Chapter 45

41.2K 1K 590
                                    

April 30 when I gave birth with my child. Elias didn't leave my side all throughout the time. He was there beside me, holding my hand, cheering and telling me how strong I am.

"Kaya mo 'yan, Tria. Nandito lang ako," he gently whispered to my ears. I could feel his system shaking in nervousness and how his body tensed up.

Panay naman ang salita ng doctor na kaunting iri na lang ay lalabas na si baby kaya ibinuhos ko na ang aking buong lakas. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon. Tumatagaktak ang butil-butil na pawis sa aking noo kasabay ng tahimik na pagtulo ng aking mga luha dahil sa matinding pagkirot ng aking puso.

Malaking bagay itong pagpapalakas ng loob sa akin ni Elias, pero ano kayang pakiramdam kung mismong si Aziel ang narito ngayon sa tabi ko at sinasabi ang mga katagang iyon?

Ano kayang magiging reaksyon niya sa oras na unang beses niyang masilayan ang anak namin? Matutuwa kaya siya? Maiiyak? Tatalon sa saya?

"Malapit na, Tria. Kaunti na lang," muling bulong ni Elias at mas lalong humigpit ang kapit niya sa aking palad.

"Isang iri pa, Misis," matigas na wika naman ng doctor at agad ko iyong sinunod.

Lahat ng katanungan sa aking isip ay nilipad na lang ng hangin. May parte sa aking hinahanap siya pero mas malaking bahagi ang nagsasabi na hindi namin siya kailangan ng bata.

Sa tuwing naiisip kong nagiging makasarili ako sa desisyon kong ito, binabalikan ko lang ang mga dahilan kung bakit kami humantong sa ganito. Kung bakit ko siya kinasusuklaman na tagos hanggang sa aking buto.

Matapos manganak ay nawalan na ako ng malay dala na rin ng sobrang pagod. Nagising na lamang ako dahil sa iyak ng isang sanggol. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang unang tumambad sa akin ay ang puting kisame. Ramdam ko ang sakit ng aking katawan lalo na sa pang-ibabang bahagi.

"Gutom na ba ang baby namin? Tulog pa si mimi, eh," malambing na tinig ni Elias ang namayani sa aking tainga.

Unti-unti akong nagbaling ng tingin sa kaniyang gawi. Halos maiyak ako nang makita siyang kalong ang anak ko, malambing na kinakausap at marahang dinuduyan sa kaniyang mga braso.

Natatamaan ng sinag ng araw ang kaniyang mukha. Abot-langit ang kaniyang ngiti at sa sobrang tuwa siguro ay hindi niya napapansin na nagising na ako. Hindi naman ako nagsalita at hinayaan ang sariling panoorin lang siya habang kinakausap ang anak ko.

Ewan ko ba. Siguro nga ay nababaliw na ako dahil mukha ni Aziel ang nakikita ko sa kaniya. Na para bang siya iyong kaharap at kasama ko ngayon.

Mariin kong ipinikit ang mga mata para pigilan ang kahibangang ito.

"Elias is here. He's so much better than Aziel. Handa siyang akuin ang responsibilidad na pagiging ama. Kampante akong hindi niya kami sasaktan at papabayaan..." I reminded myself in my mind.

Why would I settle for less if there was someone who has something better to offer?

Why would I choose danger if there was a place who could offer peace?

And no doubt, it was Elias. No other than him.

"Ano hong ipapangalan nyo sa bata?" tanong ng nurse sa akin.

Sandali akong napaisip at nagbaba ng tingin sa anak kong mahimbing na natutulog sa aking mga braso. Bukod tanging ako at si Nanay Vicky lang nandito sa kwarto. Pansamantalang lumabas si Elias para bumili ng pagkain.

"Tria? Ano raw ipapangalan mo sa bata? May naisip ka na ba?" mahinahong pag-uulit ni Nanay Vicky kaya napakurap-kurap ako.

Marahas akong lumunok bago buong tapang na nag-angat ng tingin sa nurse na kanina pa nakaabang. "Asher. Asher Liam Saavedra."

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon