Chapter 47

41.5K 1K 812
                                    

"Okay ka lang, Tria?" Umupo sa aking tabi si Elias at inakbayan ako.

Malalim na ang gabi pero nandito pa rin ako sa labas ng bahay. Pinapanood ko ang kalmadong pag-alon ng dagat pati na rin ang liwanag ng bilog na buwan habang nakaupo sa buhanginan at may hawak na isang bote ng beer.

Hilaw akong ngumisi sa kaniya. "Oo naman." Matagal siyang tumitig sa akin, tila hindi kumbinsido, kaya naman bahagya akong natawa. "Okay nga lang ako."

Umingos siya na may halos pagkasarkastiko. "Kilalang-kilala kita, Tria. Alam na alam ko kung kailan ka masaya, malungkot o may problema kaya sinong niloko mo?"

Unti-unting nabura ang hilam na ngiti sa aking mukha kasabay ng pag-iwas ng tingin sa kaniya. Para akong napipi at naubusan ng mga salita bilang depensa.

Gan'on ba talaga ako kadaling basahin? Gan'on ba ako kahalata?

"Kanina ka pa namin napapansin ni Nanay na parang wala ka sa sarili. Mabuti na lang hindi iyon napansin ni Asher dahil masiyadong libang sa binili mong laruan," wika niya.

Umihip ang malakas at malamig na hangin, dahilan para sumabog ang aking buhok sa aking mukha. Inayos ko iyon at sinikop gamit lang ang isang palad bago nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga.

Nanatiling nasa malalim ang aking isipan at hindi masagot ang kaniyang tanong pero talagang hindi niya ako tinitigilan hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya.

"So ano nga, Tria? May nangyari bang hindi maganda sa unang araw ng trabaho mo?" Umarko ang kaniyang kilay at sumimsim naman ako sa bote ng beer na hawak ko.

Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kaniya ang problema ko, 'di ba? Nahihiya kasi ako na baka lalo pa akong makadagdag sa mga isipin niya pero sobrang bigat din ng dibdib ko ngayon at pakiramdam ko'y hindi ko na kinakaya.

Humigpit ang hawak ko sa inumin nang simulan kong ibuka ang labi para magsalita. "Si A-Anne... she's here."

Kumunot ang kaniyang noo sa kawalan na para bang iniisip pa niya kung sino iyong tinutukoy ko.

"Anne?" tanong pa niya ulit. "Kung hindi ako nagkakamali, siya ba 'yong ex girlfriend ni Aziel?" he asked me.

My lips pressed together as I nodded my head weakly. "Siya nga."

Suminghap siya at rumehistro ang gulat sa kaniyang mga mata. Agad ko ring nabasa ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Anong nangyari? Nilapitan ka ba niya? S-Sinaktan ka?" Marahan niyang hinawakan ang aking braso at tiningnan kung may galos ba ako o ano.

"Wala, baliw." Mabilis kong binawi iyon sa kaniya at umiling. "Hindi naman niya ako nalapitan at mas lalong hindi niya ako nasaktan... but, guess what?"

"Ano?"

"Siya ang boss ko sa trabaho." I laughed bitterly and drank the beer straight until the last drop of it.

Nanatiling awang ang kaniyang labi habang nakatulala sa kung saan. Sinubukan niyang magsalita pero mismong kataga na ang bumigo sa kaniya.

"Bigla akong nagdalawang-isip kung itutuloy ko pa ba ang pagtratrabaho roon kasi alam mo, Elias, natatakot akong sabihin niya kay Aziel–"

"Hindi ba't mas mabuti iyon?" he cut me off and my forehead creased with his question.

"Anong ibig mong sabihin?"

Marahas siyang lumunok bago pilit na ngumiti sa akin. "K-Kasi tatlong taon na rin, Tria, at hindi tamang habambuhay ay ganito ka. Umiiwas, nagtatago at natatakot..."

Sarkastiko akong natawa bago nagtiim bagang. "Hindi kita maintindihan, Elias." Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling dahil hindi matanggap ng kalooban ko ang mga nais niyang iparating.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Where stories live. Discover now