Chapter 18

32 9 2
                                    

"Good morning, Ereneo!" Masigla niyang bati nang magliwanag ang paligid. Pinaandar niya kasi ang ilaw dito sa sala kaya nagmukha akong bampirang naestorbo sa mapayapang pagtulog nang biglang may nagbukas ng kabaong ko at nasinagan ako ng nakamamatay na sikat ng araw.

Inaantok pa ako eh, nakakatamad bumangon.

"Gumising ka na.." utos niya, pero tinakpan ko ang sarili ko gamit ang kumot na nasa akin.

"Ay aba!" Aniya, na mukhang naiirita na. "Bumangon kana nga dyan!"

Diretso ko siyang sinagot ng, "ayoko."

Bigla niya nalang hinablot yung kumot ko, napikon ako kaya bumangon na ako nang sapilitan, pilit na dinidilat ang aking mga matang gusto pang pumikit.

"Babangon ka rin pala." Malabo pa ang paningin ko, pero malinaw ang pagkakadinig ko sa sinabi niya.

"Ginulo mo'ko eh," sabi ko pa, "hanep ka, perwisyo ka talaga sa buhay ko eh, ha..."

Unti-unti nang lumilinaw ang paningin ko at ang ngumingiti niyang mukha ang una kong natanaw.

"Nakangiti ka pa, kung maaga mo lang akong pinatulog kagabi, hindi sana ako mapupuyat."

Agad siyang nakasagot, "Eh sino bang may sabing lumabas ka at magpahangin?"

"Sinong may sabing sundan mo'ko at sumandal ka sa tabi ko?"

"Nag-walk out ka kasi kaya sinundan kita."

"Oh ngayon, kaninong kasalanan 'yan?"

Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko, bigla siyang sumimangot at naging pipi.

Napangiti ako sa reaksyon niya at nailabas ang mga maninipis kong tawa. Ang sarap pala ng buhay kapag may nagpapangiti sa'yo.

"Maghanda ka na nga, maliligo na ako." Tugon niya, at bahagyang naglakad pabalik sa kwarto niya. Sinusundan ko siya ng tingin at paglabas niya'y dala niya na ang kanyang tuwalya at dumiretso na sa bathroom.

Napangiti ako, ulit. Delikado na 'to, ngumingiti nalang ako bigla nang walang dahilan. Nasisiraan na ba ako ng bait?

5:45AM ng February 11, 1998. Araw ng Miyerkules. Yun ay pagkatapos kong kinuha ang phone ko na nakapatong sa lamesita upang tingnan ang petsa at oras.

Nilagay ko ito ulit sa lamesita at lumakad papunta sa labas ng bahay, bumaba papuntang first floor, at umupo ako kung saan kami umupo kagabi.

Tumutunog ng malumanay na huni ang mga ibon sa puno, nilalasap ko ang malamig na temperatura ng ganitong oras at ninanamnam ang nakaka-relax na moment kasabay ng pagbalot sa akin ng sariwang hangin na nakaka-refreshing.

Iniisip ko tuloy yung nangyari kagabi.

Nakatatak pa rin sa utak ko ang mabangong amoy ng babae, kaya sinubukan kong amuyin ang bahagi ng balikat kong sinandalan nya kagabi at nakakapit pa rin ang matamis na amoy nito.

Umayos ako ng pagkakaupo pagkatapos amuyin ang sarili kong balikat, at napangiti na naman ako.

Madalas na akong ngumingiti nang hindi nalalaman ang dahilan. Baliw na ba ako? Wag naman sana, ayo'kong mapunta sa mental hospital, at lalong lalo na ayokong maturukan ng injection.

February 11 na pala ngayon. Tatlong araw nalang at valentines day na. Hindi ako sigurado sa mga gagawin ko, kaya magdedepende nalang ako sa kaniya kung anong mangyayari sa araw na 'yon, tutal siya naman lagi ang nasusunod. Hinihila niya lang ako papunta sa mga bagay na gusto niyang mangyari, at maganda naman ang resulta, kahit nakakaperwisyo nang konti, kaya hahayaan ko siya sa mga desisyon at choices niya.

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now