Nakakalimutan kong may mga bagay pa akong aasikasuhin.

Nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na kita.

Pinaramdam mo sa'kin na mahal mo ko.

At ngayon, nakapag-decide na ako.

Handa na akong umamin sa'yo na mahal kita. Hindi na ako natatakot, at hindi na ako mahihiya. Aamin na ako sa'yo, Kylah. Sasabihin ko na ang nararamdaman ko sa'yo, na palagi mo lang inaasar sa akin, pero ngayon, totoo na.

Aamin na ako sa'yo, na gusto kita.

Aamin na ako sa'yo na mahal na kita, Kylah.

Aamin na ako sa'yo, na gusto na kitang maging girlfriend ko.

Sinabi mo sa akin na hihintayin mo ako kahit ilang dekada pa, kaya hindi ko na pahihintayin.

Aamin na ako sa'yo, at ngayon ang araw na 'yan.

Habang naglalakad ako, hindi man lang maalis ang ngiti sa aking labi, nang nakaramdam ako ng kung ano. Parang may gustong lumabas mula sa akin.

Napadaan ako sa public toliet, at naintindihan ko na kung ano ang aking nararamdaman.

Kaya pumasok ako sa loob.

Mabango yung public toliet at ang linis linis. Pumasok ako sa isang cubicle para ilabas ang pangingilong nararamdaman ng aking pantog.

Tinanggal ko muna ang sinturon sa pagkakakabit nito. Tinanggal ko yung butones ng aking slacks mula sa pagkakakabit.

Hinawakan ko na ang zipper ng aking pantalon at binuksan ko na ito pababa.

Nang biglang nagliwanag ang paligid.

Nagliwanag ang buong cublicle at wala akong makita kundi napakaliwanag na puti.

Napapikit nalang ako at napasara sa aking pantalon nang umiilaw ang nakakabulag na liwanag.

Patuloy lang ako sa pagpikit, hanggang sa unti-unti itong humuhupa. At nang naramdaman ko nang wala nang liwanag sa paligid, ay binuksan ko na ang mga mata ko.

Biglang naging mapanghi ang buong paligid ng public toilet.

Agad akong lumabas sa cubicle at hindi na naman natuloy ang pag-ihi ko.

Napatakip agad ako sa aking ilong, at napansin ko yung dating mga nakaukit na mga drawing sa paligid ng cr, lumitaw ulit.

Nakaramdam agad ako ng kaba.

Gusto kong mataranta, pero sinusubukan kong manatiling balanse sa katinuan.

Lumabas na ako sa public toilet at dali-daling lumakad.

Bumalik ulit sa dati ang paligid.

Naguguluhan na ako, bumalik ulit sa dati ang lahat!

Suot ang aking uniporme at bag kung papaanong sinuot ko ito nung March 19, 2019, kinapkapan ko ang aking bulsa at naramdaman ko ang cellphone kong narito.

Dinukot ko ito at tiningnan kung ilang percent yung battery.

Tuesday, March 19, 2019. 7:04AM

Nanginig bigla ang kamay ko nang hinawakan ko ang cellphone ko para tignan ito. Napansin ko yung percentage ng battery, 89 percent.

Bigla akong kinabahan.

Hindi ako naniniwala, baka malfunction lang 'to ng phone ko.

Napabilis ang paghinga ko at nag-uumpisa na akong mataranta. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili, nawawala na ang kalma ko.

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now