Chapter 36

52.1K 1.2K 430
                                    

Naulit nang naulit pa ang mga pangyayaring iyon. Dala na rin ng labis na pagkaabala sa trabaho ay minsa'y nakakaligtaan ko nang kainin ang ipinapadala ni Aziel na pagkain.

At minsan, dahil na rin palagi siyang nakabuntot sa akin ay sa kaniya ko na nababaling ang init ng ulo at frustration ko sa ibang bagay. Kung ano-anong mga salita ang nabibitiwan ko sa kaniya.

Unconsciously ko siyang napapahiya sa harap ng maraming tao. Sa gan'on umiikot ang halos dalawang linggo niyang pamemeste sa akin.

May ilang beses na rin niya akong inayang mamasyal sa ibang lugar. Umu-oo ako pero nagba-backout din due to sudden conflict of my schedules. Hinahayaan ko siyang maghintay nang matagal saka ko sasabihin na hindi na ako sisipot.

At oo, sige, aaminin ko na. Sinasadya ko talaga. Hindi naman sa nag-e-enjoy akong pahirapan siya, gusto ko lang malaman kung hanggang saan at hanggang kailan niya kakayanin ang lahat. Kung talaga bang sinsero siya sa panunuyo o ginagawa niya lang 'to para sa huli ay muling saktan ako.

"Hindi mo ako masisisi, Leigh. I'm scared. I have too many 'what ifs' for now." I massaged my temple as I watched Aziel tapping his foot on the floor while patiently waiting for me outside of my cabin.

Nakasilip din si Everleigh sa maliit na siwang na ginawa ko sa bintana. Gabi na pero nandito pa rin siya kasama ko. Malamig na sa labas kaya alam kong giniginaw na rin doon si Aziel.

"Puwede mo naman sigurong sabihin iyon sa kaniya, Chantria. Sabihin mo kung hindi ka pa handa o kung hindi mo na talaga kayang balikan siya–"

"Wala akong sinabing ayaw ko nang balikan siya," I cut her off irritatedly. "Ang sa akin lang, natatakot pa rin ako. Paano kung sa oras na tanggapin ko siya ulit ay bumalik na naman siya sa dati? Paano kung ngayon maayos ang pakikitungo niya pero paglipas ng araw, itra-trato na naman niya akong parang basura? Don't you get me?"

Tumango-tango siya sa akin at matamlay na bumuntonghininga. "Naiintindihan kita, pero kung gagawin mo rin ang mga ginagawa niya noon sa 'yo, anong pinagkaiba mo sa kaniya?"

Natigilan ako at napakurap-kurap. Tila may isang malaking bato ang tumama sa aking ulo at hindi ko man lang nagawang makailag.

Bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay.

Gusto ko lang namang ipakita kay Aziel na hindi ako marupok. Na hindi niya kaagad ako mapapalambot.

"Pinapaalalahanan lang kita pero ikaw pa rin ang bahala sa kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo, Chantria," dagdag pa ni Leigh.

Sabay muli naming nilingon ang bintana at kahit ang bilog na buwan lang ang tanging nagsisilbing liwanag, kitang-kita ko kung paano yakapin ni Aziel ang kaniyang sarili.

Nangangaligkig na siya sa lamig. Dinukot na niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at nagtipa ng mensahe. Hindi rin naman nagtagal ay tumunog ang telepeno ko.

From: Aziel

Chan, you good? Halika na. Baka lumamig na itong niluto kong dinner.

Ang sabi niya kanina, nagprepare raw siya ng simpleng candle light dinner sa dalampasigan para sa aming dalawa. Ang sabi ko'y babalik lang ako sa cabin para magbihis pero ang totoo niyan ay wala talaga akong balak pumunta.

I already ate my early dinner with Mr. Dino. Hanggang ngayon ay busog pa rin ako at tiyak na hindi na rin tatanggapin ng aking sikmura kung kakain pa ulit ako.

Tahimik na nakikiusyoso si Leigh sa aking tabi. Ngumuso siya at umiling pero hindi na nagkomento pa. Bumuga ako ng hangin bago nagtype ng reply.

To: Aziel

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Where stories live. Discover now