Chapter 7

63 15 0
                                    

"Class dismissed. Yung mga cleaners, please lang, wag kayong tumakas at gawin niyo ang tungkulin niyo bilang cleaners." Tugon nung teacher nila.

"Opo, sir!" sabay-sabay nagsi-sagot yung mga estudyante dito sa loob, at lumakad na yung teacher papunta sa table niya dito sa likod.

Habang nag-uumpisa na silang maglinis, ina-arrange ko yung mga gamit ko sa bag, at bigla nalang akong tinapik sa balikat ng kung sino.

"Mister Ereneo!" Masayahing pagkatawag ni Kylah sa'kin pagkatapos kong lumingon sa kaniya. "Kumusta ang first day mo? Okay lang ba?"

Hindi ko siya sinagot, at pinatuloy ko ang pag-arrange ko.

"Mister Ereneo naman, kausapin mo naman ako. Galit ka ba kanina? Dahil ba kay Joshua? Pagpasensyahan mo na, ganun lang talaga siya, pero mabait naman yun pag naging magkaibigan kayo."

Dami niyang salita. Ayoko pa rin siya pakinggan.

"Sabay tayong umuwi ah? Tutal iisa lang naman tayo ng inuuwian ngayon," natatawa siya sa sinasabi niya, pero ako hindi. "Nga pala, mister Ereneo, anong gusto mong kainin ngayong hapon?"

"Pwede ba!?" Tinaasan ko siya ng boses. Sino ba namang hindi magtataas ng boses pag may ganitong klase ng tao ang umiirita sa'yo?

"Wag mo'ko tawaging mister Ereneo. Nakakailang ka na." Dagdag ko pa.

"Sorry, Mister Transferee."

"Oh ayan ka na naman!" Parang nananadya na 'to ah.

"Bakit ba? Ano bang gusto mong itawag ko sa'yo? Ayaw mo sa mister Ereneo, ayaw mo rin sa mister Transferee? Ano bang gusto mo?"

"Ikaw!" Naiinis na'ko talaga.

"A-Ako?" nautal siya saglit.

"Oo ikaw. Tantanan mo na ako, please lang ha? Parang awa mo na, ha?"

"Hindi kita tatantanan. And paano kita tatantanan eh magkasama lang tayo sa iisang bahay?"

Nananadya talaga oh, ipasok ko sa bag ko yung ulo niya eh.

"Wag mo na'ko guluhin." Tugon ko sa kanya.

"Nag c-cause ba ako ng gulo?"

"Magulo ka eh. Sa sobrang panggugulo mo, palagi na'kong nadidistract sa'yo, ha!"

"Nadi-distact ka ba sa ganda ko?"

"Gusto mo sampalin kita?"

Kinuha ng teacher nila ang atensyon naming dalawa. "Oh, nandito na pala kayong dalawa, Kylah at Ereneo."

"Good afternoon po sir." Pinapanatili ni Kylah ang pagiging magalang niya.

"Gusto ko sanang makausap kayong dalawa eh." Wika ng teacher.

"Tungkol saan po, sir?" Napatanong naman si Kylah.

"Tungkol dyan kay Ereneo."

Bakit? May nagawa ba akong mali? May kasalanan ba ako? Wala naman akong ginagawa ah?

Napatingin sa'kin si Kylah, at napatingin din ako sa kaniya na walang ideya kung bakit kami mag-uusap ng teacher nila.

"Kumuha kayo ng upuan at dito tayo mag-usap sa table ko." Ani sir, at umupo sya sa upuan niya kaya kumuha rin kami ng upuan naming dalawa at umupo sa harap ng teacher.

Nakikita ko yung naka-plakang pangalan ng adviser na nakatayo sa table.

Ronaldo T. Macapagal

Si sir Ronaldo pala 'to? Yung teacher sa section nina Tenonto? Wao, kala ko kahawig niya lang eh. Matagal na palang nagtuturo si sir Ronaldo dito?

Crush Kita Since 1998حيث تعيش القصص. اكتشف الآن