Chapter 13

52 10 2
                                    

"February 8 ngayon, anim na araw nalang valentines na. Dapat siguro mag-get along na kayong dalawa para magkaroon ng happy ending ang feelings nyo sa isa't isa." Matalinong suggestion ko.

"Hindi ako naniniwala sa valentines," sabi niya pa, "kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang mag-effort sa valentines lang. Kung mahal mo ang isang tao, ipakita mo sa kanya araw-araw na mahal mo siya at may care ka sa kaniya. Lalambingin mo siya, pinupunasan mo ang mga pawis niya, hahawakan mo ang kamay niya, babantayan ka niya, at ihahatid ka niya sa bahay niyo kapag gabi na. Yan ang valentines na pinapaniwalaan ko."

Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya, natulala ako. Like, wow, kaya rin pala niyang maging matino eh. Pero baka sa usapang pag-ibig lang siya magaling? Ewan ko.

"Kung ganon, gawin mo yan kay Joshua and you will live happily ever after."

"But si Joshua, natatakot ako sa kaniya."

Gusto ko syang tanungin. Bakit ka ba natatakot sa kanya? Pero wag, pinigilan ko na ang bibig ko at hinayaan ko lang siyang magsalita.

"Since first year high school, palagi niya akong inaabangan sa gate at inaakbayan niya ako sa daan kahit hindi ko gusto. Bigla-bigla nalang niyang hinahawakan ang waist ko kahit naiirita ako. Alam mo yun? I think hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ko kasi lalaki ka. Natatakot ako, masyado siyang aggresive kahit wala pa namang kami. Nung second year naman, sinundan niya ako sa section ko and hindi na ako makagalaw ng maayos dahil sa kanya since naging classmates kami."

Speechless ako. Pero habang pinakikinggan ko ang mga sumunod niyang sinabi, nag-generate ng idea ang utak ko para sulusyunan ang love problems niyang 'yan.

"Gusto ko sya dahil astig sya, but natatakot ako when he becomes aggressive. Hindi ko pa nga siya boyfriend, ganyan na siya. Paano nalang kapag naging kami na?"

At nagsalita na ako. "Alam mo, ang dapat sa inyo, magkaroon kayo ng closure. Sabihin mo sa kaniya yung mga sinasabi mo sa'kin. Pangaralan mo siya, sawayin mo sya, at kung mahal ka talaga niya, magbabago sya para sa'yo."

"I hope so. Ginawa ko na yan dati pa, but hindi sya effective."

Hindi effective? Effective kaya 'yan. Naalala ko tuloy yung crush ko bago mag valentines nung 2019. Gusto niya raw sa mabango, mabait, naka-korean cut ang buhok, naka-eyeglasses at mahilig sa fashion.

Ginawa ko lahat ng 'yun para sa babaeng gusto ko. Bumili ako ng perfume at araw-araw kong ginagamit 'yon para sa kanya. Mabait na ako dati pa, at kahit labag sa loob, nagpagupit ako ng korean cut kahit mukha akong bunot tingnan. Nagsuot ako ng salamin sa mata kahit walang sira ang mata ko, at kapag martes at huwebes na hindi required mag uniform, sinusuot ko yung mga damit na gusto niyang suotin ng lalaki.

Ginawa ko lahat ng 'yon para sa kanya, pero ni-reject niya pa rin ako nung umamin ako, kaya kahit kailan, hindi na talaga ako aamin pa at hindi na ako magkakagusto kahit kanino kahit kailan.

Although mag-admire ako, wala na akong balak na makaramdam na gaya nung dati.

"Effective yan, maniwala ka." Pamimilit ko.

Alas dyis ng gabi, nasa kusina kami, nakatayo at nakaharap sa isa't isa, at inabot ko ang cellphone ko at pinindot ang power button para tingnan kung ilang percent na ang battery ko.

Bago ko ito chinarge, 14 percent yon. Ngayon, naging 23 percent na.

"Yang bagay na 'yan, curious ako dyan." Sabi niya at tinuro yung cellphone kong naka-charge sa tabi ng heater.

"Yan ba? Cellphone ang tawag dyan. Hindi pa 'to naiimbento sa panahon na 'to."

