Chapter 1

201 20 6
                                    

Today is Monday, ika labing-walo na araw ng Marso, taon ng 2019.

Walang bago. Pagkagising sa umaga, pupuntang kusina at mag-toothbrush muna. Pagkatapos magsipilyo ay pupunta sa banyo para maligo, at saka dideretso na sa kwarto para mag-bihis ng uniporme.

Sinuot ko ang aking underwear kasunod ang white t-shirt, sinuot ang aking kulay turquoise na uniform, kinabit ang mga butones, kinabit ang necktie, sinuot ang shorts at sinuot ang pantalon—itim na slacks, at kinabit ang sinturon.

Araw-araw nalang ganito, maliban sa Sabado't Linggo. Walang pasok nun eh.

Nasa eskwelahan na ako para mag-aral.

Ako si Ereneo Tesorio Salvacion Laurente. Isang Grade 10 student dito sa Banyaga National High School.

Parang nasa panahon ng kastila lang tong pangalan ko, ang haba eh. Nakakabanas pakinggan. Tinatawag nila akong "Ernesto." Combination daw ng "Ereneo" at "Tesorio" na pinaikli.

Okey na sana itong moment ko na nagmamasid sa labas ng bintana nang may sumigaw ng, "Mr. Laurente! What are you looking outside!?"

Yung teacher kong bakla na si Celvin Mamaril yung sumigaw nang nahuli niya akong hindi nakikinig sa mga sinasabi niya at nakatingin lang sa labas sa may bintana.

"Ah, wala po ser. Nakita ko po kase yung ibon na lumilipad na mahal ng dios di kumukupas." Sagot ko naman.

"Mr. Laurente!! You're getting into my nerves!! Malapit na matapos ang school year pero pasaway ka pa rin!" Sigaw niya sa akin.

Hay nako jusko eto na naman tayo. Letseng bakla talaga 'to, wala naman akong ginagawang masama. Hindi naman ako nagpapasaway eh.

Sadyang paborito lang talaga niya akong estudyante.

Malapit na ngang matapos 'tong school year na 'to pero ganito pa rin ang trato niya sa'kin bilang estudyante niya. Walang pagbabago. Parang tropa lang ni sir Cha eh—yung adviser ng kaibigan ko sa school nila, pinagalitan ba naman ako dahil lang bumisita ako sa classroom ng kaibigan kong taga-ibang eskwelahan?

Apprentice ata nung sir Cha itong class adviser namin.

Naglakad siya papunta sa akin habang nakaupo lang ako dito sa upuan ko.

Para bang gusto niya akong kagatin kung makatitig siya.

"Ikaw kaya ang magsalita at mag-announce dito sa harap tapos hindi ako makinig!?" Sigaw nya sa'kin nang malapitan. Tumalsik pa sa mukha ko yung laway nya.

Nakakainis talaga 'tong baklang 'to. Nakakagalit, ang sarap sagutin.

"Hoy, Ernesto. Ayos ka lang?" Saad ni Ryle sa akin. Lunch hour, kumakain kaming tatlo dito sa classroom at hindi pinakikialaman ang ginagawa ng iba naming classmates.

"Ah, oo. Ayos lang ako." Bahagya ko namang sagot.

"Kanina ka pa kasi tulala dyan. Kainin mo na 'yang baon mo. Lalangawin na yan." Sabi niya ulit.

"Oo nga, Ernesto. Kainin mo na 'yang baon mo," wika naman ni Jelo, "oh kung ayaw mong kainin, pwede mo naman ibigay sa'kin. Hehe." Napatawa pa siya.

Kaming tatlong magkakaibigan—kumakain ng sabay dito sa loob ng room at hindi pinapansin ang mga ingay at usapan ng iba naming mga kaklase. Kumabaga, minding our own businesses. Yung iba naman, dun sila kumain sa bagong canteen na malaki at madaming ulam na binibenta.

Tahimik kaming kumakain dito sa loob na may konting usapan.

"So, Ernesto. Kumusta naman love life mo?" Salitang lumabas sa bibig ni Jelo na agad akong nailang matapos nahagip ng pandinig ko yung sinabi niya.

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now