Chapter 2

117 16 0
                                    

Umuwi ako sa bahay galing sa eskwelahan. Nagse-sermon na naman si nanay habang yung dalawa kong kapatid—isang lalaki at isang babae, nagce-cellphone lang at relax na relax sa sofa.

Stress na nga dahil sa pag-alala ng mga masasakit na nakaraan, lalong nadagdagan yung stress dahil sa mga bulyaw ni nanay sa may kusina at eto ang mga kapatid ko sa sala, parang hindi pinapagalitan.

Napasabi ako sa kanila na mahina ang boses, "Hay nako, nagagalit na nga siya at nagse-sermon, nagawa niyo pang magselpon-selpon lang dyan?" sinadya kong hinaan ang boses ko para hindi nila marinig.

Pumikit ako, at ibinuka ang aking mga mata, nagbuntong-hininga ng isang beses, ipinikit ulit ang mga mata, bumukas ulit, at hindi nalang pinansin ang mga nangyayari sa pamamahay na 'to.

Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at sinara ang pinto. Hindi ko trip maghapunan ngayon kaya humiga na ako sa kama at natulog.

Kinabukasan, ganon pa rin. Gigising para magsipilyo, maliligo sa banyo, pagkatapos ay magsuot ng uniporme at papasok na ulit sa paaralan.

Nang tapos na ako sa pagbibihis, kinuha ko yung cellphone ko kasi tumunog kaya't binasa ko yung message.

Ryle: hoy Ernesto! LAC session mamaya! Half day lang yung pasok. Punta ka dito sa'min mamaya maglaro tayo ng left 4 dead.

Pagkatapos kong basahin ay lumabas ako papunta sa kusina para mag almusal.

"Oh, anak. Handa ka na pala. Kunin mo na yung baon mo dyan sa lamesa." Ani mama nang makita niya akong umiinom ng kape sa mesa.

Kinuha ko yung singkwenta.

"Punta na'ko sa eskwelahan." Saad ko habang naglalakad na'ko palabas ng bahay.

"Ingat ka." Sabi ni mama.

Pinindot ko ang power button ng phone ko at umandar ito para tingnan ang oras.

Tuesday, March 19, 2019. 6:45AM

Kaya naman lumakad na'ko papunta sa school. Medyo malayo yon kung lakarin pero maaga pa naman kaya hindi ako ma l-late dumating don.

Sa aking paglalakad, parang nararamdaman kong may kung anong lalabas sa akin, na hindi ko matuloy kung ano, at ngayon ay buo ko nang naunawaan—maiihi ako. Kaya napadaan ako sa public toilet dito sa likod ng merkado para umihi.

Pumasok ako sa loob at isinara ang pinto ng cr. Madami kasing mga bobo dito sa lugar namin na walang pinag-aralan na mahilig mantrip at puhunan ang vandalism para sa kanilang katarantaduham, pati pader ng public toilet pinagti-tripan.

Ginuguhitan ng titi at kung anu-anong kabastusan ang palibot ng cr. Napaka-walang hiya talaga.

Pinigilan ko ang paghinga ko dahil ang baho dito sa loob.

Binubuksan ko na ang zipper ng pantalon ko para makapag-ihi na. Habang binubuksan ko ito, bigla nalang nagliwanag ang paligid!

Napakaliwanag nito! Kahit saang sulok ako tumingin ay maliwanag talaga! At sa sobrang liwanag ay wala na akong ibang makita kundi puti.

Pinilit kong takpan ang aking mga mata ngunit napakaliwanag talaga! Ano na naman kaya ang nangyayari sa mundong ito!?

Ano ba 'to? Hiwaga ba 'to oh kawalang hiyaan lang!? Jusko naman palagi nalang akong biktima ng mga katarantaduhang nangyayari dito sa mundo!

"Tulong! Nakakabulag ang liwanag! Sino bang siraulong naglagay ng ilaw ng eroplano dito sa cr na 'to!" Nagsisisigaw na'ko at patuloy na nahihirapang hanapin ang pinto palabas ng cr dahil sa sobrang liwanag.

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now