Chapter 34

26 9 0
                                    

"Good morning!" bati sa'kin ng babae pagkagising ko. Bumangon na ako bago niya pa ako binati.

Hindi ko siya sinagot.

"Ang sungit naman!" Reklamo niya.

Napapansin ko, hindi pa siya naliligo. Nagpainit siya ng tubig at naghanda ng dalawang tasa. Kaya kinuha ko nalang yung tuwalya ko at inunahan ko na siya sa banyo dala ang unipormeng susuotin ko.

Sinara ko na yung pinto ng banyo at dito nalang ako magbibihis ng damit right after kong maligo para medyas at sapatos nalang ang susuotin ko paglabas.

Naligo ako kahit mainit ang pakiramdam ko. Pinapawi ng malamig na tubig ang init sa katawan ko na para bang nagbabagang uling na binasa at umusok nang mapatay ang apoy.

Pagkatapos kong maligo, lumabas na ako nang nakabihis bitbit ang aking damit-pambahay.

Nawala na ang init sa aking pakiramdam. Maayos na ulit ang temperatura ng katawan ko.

Nahahagip ng paningin ko si Kylah na nakaupo at naghahanda ng mainit na inumin sa lamesita na may supot na ng pandesal.

Baka bumili siya kanina habang naliligo ako.

Bakit kaya hindi siya naghahanda ngayon para umalis? Eh araw-araw nga, mas nauuna pa siyang maligo kesa sa'kin.

Lumakad ako palabas para isampay ang aking damit pambahay at dinaanan ko lang siya.

Hindi naman nabasa ang damit-pambahay ko, isasampay ko lang para mainitan mamayang tanghali kapag malakas na ang sikat ng araw.

Pagbalik ko sa loob ay kinausap ako ng babae.

"Mag-almusal ka na, Ereneo. Sorry kung tinapay lang ang almusal natin ngayon."

Pero hindi ako nagsalita.

Ayaw ko siyang kausapin.

Gusto ko siyang tanungin, bakit hindi ka pa naliligo? Male-late ka na.

Pero ayaw ko siyang kausapin.

Umupo nalang ako sa tapat niya—hindi ko siya tinabihan sa sofang kahoy. Dito ako umupo sa plastic na upuan. Ayaw ko muna siyang makatabi ngayon.

Kinuha ko na ang isang tasa ng Ovaltine at inusog ko ito sa mesa malapit sa'kin.

Dumampot din ako ng isang piraso ng pandesal at sinawsaw ko sa chocolate drink, at saka kinagat, at nginuya.

"Nga pala, Ereneo." Saad ng babae kaya ako naptingin sa kaniyang mukha. "Hindi na muna ako papasok sa school ngayon. Dito nalang muna ako sa bahay at magpapahinga. Tinatamad akong pumasok eh. Sorry kung ngayon ko lang sinabi."

Gusto ko siyang tanungin, ba't ayaw mong pumasok? Edi hindi kita makakasamang maglakad?

Pero ayaw ko siyang kausapin.

Nakaubos ako ng apat na pandesal, at may natira pang tatlo para sa kaniya. Isa lang ang kinain niyang pandesal, wala siguro siyang gana.

Hindi pa nauubos ang iniinom kong chocolate drink at malamig na ito, kaya dinampot ko ang tasa at diretsong ininom para makaalis na ako.

Itinayo ko na ang aking sarili, kinuha ang bag, at lumakad na palabas sa bahay nang tinawag ng babae ang pangalan ko.

"Ah, Ereneo?"

Pasadya akong huminto at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"Dalian mong umuwi mamaya ah? Baka hindi mo na ako maabutan dito sa bahay kase kukunin na ako ng nanay ko." Pabiro niya itong sinabi.

Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon.

Pagkatapos kong ma-comprehend ang sinasabi niya, tinuloy ko na ang paglakad ko pababa sa hagdan.

Crush Kita Since 1998Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt