"Paano natin haharapin si Joshua?" napatanong siya.

"Gawin mo nga kasi yung sinabi ko."

"H-Ha?"

"Mag-usap kayo. Magkasundo kayo. Magkaroon kayo ng agreement. Tapos ang usapan."

"Pero hindi ko kaya!" nagre-reklamo na naman siya.

"Patuloy tayong guguluhin ng Joshua na 'yon kapag hindi mo gagawin ang sinabi ko."

"Paano kung hindi ko kaya?"

Wala akong sinabi pagkatapos ng salita niya, at halata sa reaksyon ng mukha ko—sinadya kong gawin ang face reaction, na kailangan niyang gawin ang matalino at pang-matured na payo ko.

Kaya wala siyang magawa. Dahil sa kagustuhan niyang maging mapayapa na kami sa pangungulit at pangha-harass ni Joshua sa amin, pumayag siya.

"Bukas," aniya, "kakausapin ko siya. Samahan mo ako ha?"

"Oo." Pagsang-ayon ko naman.

Dahil sa mabilisan naming pagtakbo kanina, nauhaw ako. Ewan ko sa kaniya kung nauuhaw siya, basta ako, oo.

Lumapit ako sa isang sidewalk vendor na nagtitinda ng buko juice. Natatakam ako sa inumin, lalo na't nakikita ko ang kulay puting juice na may yelo sa loob, na lumalabas ang pawis ng lamig na dumadaloy pababa ng malaking lalagyan nito.

"Pabili po." Sabi ko sa tindero na agad akong sinagot ng patanong na sagot, "Magkano sa'yo?"

Sumagot din naman ako, "Magkano po ba 'yan?"

"Limang piso. Kung gusto mo ng mas malaki, may tigsa-sampung piso akong baso rito." Pinapili niya ako kung tigli-limang piso ba o tigsa-sampung piso ang bibilhin ko. Pero dahil naniniwala ako sa kasabihang the bigger, the better, ay pinili ko na yung tigsa-sampung piso.

"Yung sampung piso po."

Nag-umpisa na siyang kumuha ng plastic na baso, at nagsandok ng juice galing sa lalagyan at inilagay ito sa baso. Inabot niya sa'kin ang inumin, at inabot ko sa kaniya yung bayad.

Uminom na ako at bumuhos sa natutuyo kong lalamunan ang katas ng masarap na buko juice na malamig at nagkaroon ulit ako ng sigla.

"Ay, wow. Nagagawa mong uminom nang hindi mo ako niyayaya?" Sabi ng babae sa tabi ko.

Masarap na sana ang pag-inom ko, pero napahinto ako sa pagbubuhos sa lalamunan at kumuha ng barya sa bulsa.

Saktong limang piso nalang ang natirang barya sa bulsa ko kaya binigay ko na ito sa kaniya. "Yan nalang ang pera ko, bumili ka ng iyo."

Mataray niyang tinanggap ang pera at kumuha siya ng barya sa bulsa niya at magalang na sinabi sa vendor, "Isang tig-sampung piso po."

Dinagdagan niya pala ng limang piso yung limang pisong binigay ko sa kaniya. Madaya rin 'to ah.

Inabot ng tindero yung juice at nagbayad siya.

Nilagay namin sa basurahan sa tabi ng juice stand ang mga walang laman na plastic cups nang maubos na naming inumin yung malamig na inumin at lumakad na pauwi sa amin.

Buti nalang at hindi naisip ni Kylah ngayon na mamerwisyo sa buhay ko nang hindi niya binalak na mag-holding hands kami habang naglalakad.

Dumaan kami sa plaza sa madadaanan namin kapag umuuwi na kami sa apartment niya.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon na talagang gumulat at nagpakaba sa akin na nagpanginig sa mga tuhod at buto ko, nakita namin si Joshua, nakaupo sa isang bench na tila isang halimaw na naghihintay ng makakatay niya para gawing hapunan.

Napatigil kaming dalawa sa paglalakad nang mahagip kami ng pansin ng halimaw. Nakakatakot siya, isa siyang banta sa buhay ko at sa buhay ng kasama ko.

