"Can you please stop what you're doing?"
"I won't stop." Nang-uuyam na sambit nito. Nang hindi pa rin siya gumalaw upang labanan ito ay nagulat siya ng hablutin nito ang buhok niya. "Hindi ka pa rin lalaban?" anito habang hawak-hawak ang buhok niya.
"Sumosobra ka na." aniya sabay tulak rito. Alam niyang hindi siya ganoon kalakas pero tumilapon ito patungo sa fountain na nandoon.
"Hope—" si Ethan ang tumawag dito at nilampasan lang siya nito dahil dinaluhan nito si Hope na nabasa sa fountain. "What are you doing, Sophie?"
Hindi niya napansin na marami na ang tao sa kanilang paligid na nakikiusyoso. "We were just—"
Pinutol ni Hope ang pagsasalita niya. "I don't know w-why she's ruining our relationship." Anito habang nagsusunuran ang mga luha sa mga mata nito.
Nagulat siya sa inasal nito. Ni konting sakit nga ay wala siyang naaninag sa mga mata nito kanina samantalang ngayon ay tila isa itong bida na api-apihan sa pelikula at siya ang kontrabida. "Hindi totoo iyan."
"Of course it is." anito sa malamyos na boses. "You love Ethan that's why."
Hindi siya nakahuma sa sinabi ni Hope. Hindi pwedeng malaman ni Ethan na mahal na niya ito dahil hindi ito natuwa dahil na rin sa reaksyon ng mukha nito. At nasa kanila na ang atensyon ng mga bisitang naroon.
"You love him that's why you ruined our wedding. Kung magkakaroon nga naman ng asawa si Ethan ay hinding-hindi na siya mapapasayo, hindi ba?"
"No. I've never met Ethan until then." Depensa niya sa kanyang sarili. Narinig niya ang pagbubulungan ng mga bisita at na kay Hope ang usisa ng mga ito. Sino nga naman ang mag-iisip na nagkataon lang ang lahat?
"And no one believes that." She said with sarcasm. "You even embarrassed me in that damn restaurant when you knew I'm Hope, Ethan's fiancée again."
"No, that's not true because you were the one—"
"You even hurt me now and said a lot of stupid things. Sino ba naman ang hindi masasaktan doon?" anito habang nagkunwaring nasaktan ito sa nangyari. Yumakap pa ito kay Ethan para magpaawa.
"I didn't do that." Pagmamatigas niya.
"Are you sure, you didn't do anything? Pero kitang-kita namin ng saktan mo si Hope." si Mr. Andrino Divero iyon at mukhang na kay Hope ang simpatya nito. Sinong maniniwala sa kanya na wala siyang ginagawang masama rito samantalang kitang-kita ng mga ito ng itulak niya ito.
She has nothing to say. Pakiramdam kasi niya ay walang maniniwala sa kung anuman ang gusto niyang sabihin. She stared into Ethan's eyes and she saw the anxiety there. Naaawa ba ito sa kanya dahil sa nangyayari sa kanya? O nasasaktan ito dahil nasasaktan siya?
Tumingin siya kay Hope at kitang-kita niya sa mga mata nito ang ligaya dahil sa nangyayari sa kanya. Mukhang panalong-panalo na ito dahil pahiyang-pahiya siya at maging si Ethan ay hindi siya magawang maipagtanggol. Pero hindi niya basta tatanggapin ang nangyaring ito sa kanya. May mga dahilan kung bakit nagawa niya ang mga bagay na iyon at hindi iyon dahil mahal niya si Ethan. Mahal man niya si Ethan ay hindi siya gagawa ng mga bagay na ikasasakit nito lalo na at alam niya kung ano ang magpapaligaya rito.
"I didn't do anything wrong. Wala akong pakialam kung anuman ang isipin ninyo sa akin. Kung meron mang manloloko at manggagamit dito hindi ako iyon kundi ang babaeng iyan." si Hope ang tinutukoy niya.
"Sophie.." tawag ni Ethan sa kanya at pakiwari niya sa tono ng boses nito ay tumigil na siya at huwag ng magsalita.
"She was cheating on you, Ethan." Aniya dahil gusto niyang ipamulat rito na walang sinuman ang pwedeng manloko rito. "Nakita ko sila ni Owen sa restaurant at siya iyong babae ni Owen na sinasabi ko sa iyo. At sigurado ako na hindi pa kayo kinakasal ay may relasyon na sila."
Nagsimula ng humagulgol si Hope. "That's not true. Sinasabi mo lang iyan kasi mahal mo si Ethan at ayaw mo siyang mapunta sa iba. How could you do this, Sophie? Hindi niya kasalanan na minahal mo siya kahit na alam mong may mahal siyang iba."
Nakita niya ang pagtalim ng tingin ni Ethan sa kanya. "How selfish can you get?" galit na tanong ni Ethan sa kanya.
"Ethan?" Hindi siya makapaniwala na sinabi nito iyon. Napansin niyang pailing-iling ang ama nito.
"I didn't know you were like this, Sophie. Bakit mo ginagawa ito? I thought you want me to be happy." Mayroon siyang nababanaag na sakit sa mga mata nito. "I know you love Owen so much but he broke your heart but it doesn't mean we shouldn't be happy, too. Hindi pwedeng pati ang mga tao sa paligid mo ay hindi na rin pwedeng maging masaya."
Hindi siya nakaramdam ng sakit sa mga sinabi ni Hope o maging sa ama nito dahil alam niyang hindi totoo ang mga iyon. Pero bakit nasasaktan siya sa mga sinasabi ni Ethan samantalang hindi naman totoo iyon. "Ganyan lang ba kababaw ang tingin mo sa akin, Ethan?" tanong niya habang pigil-pigil ang mga luha na gustong magpatakan mula sa kanyang mga mata. She can't be a loser. She will always be a strong woman no matter what. "Iniisip mo talaga na totoo ang mga sinasabi nila at sinungaling ako? Iniisip mo na ginagawa ko ito dahil ayaw kitang maging masaya dahil hindi ako masaya? Iniisip mo na makasarili ako dahil lang sa mahal kita? You really don't trust me, do you?" Matigas na tanong niya rito. Reverse psychology lang niya iyon dahil sa totoo lang ay durog-durog na ang kanyang puso dahil nasasaktan siya sa ginagawang ito ni Ethan.
"Sophie—" she suddenly saw the guilt in his eyes.
Tumawa siya para pigilan ang pagsasalita nito dahil sigurado siya na hindi rin niya magugustuhan ang isasagot nito. Ano pa nga bang pwedeng isagot nito dahil kung mayroon mang paniniwalaan ito ay si Hope iyon at wala ng iba. "Bakit pa nga kaya kita tinatanong samantalang alam ko naman ang isasagot mo? Kung pinagkakatiwalaan mo nga naman ako. Bakit mo sila paniniwalaan? But you don't trust me. Akala ko okey na tayo pero hindi pa rin pala." gumagaralgal na ang kanyang boses pero hindi pa rin niya ipapakita na talunan siya.
"Sophie—"
She raised her right hand to stop him from talking. Naalala niya ang huling sinabi nito. I hope you won't regret this. "I'm happy for you because your wish is granted. I did regret your wedding day." A shed of tears fell down from her eyes. Iyon ang simula ng lahat. Dahil sa pangyayaring iyon ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ang lalaki na siyang nagturo sa kanya kung paano ang magmahal. Huli na nga lang ng marealized niya iyon dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang isipin kung paano ito magiging masayang muli. Kaya't masakit sa kanya na para rito ay makasarili siya dahil lang sa hindi siya masaya. Ayaw lang niyang saktan na naman itong muli ng taong akala nito ay mahal ito. "Pinagsisisihan ko na nakialam pa ako sa relasyon ng bestfriend ko at ng ex niya. I regretted barging in your wedding because I've met you." Aniya at sabay talikod sa mga ito para lumayo kay Ethan.
"Sophie, I'm—"
"Ethan, let her. She deserved this." Galit na sambit ni Hope kay Ethan.
Tila nanlambot ang mga tuhod niya dahil hindi man lang nagsalita si Ethan upang bawiin ang mga sinabi nito. Wala lang ba talaga para rito ang pinagsamahan nila? Hindi man lang ba nito pinahalagahan ang mga iyon?
Sa sobrang panlalambot ng kanyang mga tuhod ay hindi niya napansin ang pool na dadaanan niya kaya naman tuloy-tuloy siya roon. Her tears fell from her eyes without noticing it because of so much frustration. Hindi niya napansin na nadaluhan na siya agad ni Owen. "Bitiwan mo ako. I know how to get out of here." Matigas na sambit niya rito bagaman pansin na pansin na ang pagluha niya. She was trying all her best to stay strong but it's just so hard because the truth is she's weak, very weak. Nakaahon siya at patakbo siyang umalis sa lugar na iyon. Sumunod naman agad sa kanya si Tyra. She knows that she won't forget this day.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
Part 26
Start from the beginning
