Chapter 21

32 10 0
                                    

Hapon ng February 14, 1998.

Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, may nakasama akong babae sa isang araw ng valentines. Hindi ko inakalang dadating ang araw na 'to.

Buong akala ko, wala nang babaeng lalapit sa akin, na hahawakan ang aking kamay, at ipaparamdam sa akin ang bagay na tinatawag nilang "pag-ibig."

Ngunit mali ako. Mali ako sa part na inakala kong wala na akong karapatan na makaranas ng "pag-ibig," matapos yung nangyari nung huling valentines day sa buhay ko.

Hawak ang kaniyang kamay, sabay na naglalakad pauwi sa tahanan naming dalawa, palubog na ang araw at tinatahak namin ang daan na parati naming dinadaanan, ay naramdaman ko ng lubos at tumagos sa puso ko ang bagay na tinatawag nilang "pag-ibig."

Akala ko makukulong na ako sa madilim at saradong kwarto ng pagiging bitter na walang kahit anong paraan para makalabas, na lalamunin ng pagkamuhi sa pag-ibig ang buong pagkatao ko. Ngunit nabago ang mga pananaw ko nang pinadama sa akin ng babaeng kasabay kong naglalakad ngayon na hawak ang kaniyang kamay ang bagay na tinatawag na "pag-ibig."

Dumidilim na ang paligid, kasabay ng araw na unti-unting lumulubog at umaalis, na sinusundan ng pagsapit ng gabi.

Hindi ko namalayang ngumingiti na ang labi ko, at unti-unti ko nalang naramdaman ang mga luhang pumapatak galing sa aking mga mata.

Biglang nanikip ang puso ko, dahilan sa bagay na tinatawag nilang "pag-ibig" na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Napapangiti ako, na umiiyak, hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa sobrang saya na pinapadama sa akin ngayon ng babaeng nagngangalang "Kylah."

Hawak ko ang kamay niya, ramdam ko ang init ng palad niya, gaya ng pagsikip ng puso ko dahil sa sobrang saya.

"E-Ereneo? Umiiyak ka ba?" aniya, matapos niyang mapansin ang mga luha sa mata ko.

Nangiti nalang ako at pakunyaring hindi alam ang sinasabi niya.

"Ha? Alin?" palusot ko sa kaniya sabay punas nito gamit ang panyo, "ahh, wala, napuwing lang ako."

"Saan? Hipan natin!" tugon niya.

Ako, na nabablangko ang utak, ay hindi alam ang susunod na ipapalusot at hinayaan ko nalang ang malikot kong bibig na magsalita, "ah, eh, wala na! Naanod na ng luha ko. Wala na s'ya, okey na."

"Sigurado ka ah?"

"Oo, sigurado ako."

"Okay?"

Ngumiti nalang ako at nanahimik.

Hindi ko talaga maintindihan, at paulit-ulit kong sinasabi, ngunit gusto kong maintindihan ang palaging bumabagabag sa akin. Gusto kong maintindihan ang ibig sabihin ng mga nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya.

Hindi ko pa ito naramdaman kahit kailan, kaya lubos itong nagpabagabag sa akin mula nung pumasok sa akin ang ganitong pakiramdam.

Nakakalimutan ko ang mga problema ko kapag kasama ko siya, kahit isa siya sa mga problema ko minsan.

Pwede bang pakiliwanag ng ibig sabihin nito? Naguguluhan na ako, at patuloy akong naguguluhan.

Paano nalang kung bigla akong maibalik sa kasalukuyang panahon na kinabibilangan ko? Paano nalang kung salubungin ulit ako ng liwanag at pagkahupa'y 2019 na ulit?

Hindi ko na ba makakasama si Kylah? Hindi ko na ba ulit siya makakasabay na maglakad paalis at pauwi ng bahay niya? Hindi ko na ba ulit mahahawakan ang kaniyang kamay? Hindi ko na ba ulit madadama ang bagay na "pag-ibig" kung mawawala na siya?

Crush Kita Since 1998On viuen les histories. Descobreix ara