"J-Joshua!" napaboses nalang si Kylah sa nakita ng mga mata niya.

"Ayan na pala si Joshua eh." Sabi ko, na pinapanatiling kalmado ang boses kahit kinakabahan na. Magaling ako magtago ng nararamdaman, 'yan ang talent ko na matagal ko nang taglay na hanggang ngayon ay pinagsisikapan kong ma-perfect, kumbaga yung wala nang palyang mangyayari sa hinaharap.

"Yung pinag-usapan natin Kylah ah..." Bulong ko sa kaniya.

Tumayo si Joshua sa kinauupuan at lumapit sa kasama ko. Napaatras naman ako. Para bang oso sa gubat na sabik na sabik nang kainin ang nahuling usa kahit nasa tabi lang naman ang may-ari nito na nakatutok na ng shotgun sa kaniya ngunit natatakot lang iputok.

At dun na nga umungol ang oso. "Kylah, bakit siya pa? Pwede namang ako nalang!"

"Joshua, let me talk first." Sabi niya.

Kung nasa kasalukuyang panahon lang sana ako, siguro naglalaro na kami ni Ryle at Jelo ng guilty gear sa computer cafe na suot ang maasim na headset at naghuhulog ng coins sa slot kapag tumunog na yung oras na nagpapahiwatig na kailangan mong maghulog ulit.

Normal lang sana, nagkakatuwaan sana kami ng mga kaibigan ko ngayon, nagtatawanan, uuwi sa bahay, lalabas para magpahangin, makinig sa sermon ng nanay ko, papasok sa kuwarto, mag f-facebook, ginagawa ko lang sana ang mga bagay na nakakasanayan kong gawin kung hindi ako napadpad dito.

Pero interesting panoorin ang mga pangyayaring nasasaksihan ko ngayon na hindi ko pa nasasaksihan nang harap-harapan.

"Nag-usap na kami," ani Kylah, "whatever your condition, basta hindi mo na kami guguluhin ni Ereneo. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, wag mo lang kaming ha-harassin ulit, okay?"

Nako, sa tingin ko, dyan siya kukuha ng opportunity na maka-score sa'yo, Kylah.

Nagmamasid lang ako sa kanilang dalawa. Ayon sa mukha ni Joshua, sabik na sabik na siyang dilaan ang popsicle na hawak niya sa leeg, para siyang titan na nakadakip ng lumilipad na tao na nakasuot ng ODM gear. Si Kylah ang popsicle.

"T-Talaga!?" masigla na ang tono ng lalaki.

"Oo." Matamlay naman ang boses ng popsicle. Halatang hindi niya nagugustuhan ang pagdila sa kaniya ng halimaw.

"As in, lahat?"

"Oo, pero yung kaya ko lang."

Nag-isip siya kung ano'ng ipapagawa niya sa babae, yun bang masa-satisfy niya ang butas sa puson niya na matagal niya nang gustong punan.

"Kung ganon, dapat sabay na tayong lumalabas sa classroom at sabay na tayong umuuwi. Kakain tayo ng magkasama, pupunta tayo sa CR ng magkasama, maghahawakan ng kamay, at dapat lagi tayong magkasama!"

Sinasabi ko na nga ba.

Hindi makasagot si Kylah, nagawa niyang lumingon sa akin at nababasa ko ang expression ng mukha niya na may mensaheng gustong iparating.

Hindi ko 'to kaya, Ereneo. Please, iligtas mo'ko.

"Ano?" Panggigipit ng Joshua. "Gagawin mo ba o hindi?" kasabay ng pagharap ulit ni Kylah sa kaniya pagkatapos niyang lumingon sa'kin.

"Gagawin ko! G-Gagawin ko..." Syempre, napilitan na siya nang sinabi niya 'yan.

Kasi kung hindi ibibigay ng biktima ang hinihingi ng holdaper, siguro may gripo na sa tagiliran ang biktima.

Pero para sa kaligtasan niya at kaligtasan ko, sumurrender na siya sa rebeldeng matagal nang tumutugis at nagnanasa sa gobyerno, para abusuhin ang popsicle.





Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now