Chapter 32

64.2K 1.3K 471
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Kung alam lang ni Ate Chantal kung gaano ko siya gustong sabunutan sa labis na pagkairita. Halata namang sinadya niyang gawin ang lahat ng ito.

Sa harap pa talaga ni Aziel ako napiling paupuin. Simula nang dumating ako sa lamesang ito'y hindi na niya nilubayan ng tingin. Sa kanan niya ay si Louie at Dewei na pangisi-ngisi sa akin. Sa kaliwa naman ay iyong maganda at sexy'ng babae na nagngangalang Larisa na halatang-halatang interesado sa magaling kong asawa.

Maingay ang buong hapagkainan dahil na rin kay Ate Chantal na bangkang-bangka sa usapan. Nanatili lamang akong nakayuko at pinaglalaruan ang aking pagkain, ni hindi ko man lang magawang makitawa sa kanila.

To be honest, I still don't know what to feel. Nasa pagitan pa rin ako ng gulat at pangangarap na hindi ito totoo, na isa lamang panaginip.

Iyong taong halos buwan ko ring hindi nakita, iyong taong araw-araw kong iniisip at ipinagdarasal sa gabi ay narito na mismo sa harapan ko. Iisang hangin na lang ang nilalanghap namin at iilang dipa lang ang layo.

"Aziel, sumakit ba ang shoulders mo?" dinig kong malanding tanong ng babaeng nasa harapan niya.

Hindi ko tuloy naiwasan na lantarang pagtaasan siya ng kilay. Nakita iyon ni Azi kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya na sinamahan pa ng pamumula ng pisngi.

Hindi ko lang alam kung para kanino o para saan iyong reaksyon niya. Kung kinikilig siya dahil kay Larisa, bahala siya. Wala akong pakialam sa kanilang dalawa!

Tumikhim ang lalaki bago umiling sa katabi. "I'm fine, Lars. Don't mind me."

"Bakit naman sumakit ang balikat mo, Ziel?" usyoso pa nitong kapatid ko at sinulyapan ako.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain na para bang walang nakikita o naririnig sa paligid.

Sasagot pa lang sana si Aziel nang maunahan siya ng babae. "Hindi ko kasi sinasadyang makatulog sa balikat niya habang nasa private plane kami ni Wei."

Kumunot ang aking noo at tila nagpanting ang aking tainga. May panggigigil kong kinagat ang fish fillet at isinubo iyon.

"Aysus, kunwari ka pang walang alam. If I know sinadya mo..." mahinang saad ko sa sarili kaya naman sinipa ni Ate ang paa ko sa ilalim ng lamesa.

Inilapit niya ang tainga sa akin at bumulong. "Guest natin 'yan. Bobo ka," bulong niya sa akin.

Napasimangot naman ako r'on. Pakialam ko?

"Guest mo lang. Ikaw ang nag-imbita, eh," depensa ko sa kaniya.

Kanina pa talaga ako naiirita. Bakit ba kasi ang daming tanga sa mundo?!

"Akala ko nga noong una'y magkasintahan kayo. Grabe ka kasi kung kumapit sa kaniya," ani Karyle na sinegundahan naman ng boyfriend niya.

"I thought so, too. Buti na lang nabanggit ni Louie sa akin na may asawa na nga itong si Mr. Navarro." The guy showed his friendly smile at me that made his dimples very much visible.

Nahawa ako sa kaniyang ngiti na agad din namang napawi nang magsalita si Larisa.

"But they're going to be annulled soon, right? Eh 'di may chance pa rin na maging kaming dalawa?" Nilingon niya ang lahat ng nasa lamesa at nagawa pa akong pagtaasan ng kilay.

Punong-puno ng saya at pag-asa ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung seryoso ba siya r'on o nang-aasar lang, pero sabagay, kung makadikit at makalingkis nga siya kay Aziel ay para siyang linta.

Natahimik ang lahat sa tanong niya. Nananantiyang tingin ang ibinigay nilang lahat sa akin habang si Wei na nabulunan pa sa kinakain.

I acted cool and unaffected. Kahit na sa loob ko'y gusto ko siyang tawanan nang sobra. Kagaya nga ng sinabi ko ay wala na akong balak ituloy ang annulment pero siyempre. . . hindi ibig sabihin n'on ay pinapatawad ko na ang aking asawa.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora