Chapter 3

109 16 2
                                    

Lahat ng nasa contacts ko ay hindi matawagan. Kinakabahan na ako, at mababaliw na ako. Saan na ako uuwi nito ngayon?

Blangko ang utak ko, pero nagkaroon ito nang laman nang may naisip akong gawin na sa tingin ko'y wala pa ring saysay, pero wala na akong ibang magawa, kaya naglakad nalang ako pabalik sa eskwelahan. Nakaramdam ako ng uhaw kaya napadaan ako sa tindahan na dating karinderya.

"Tao po." Sabi ko, at may isang babaeng nanonood ng TV na nadistract kase tinawag ko siya.

"Ano'ng sayo?" Sagot ng babae.

Habang tinititigan ko yung babae, may napapamilyar akong mukha na dahilan kung bakit ko tinanong ang bagay na 'to, "Anak ka ba ni aling Rosel? Medyo kamukha mo kasi sya eh. Sa pagkakaalam ko, wala siyang anak."

"Anong anak? Ako si Rosel. Bibili ka ba o hindi?" Sabi niya pa. Ang sungit naman.

"Pabili ice water nauuhaw ako." Kaya umalis siya para kumuha ng ice water. At napansin ko yung TV na umaandar kaya sumilip ako.

"At ito ang mga nag-iinit na balita ngayong February 2, 1998." Sabi ng announcer sa TV.

1998? Siraulo ka ba? Paano ka naging announcer sa TV kung pati taon di mo alam?

"Eto yung ice water." Sabi ng babae na inaabot sa'kin yung tubig.

Kaya kinuha ko na at inabot ko sa kanya yung dalawang piso. Pero nagreklamo pa siya, "Isang piso lang yan. Sobra bayad mo."

Nang kinuha ko yung isang pisong sobra, nagtanong ako. "Ano'ng petsa ngayon?"

"Ngayon?" Saad nya. "Hindi mo ba alam?"

"Kaya nga nagtanong ako eh."

"Saang lupalop ka ng mundo nakatira at hindi mo alam kung anong petsa ngayon?" ang dami niya pang salita, hindi nalang sabihin nang diretso yung sagot eh. "Ika dalawang araw ngayon ng February, 1998."

1998? Hindi ako naniniwala.

"Hoy, pinagloloko mo ba ako, tindera!?" Napataas na naman ako ng boses dahil naiirita na ako sa mga nangyayari sa araw na 'to, na sinundan naman ng pag simangot niya nang lumingon siya sa'kin.

"Aba bastos ka ah! Ikaw na nga nagtanong, ikaw pa galit? Lumayas ka!" Sigaw nya, na parang may dinadampot at babatuhin ako ng kung ano kaya tumakbo na ako.

Malapit na mag gabi. Naglalakad nalang ako sa kung saan. Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko alam kung saan pupunta.

Problemado na ang isip ko, unti-unti nang nawawala ang katinuan ko na para bang matandang puno na mahuhulog na ang kahuli-hulihang dahon na naiwan sa sanga nito.

Nagda-dalawang isip ako kung paniniwalaan ko ba yung sinabi ng tindera at ng TV announcer.

Huminga ako nang malalim at patuloy na nag-aalinlangan.

February 2, 1998, kung saan napadpad ako sa panahong ito. Hindi ko alam kung bakit.

Napaupo nalang ako dito sa tapat ng apartment na lagi kong nadadaanan papunta sa'min, nagmukha akong pulubi na walang bahay, at ginawang unan itong bag ko. Naupo ako dito sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan.

Pero dilaw yung liwanag ng ilaw, kaya siguro yung ilaw yung dilaw, at hindi yung buwan.

Nagkaroon ako ng peace of mind nang sinandal ko ang ulo ko sa bag na nakapatong sa aking mga hita at pinikit ang aking mga mata, nang may napansin akong taong naglalakad sa dilim. Papunta sya dito sa may ilaw kung saan nasa ilalim ako ng streetlight, nakaupo. Hindi ko nalang sya pinansin at ninamnam nalang ang mapayapang sandaling ito.

Crush Kita Since 1998Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon