Nang narinig ko ang mga sinabi niya, hindi ko maintindihan kung ano ang mararamdaman ko. Parang gusto kong magwala, na gusto kong umiyak, na gusto kong suntukin ang sarili ko.

Parang lalong sumikip ang dibdib ko, at hindi ako makahinga, pero sinusubukan kong kalmahin ang aking sarili matapos marinig ang kaniyang ulat.

Hindi ako makagalaw habang tinititigan ko ang mga mata niya. Parang may namumuong tubig sa kaniyang mga mata na hindi ko alam. Hindi naman yata siya iiyak.

"S-Sorry..." mahina niyang sinabi.

Napilitan akong tumugon, "Nasan yung charger?"

Marahan naman siyang sumagot, "nasa kama ko."

Unti-unti na akong nawawala sa sarili.

Parang mahihilo ako, kaya inilakad ko na ang aking mga paa papunta sa kwarto niya at agad na nahagip ng aking paningin ang sira kong charger sa kaniyang kama.

Nanlamig ang mga kamay ko. Kinuha ko yung cellphone ko sa aking bulsa at tiningnan kung ilang percent nalang ang natitira sa battery.

19 percent remaining, charge your phone.

Lowbat na pala ang cellphone ko, at bumungad nalang ang masamang balita na sira na yung charger. Paano ako makakapag-charge nito ngayon?

Wala pang binibentang Micro USB charger sa mga phone shop sa panahong ito. May nabuong pagsabog sa loob ng aking damdamin, hindi ko mapigilan ang pagsabog.

Narinig ko ang pagpasok ni Kylah sa kwarto niya at agad ko siyang hinarap, at hindi ko namamalayan, na napasigaw na pala ako dahil sa sobra kong galit.

"Bakit mo sinira ang charger ko!!"

Bumibilis ang tibok ng damdamin ko, at wala akong ibang marinig kundi ang malalakas na pagpatak ng ulan sa bubong.

"Sorry, Ereneo. H-Hindi ko naman sinasadya, may paraan pa naman para maayos 'yang charger mo, diba?" Malungkot ang tono niya.

Ngunit hindi ko narinig ang tono nang binalot ng galit ang aking puso dahil sa kaniyang ginawa.

Hindi ko namamalayan, pero napasigaw na naman ulit ako.

"Anong hindi sinasadya!? Kita mo naman na nakaipit sa sahig yung charger! Ba't hindi mo nalang kinuha? Bakit pinutol mo pa yung wire, ha!!?"

Mangiyak-ngiyak na siyang nagpaliwanag, na tumataas din ang tono. "Hindi ko kasi alam na naipit yung wire sa paa ng kama ko! At nahilo ako kaya hindi ko na napansin!"

Umiiyak na si Kylah sa harap ko, at kasabay ng pag-iyak niya ang maingay na pagbuhos ng ulan sa labas.

"S-Sorry, Ereneo! Wag mo'kong sigawan please! Hindi ko talaga sinasadya, sana mapatawad mo'ko!"

Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Kitang kita ang mga luha na pumupuno sa mukha niya.

Umiiyak siya.

Ngunit sa kabila ng nakita ko, pinatigas ng galit ang aking damdamin sa mga oras na ito. Wala akong naramdamang simpatiya o awa, kundi puro galit.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Bigla ko nalang nasabi ang bagay na saka ko pa sana sasabihin.

Nasabi ko ito sa kaniya.

"Wag kang mag-alala. Nag-drop out na ako sa school. Kinausap ko na si Sir kanina na aalis na ako at hindi ko na itutuloy ang pag-aaral. Kaya, wala nang sisigaw sa'yo."

Natahimik siya sa kaniyang pag-iyak.

Lumakad ako palabas ng kwarto tangay ang sira kong charger. Dumiretso ako sa sala sa may kahoy na sofa kung saan nandoon ang aking bag at nilagay ko rito yung charger.

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now