Chapter 38

34 10 8
                                    

Suot ko na ang aking bag, at habang naglalakad ako, naalala ko yung nangyari nung February 14th, 2019.

Napaisip ako. At may na-realize akong iilang mga bagay.

Mula nung araw na 'yon, ayaw ko na sa pag-ibig dahil binigyan ako non ng napakalaki at matinding kahihiyan sa buhay ko. Kaya wala na akong rason para magkagusto ulit.

Naging bitter na raw ako, at ginusto ko naman. Ginusto kong maging bitter at choice ko 'yon.

Ayaw ko nang umibig ulit, ayaw ko nang magmahal ulit.

Pero ngayon may rason na ako, at ikaw 'yon, Kylah.

Grateful ako na dumating ka sa buhay ko, kasi pinaramdam mo sa akin na tanggap mo ako, na espesyal akong tao, na marunong pa pala akong magmahal. Salamat, dahil pina-realize mo sa akin na mas mahalagang sulitin ang bawat pangyayari na kasama natin ang isa't isa, kesa isipin ang kalungkutan na baka hindi na tayo magkita ulit.

Para mo akong hinila mula sa kaban ng kadiliman patungo sa altar ng liwanag.

Dadating naman talaga ang panahon na hindi na tayo magkikita ulit, na iiwan na natin ang isa't isa, at syempre malulungkot ako non. Malulungkot tayo no'n.

Hindi mawawala ang lungkot, pero habang magkasama pa tayo ngayon, i-enjoy natin ang moment, wag nating hayaang may isang sandali sa buhay natin na malungkot habang magkasama pa tayo.

Kasi sa pag-alis mo, siguradong malungkot na 'yon. Saka na 'yang lungkot pag aalis ka na talaga. Magsaya na muna tayo sa ngayon, Kylah.

Pinaramdam mo sa akin na may posporo pang natitira sa puso ko para uminit ulit ito, na para hindi na mababalot sa ginaw ng kalungkutan at pagiging bitter ang damdamin ko, na kaya ko pa palang matutong magmahal ulit.

Pinaramdam mo sa akin ang yakap mo, na hinding-hindi ko makakalimutan.

Pinaramdam mo sa akin ang kabaitan mo, kung saan mas nahulog pa ang loob ko sa'yo at napamahal na.

Pinaramdam mo sa akin na nagseselos ka, kahit nagbibiro ka lang naman. Pinaramdam mong ayaw mo akong mapunta sa iba, kahit hindi naman talaga ako mapupunta sa iba.

Pinili mong manatili ako sa bahay mo. Pinili mong pagaanin ang loob ko sa tuwing nabibigatan akong lubha.

Pinili mong iparamdam sa akin ang pag-aalaga mo sa panahong wala akong mapupuntahan, kahit hindi pa naman natin masyadong kilala ang isa't isa. Salamat, dahil pinili mong makinig sa mga sinasabi ko, salamat dahil pinagkatiwalaan kita sa mga sekreto ko.

At nag-umpisa ang lahat nang 'yan nang pinili kong manatili sa bahay mo.

At ngayon, pinili mo'ko.

Hindi ko na namamalayan ang mga oras na lumilipas kapag kausap na kita.

Pakiramdam ko, ang saya kong tao sa tuwing kaharap kita, habang kumakain, o kahit nag-uusap lang tayo. Minsan ko lang napapansin at nahahalata, na ang saya saya ko na pala kapag kausap kita, kapag nagbibiruan tayo at nag-aasaran.

Parang hindi ko na matiis na hindi ka makausap palagi.

Kahit isang oras lang kitang hindi makita o makausap, miss na kita.

Ganon ka rin naman sa'kin, pero dini-deny ko lang.

Nakakalimutan ko na ang mga problema ko kapag ikaw na ang kaharap ko, hahit minsan, isa ka sa mga nagbibigay sa akin ng problema at perwisyo sa buhay.

Ikaw ang pinakamagandang perwisyo na dumating sa buhay ko.

Wala kang katulad.

Nakakalimutan ko nang kailangan ko pa palang makabalik sa amin.

Crush Kita Since 1998Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon