"How could you do that? Malinaw na pinaglalaruan nyo si Ethan. Bakit ninyo ginagawa sa kanya ito? Mahal ka niya pero nagagawa mo pa ring gawin sa kanya ito? What kind of a person are you?"
Ngisi lang ang isinagot nito. "You don't have the right to tell me that. Wala kang pakialam kung anuman ang gawin ko at kung sino man ang gusto kong mahalin."
"Are you sure, you both love them? What if I tell Ethan about you and Owen? Ano kayang mangyayari sa iyo? Tatanggapin kaya iyon ni Ethan?"
May naaninag siyang takot sa mga mata nito. Kahit papaano naman pala ay may kinatatakutan din ito. "Naiinggit ka lang dahil alam kong mahal mo si Ethan at gusto mo lang kaming paghiwalayin. Kunsabagay ay magiging mas madali sa iyo na makuha siya kung wala na siyang kasintahan, di ba? How poor woman you are? I know how eager you are to have a boyfriend like Ethan or even like Owen to make that stupid checklist of yours." Anito na tila isang kasalanan ang magkaroon ng checklist sa mundo.
She was speechless. Siya? Mahal niya si Ethan? No, I don't love—. Ethan's face popped into her head. She suddenly felt the weirdest feeling ever. She remembered how she felt every time Ethan was around. She felt the most unusual feeling for the first time and never thought it to Owen even if she believed that he was the man of her dreams. She always sees how different Ethan is from the other guy because of his extra quality that only she can see. She felt so special every time Ethan praised her. She was in love with Ethan without her knowing it. In love nga ba talaga siya kay Ethan? Si Hope pa talaga ang nakapansin niyon. But—H-how it happened?
"I'm right." there's bitterness in her voice. "If I were you, I will stop it. Hindi ka niya mamahalin."
Pero espesyal siya kay Ethan. At ramdam niya iyon dahil sa mga kakaibang halik nito na nagdudulot sa kanya ng ibang kasiyahan. She can't absorb what she said but she was right. Paano nga ba siya mamahalin ni Ethan kung may nagmamay-ari na ng puso nito at si Hope iyon. Masakit lang sa pakiramdam na bagaman hindi niya alam na mahal na niya ito ay naramdaman pa rin niya kung gaano siya kaespesyal dito. Nasaktan ang pride niya noong malaman niya na hindi naman siya totoong mahal ni Owen ngunit hindi lang ang pride niya ang nasasaktan ngayon kundi pati na ang puso niya at dahil iyon kay Ethan.
"You know why I'm here? I need revenge for embarrassing me not once but twice."
"Revenge?" natakot siya sa sinabi nito dahil siguradong tototohanin nito iyon.
"First, my supposed to be an unforgettable wedding day became an embarrassing moment. Alam mo ba na nagmukha akong tanga ng dahil sa iyo at diyan sa walang kwenta mong dahilan." Anito habang dahan-dahan na lumalapit sa kanya. Siya naman ay napapaatras dahil nakaramdam siya ng takot dito. "The second is for making me like a fool in front of everyone in my favorite restaurant. Salamat din sa pagsaboy sa akin ng cake na dala mo para kay Owen. You made my day by then. Thanks to you." sabay tulak sa kanya ng malakas kaya naman napaatras siya ng bahagya.
Hindi siya makalaban dito dahil alam niyang mali ang lahat ng nagawa niya. Kahit sino naman ay mapapahiya kung bigla na lang may manggulo sa kasal mo tapos ay wala namang kwenta ang dahilan niyon. At ang pagkapahiya nito sa restaurant ay hindi nga naman makatarungan. Si Owen ang may kasalanan ng lahat pero dinamay rin niya ito. Nasaktan siya sa ginawa ng mga ito sa kanya kaya lang naman niya nagawa iyon.
"Sige, saktan mo din ako. Gumanti ka. Go."
Hindi siya gumagalaw dahil ayaw niyang magkakagulo sila doon. This is Ethan's special day and she won't ruin it. "No, I won't."
"You won't? What if I force you to?" Bago pa siya makahuma ay nahawakan na nito ang kamay niya at isinampal nito iyon sa sarili nito. "Hurt me. Push me." Sigaw nito at itinulak nito ang sarili nito gamit ang mga kamay niya. Nahihirapan siyang pigilan ito dahil masyado itong agresibo.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
Part 26
Start from the beginning
