"I already knew her the first time I saw her. At sa mga narinig ko ngayon kay Hope."
"You don't know her dad." Naglakad siya palayo mula rito. Mabuti na iyon kesa kung ano pa ang masabi niya dahil sa sakit ng loob sa daddy niya. His dad was like that ever since. Hindi basta-basta makukuha ang tiwala nito. At swerte si Hope dahil buong-buo ang tiwala nito dito kaya't ayaw niyang mabago iyon bagama't wala na siyang nararamdaman para rito.
Matagal na niyang alam na si Sophie na ang mahal niya. Na-in love siya rito dahil na rin sa kakulitan nito. At sa mga katangian nitong hindi niya nakita kay Hope. Alam niyang naipaparamdaman niya rito ang pagmamahal niya ngunit hindi niya masabi-sabi iyon dito dahil alam niyang may mahal itong iba, na may iba itong hinahanap at hindi siya iyon.
Matagal na niyang gustong sabihin dito na ito na ang mahal niya. Ngunit sa tuwing magkakaroon siya ng pagkakataon na sabihin iyon dito ay lagi nitong isinisingit si Hope. The end, he will tell her that he was happy with Hope. Kung sasabihin kasi niya rito na hindi na niya mahal si Hope at hindi na siya masaya rito ay siguradong sisisihin nito ang sarili nito. Makokonsensya na naman ito dahil mayroon itong nasirang relasyon. At hindi niya kakayanin na makitang namomroblema na naman ito.
Hindi rin kasi siya sigurado kung dapat na rin ba siyang magtapat dito na mahal niya ito dahil alam niya na sariwa pa ang iniwang sugat ni Owen dito. He doesn't want to express his feeling because he feels like it's not yet the right time.
Kaya naman ngayong alam na niya na mahal siya nito ay hindi niya hahayaang masayang lang ang pagmamahal nilang iyon para sa isa't-isa. Kailangan niyang ipaglaban ang nararamdaman niya para rito at mahingi ang kapatawaran nito dahil nagkamali siya.
"Ethan, anak. Saan ka pupunta?" awat naman ng ina niya.
"Huwag mo akong talikuran, Ethan." galit na sambit ni Mr. Divero. "Ako ang nag-ampon sa iyo at nagpalaki kaya hindi mo ako pwedeng pagmalakihan ng ganyan. Alam ko kung ano at sino ang makakabuti para sa iyo at alam kong hindi ang babaeng iyon. Si Hope ang nararapat sa iyo—"
He stopped and faced him. "Stop it, Dad."
"What?" nagulat ito sa naging reaksyon niya dahil hindi pa niya kailanman pinagtaasan ito ng boses.
Nagulat din siya sa naging reaksyon niya kaya naman uminahon siya. It's time to speak his mind out. "Hope cheated on me, dad." Matagal na niyang alam na nagkaroon ito ng relasyon sa pinsan niyang si Owen. Madalas niyang nahuhuli ang mga ito ilang buwan bago ang kasal nila noon. Nang tanungin niya si Hope patungkol sa mga nakikita niya ay sinabi nitong huwag niyang intindihin iyon dahil wala lang daw iyon. Na matalik lang na magkaibigan lang ang mga ito. Hindi siya tanga para maniwala rito. Simula noon ay nawalang parang bula ang pagmamahal niya para rito. Pero nagbulag-bulagan siya dahil ayaw niyang suwayin ang amang nag-ampon at nagpalaki sa kanya dahil iniisip nito na si Hope ang babaeng para sa kanya. Pakiramdam ng kanyang ama ay utang nito ang lahat kay Hope dahil si Hope ang nagligtas rito sa tiyak nitong kamatayan. Inatake ito ng sakit nito sa puso at ang sabi ng doctor ay kung hindi ito agad na naidala sa ospital ay siguradong patay na ito. Nagkataon naman na si Hope ang kasama nito ng mga oras na iyon at naging napakalerto nito na siyang nagligtas sa buhay ni Mr. Divero.
Magkasintahan na sila noon ni Hope. Kaya naman kumbinsidong-kumbinsido ang ama niya na si Hope ang nararapat na babae para sa kanya.
"What?" Hindi makapaniwalang sambit ni Mr. Divero.
Biglang nanginig si Hope sa sinabi niya. "E-Ethan, what a-are you talking about? I t-told you that O-Owen and I were just r-really friends."
He faced Hope. "Hope, I'm not stupid. Alam ko na matagal ninyo na akong niloloko. Pero nagbulag-bulagan ako dahil ayokong madisappoint si dad. But I've had enough. I don't love you anymore." nagulantang si Hope sa mga sinabi niya. Gusto pa nitong magsalita ngunit hindi na nito itinuloy iyon dahil alam nito na wala ng makakapagpabago sa isip niya. He faced his dad. "I'm sorry, dad. I have to fight for Sophie because I love her." Pinagdiinan pa niya ang salitang love. Tatalikod siya ng pigilan siya nito.
"Si Hope ang babaeng para sa iyo. I'm your dad that's why I know the best for you and I can see how much she loves you." Huminto ito sa pagsasalita. "And I didn't know she cheated on you. Gusto ko siya sa iyo dahil ang alam ko ay sa kanya ka magiging masaya. Pero hindi ko naisip na hindi ka pala masaya sa mga nagiging desisyon ko." He can see the guilt in his father's eyes. "If you think I'm just reprimanding you, you're wrong." Mainahon na sambit nito. "I only wanted the best for you, Ethan. I may not be your biological father but you're still my son."
"Dad .." He now realized how much his father loves him. Akala kasi niya ay gusto nitong mahalin niya si Hope dahil malaki ang utang na loob nito dito. Pero mali siya dahil ang akala ng ama niya ay si Hope ang babaeng totoong nagmamahal sa kanya.
"I'm sorry, son. I didn't know I am hurting you all these years. Go and fight for her." Sa wakas ay nagising ang kanyang ama sa katotohanang hindi si Hope ang babaeng para sa kanya.
Yumakap siya sa kanyang ama. "I will, dad." Hinawakan naman niya ang kamay ng kanyang ina.
"I like her." Anang ina niya.
He smiled at them and he walked away. He has to win Sophie's heart right now. If not, it will be his loss forever.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
Part 27
Start from the beginning
