone.

Sira naman na ang charger ko, at malo-lowbat pa rin naman ito kahit papaano kahit hindi ko gamitin, kaya nagpa-music nalang ako.

Hindi ko pa pala na-check yung mga music na ni-download ni Jelo dito sa phone mula nung napadpad ako rito, kaya time na rin siguro para magpa-music na ulit ako.

Pinili ko nalang ito nang random at nag-uumpisa nang mag-play yung awitin.

Kahit nakatalikod na ako sa babae, nasasagap ko pa rin ang matamis niyang amoy.

Nang pinakinggan ko ang melody ng intro ng awitin, ang ganda nitong pakinggan.

At ang mga lyrics na sumunod ay, "There I was an empty piece of a shell, just mindin' my own world without even knowin' what love and life were all about~"

So far, nakuha ng kanta ang interest ko. Maganda namang pakinggan, yung music at melody, parang yung tipong pakikinggan mo talaga bago ka matulog.

"Nakikinig ka rin pala ng Apo Hiking songs." Wika sa'kin ng babae.

Nagtaka ako at napaisip, hinarap ko siya at nakahiga siya nang nakaharap sa kisame.

Nagsalita ako, "Apo Hiking? Ano 'yan?"

Humarap siya sa akin galing sa kaniyang pagkakaharap sa kisame, at tumugon, "Hindi mo ba alam 'yan? Sila yung kumanta sa pinapatugtog mo ngayon."

"Ganon ba?" ako, at ako naman ngayon ang humarap sa kisame.

Natahimik saglit ang babae at malinaw kong napakinggan ang awitin.

Masarap ito sa tenga.

Nakaka-relax pakinggan.

Nang may tinanong na naman siya, "Um, Ereneo?"

Bahagya akong sumagot ng, "Bakit?"

"Sabi mo kasi wala kang balak na maging girlfriend mo ako, but if you changed your mind, liligawan mo ba'ko?"

Nang narinig ko ang kaniyang tanong, nailang ako nang konti, at di kalaunan ay sinagot ko na ang tanong niya.

"Oo. Pero hindi naman na magbabago ang isip ko eh."

"Pero kung sakali man, na liligawan mo ako, hihintayin naman kita..."

Natahimik ako saglit, napa-isip kung ano ang susunod kong sasabihin.

At nagkaroon ako ng salita, "Paano kung matagalan ako? Sasagutin mo na ba yung mga naunang nanligaw sa'yo?"

"No, wala akong sasagutin sa kanila, ikaw lang naman talaga ang hinihintay ko. At kapag nanligaw ka na, kahit tatlong dekada ka pang manligaw sa akin, sasagutin at sasagutin kita. Sana manligaw ka."

Huminga ako nang malalim at tumalikod na sa kaniya.

Maya-maya ay nabigla ako nang may yumakap sa akin. Ramdam ko ang init ng kanyang pagyakap, naaamoy ko ang matamis niyang halimuyak, at unti-unting humihigpit ang pagyakap niya kasabay ng mga lyrics na ito ng kanta na tumagos sa aking puso,

"You gave me a reason for my being~ and I love what I'm feelin'~"

"You gave me a meaning to my life~ yes I've gone beyond existing~"

"And it all began~ When I met you~"





Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now