"Cell phone? Hindi naman ganyan ang itsura ng cellphone ah?"

Hindi niya talaga maintindihan kasi nasa 1998 kami ngayon, at galing ako sa kasalukuyan.

"Hay nako." Napabuntong-hininga ako. "Ito ang cellphone nung 2019. Meron itong camera, may audio player, may notes, may flashlight, at kung ano-ano pa na wala sa makalumang cell phone nyo ngayon."

"Ganon ba?"

"Oo, nakita mo naman siguro 'to kahapon nung pinicturan kita gamit nito?"

"Oo. Pwede ko bang tingnan?"

"Naka-charge pa yan. Mamaya na kapag full-charged na."

"Ang damot mo naman." Lumakad siya papunta sa sala.

***

Kinabukasan, umaga ng February 9, 1998. Lunes, at sabay kaming naglalakad ni Kylah papunta sa classroom nila. Medyo maaga kami ngayon at hindi kami magkahawak ng kamay.

Natatanaw ko ang classroom ngunit sarado pa yung pinto. Nakikita ko yung mga classmate niyang nakaupo sa hallway sa labas ng classroom nila, yung iba naman ay nakatayo lang at nagbabasa ng pocket book yung isang babae, at pareho kaming naghihintay sa may dala ng susi kahit magkaiba kami ng ginagawa.

"Umupo muna tayo doon, Ereneo." Sabi ng babaeng kasama ko, na tinuturo ang isang nakapabilog na sementong upuan na pinapalibutan ang puno sa gitna nito.

Ah, oo. Ito yung ginawang flowing fountain sa eskwelahan namin nung Grade 7 ako. Natatandaan ko 'to.

Umupo kaming dalawa at naghintay. Pinagmasdan ko ang paligid, maaliwalas ito at tahimik. Tumingin ako sa cellphone ko kung anong oras, at 6:24 AM pa.

"Nga pala," sabi ng babaeng nasa tabi ko, "Magpanggap lang tayo na mag-shota para tantanan ka ni Joshua."

"Bakit hindi nalang siya yung shotain mo para talagang tantanan niya na ako?"

"Ayaw ko."

"Okey, bahala ka." Sabi ko, wala nang maraming pagtatalo pa.

Tahimik kaming naghihintay at nakaupo dito, nang bigla nalang may nagsalita sa may puno na kung sinong kapre.

"Tama ba yung narinig ko?" napalingon ako agad, at nakita ko ang ungas na pagmumukha ni Joshua, nasa gilid siya ng puno at sa tingin ko'y nakikinig siya na pinag-uusapan naming dalawa mula sa umpisa.

"J-Joshua!?" nagulat si Kylah.

"Ahh, so nagpapanggap lang pala kayo ah, humanda ka sa'kin mamayang uwian." Ani Joshua. Ungas nga talaga siya.

Hindi ko alam kung kanino siya nagsasalita o kung sino ang tinutukoy niya sa aming dalawa.

Lumakad siya paalis sa kinaroroonan niya at naglakad sa daan—nakatingin siya sa amin na parang gusto niya kaming kagatin.

Sumakit ang tyan ko pagkatapos kong tingnan ang mukha niya, at tumalikod na siya para harapin ang daang nilalakaran niya.

Ang ingay naman talaga ni Kylah. Yan tuloy, buko kami.

"Shet, nahuli tayo." Aniya.

"Wow, akala ko ba bawal magmura?" sabi ko naman.

"Hala, sorry!" sabay takip ng bunganga niya gamit ang dalawa niyang kamay. Buti nalang tumingin ako sa kanya, para kasing Loperamide ang mukha ni Kylah na nakakawala ng sakit ng tyan pagkatapos kong makita ang mukha ni Joshua.

Yan, sa susunod, dapat matuto ka ring mag-ingat, Kylah. Wag magsalita nang wala sa lugar, o siguro, tingnan muna ang paligid bago magsalita at siguraduhing walang espiyang nakikinig o umaaligid sa malapit.

Pero ang alam ko lang sa mga oras na ito hanggang mamayang uwian ay, "Lagot tayo ngayon."





Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now