Chapter 53

50.5K 990 369
                                    

Nanlalambot ang tuhod ko habang papalapit kami nang papalapit sa direksyon kung nasaan malaya kong natatanaw ang aking anak. Nasa isang nipa hat cottage siya na malapit lang sa restobar. Kasama niya si Anne at batid kong mayroon silang piang-uusapan dahil kitang-kita ko ang pagkamangha sa mukha ng aking anak.

Pabilis nang pabilis ang pintig ng aking puso. Nanlalamig ang aking buong sistema at ramdam ko ang butil-butil na pawis na tumutulo sa gilid ng aking noo.

"You okay, babe? Sa ating dalawa, mukhang ikaw ang mas kailangang huminga," Aziel commented from behind, as if naman na hindi rin siya kinakabahan.

Nilingon ko siya at inismiran. "Coming from you na nanginginig na ang boses at kulang na lang ay maihi na sa pantalon?"

"How'd you know?" He chuckled a bit. "Pilit ko na ngang itinatago 'tong kaba ko. Napansin mo pa rin?"

I shook my head and gave him a sardonic smile. "Maloloko mo ang kahit na sino pero hindi ako, Aziel. Mula ulo hanggang paa, kilala kita."

He roared with laughter as his eyes shone brightly like the sun. "Parang gago, kinilig pati itlog ko!"

Bastos! 

I glared at him.

Hindi na ako sumagot pa. Nang makalapit kami sa cottage kung nasaan si Asher at Anne ay sinenyasan ko siyang tumigil muna sa paglalakad.

"Ako muna ang kakausap sa anak natin. Kapag sinabi kong lumapit ka na, saka ka lang lalapit. Naiintindihan mo ba?" paliwanag ko sa kaniya.

"Opo..." Tumango-tango siya. "Wala ba akong script na nakakaiyak?"

I looked at him like he was something of a ridiculous person, pero sinakyan ko kung anong trip niya. "Gusto mo bang bukas na lang magpakilala sa kaniya? Bumalik ka na lang muna sa hotel room mo at magsulat ka."

"Nah, nah. Thanks, babe, but I think I can do this. Fuck! Parang ngayon pa lang mahihimatay na ako!" daing niya.

Umiling siya at madramang humawak sa dibdib bago nagpakawala ng marahas na buntonghininga. "Kaya mo 'yan, Aziel. You should be proud of yourself, man. Ang batang 'yan ang pinakamabilis magswimming mong sperm cell..." bulong pa niya sa sarili na parang nababaliw na.

Napaismid na lang ako at napahilot sa sentido.

"Lalapitan ko na siya," saad ko sa kaniya at kagat labi siyang tumango, hindi maipagkakaila ang matinding kabang bumabalot sa buong katauhan niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa direksyon kung nasaan si Asher. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi pa niya napapansin ang pagdating ko. Si Anne ang unang nakaramdam sa aking presensya. Siya ang unang lumingon sa akin at kahit hindi ako pa ako nagsasalita ay naintindihan na niya agad ang nais kong iparating.

"Nandiyan na si Mama mo, Ashy," nakangiting wika niya sa anak ko na agad namang lumingon sa kinatatayuan ko.

Nginitian ko siya at kinawayan. Sinenyasan ko rin siyang lumapit sa akin. Lumiwanag ang kaniyang mga mata at patalon na bumaba sa upuang kahoy.

"Mimi Ganda!" sigaw niya at sinalubong ako ng yakap.

I shut my eyes, and tightened our embrace, as I felt his warmth tame my raging emotions.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Mimi, di 'ba sabi nyo po kakausapin nyo ang real papa ko? Nasaan na po siya?" he excitedly uttered and looked around.

My lips formed into a tiny smile. "Gusto mo na ba siyang makita?"

He nodded his head eagerly and jumped in glee. "Yes na yes, Mimi! Super excited na si Ashy! Matagal ko na po ni-pre-pray kay Papa God na makita si real papa ko,"

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon