Nailang ako, and at the same time, naasar ako.

"Love life!? Anong love life? Wala ako non." Tumaas ang boses ko nang hindi ko napansin.

"Huy Jelo wag kang ganyan. Pinapaalala mo yung mga panahon na nireject siya ng crush niya nung valentines eh." Saad naman ni Ryle.

Napatayo nalang ako sa upuan ko at napaangal. "Alam nyo kayo, mga letse kayo eh."

"Move on kana, Ernesto. Makakahanap ka pa naman ng ibang crush diyan. Hindi lang naman si Ymir ang babae sa mundo. Dami-dami ngang magaganda dito sa school natin eh." Si Ryle.

"Oo nga! Tsaka, para hindi ka ma-reject, wag mo nalang aminin na crush mo siya! Kung sino man ang magiging bago mong crush." Sabat naman ni Jelo.

Nananadya talaga sila.

"Nang-aasar ba kayo? Anong silbi ng magkaroon ng crush tapos di aminin? Wala paring kwenta kasi wala namang patutunguhan yon pag di mo aminin! Kaya mas mabuti pang wag nalang magka-crush, diba?!" Panapos na pangungusap ko sa dalawa.

At saka ko niligpit yung lunchbox ko at lumakad papunta sa aking upuan para ipasok ito sa bag ko.

"Palibhasa kase naging bitter yang si Ernesto kasi nire-reject at iniiwasan."

"Oo nga.. galit na galit eh."

Bulung-bulungan ng dalawa.

Asar na asar na ako, agad ko silang nilingon at tinuturo-turo kasabay ng sermon ko, "Hoy narinig ko 'yon! Tsaka, wag nyo'ko tawaging Ernesto. Ereneo Tesorio ang pangalan ko ha!" Pinasok ko na ang baonan sa loob ng bag.

"Ernesto nalang para di na mapagod kakabigkas sa pangalan mong kasinghaba ng pangalan ni Rizal..." sabat naman ni Ryle sa likod.

Psh!. Kahit kailan nakakainis talaga 'tong dalawang gunggong na 'to. Pero kahit ganon, totoong kaibigan ko pa rin sila mula pa nung elementary.

At saka, malapit na din magtapos 'tong school year kaya susulitin namin ang mga panahong magkasama kaming magkakaibigan.

***

Huwebes ng February 14th, 2019, araw ng valentines.

Excited ang lahat para sa valentines day activities ng school, at eto yung mga kaibigan ko, sinet-up ako sa isang blind date at gumastos pa sila ng pera para gawin sa'kin ang kalokohang ito.

Para bang kinidnap ako dahil nilagyan ako ng blind fold ng isang scout sa mata ko at kinuha ako sa classroom namin at dinala sa isang lugar na hindi ko alam.

Pinaupo nila ako sa isang upuan at pagtanggal nila sa aking blindfold, nakita ko ang mukha ni Ymir na nasa harapan ko ngayon, naka-blindfold rin.

Nilibot ko ng tingin saglit yung paligid ng lugar kung saan nila ako dinala. Nakita ko ang pangalan ng section at nalaman kong classroom ito ng ABM Grade 12. Nakababa yung mga kurtina, bilog yung mesa namin, may dalawang cupcake at para yata sa amin. May mga design ng pulang puso yung pader, may pailaw-ilaw pa at may kandilang nakalagay sa gitnang banda ng mesang bilog at gumastos sila ng pera para maging maganda ang area ng classroom na ito—binagay sa okasyon.

Inalis na rin nila yung blindfold ni Ymir at lumakad na sila palabas ng classroom. Nakita ko ang timer na nakalagay sa ibabaw ng pintuan. 15:00.

15 minutes ba 'yan?

"Uhm, hi?" Boses ni Ymir na agad na nahagip ng pandinig ko kaya napatingin ako sa mga mata niya.

Kinakabahan ako. Para bang lalabas na sa katawan ko ang puso ko dahil sa lakas ng pitik nito na parang sipa ng kabayo. Hindi ko alam ang gagawin, parang mababaliw ako rito.

Crush Kita Since 1998Where stories live. Discover now