Chapter 9

53.2K 1.4K 354
                                    

Matinding katahimikan ang bumabalot sa amin habang kumakain ng hapunan. Tanging tunog ng kubyertos na tumatama sa babasaging pinggan ang naririnig. God knows how much I wanted to ask about his day, his work or even just exchange a random conversation with him. But I'm scared that he might get annoyed.

Kaya naman kahit kating-kati na ang dilang kong magtanong ay pinigilan ko pa rin ang sarili. Mas pinili ko na lamang ang manahimik at makiramdam sa kaniyang kilos. At alam kong gan'on din siya sa akin.

Kanina ko pa kasi napapansin na panay ang sulyap o titig niya sa akin habang kumakain kami. It was odd and I felt uncomfortable with it. Ilang minuto lang din ay narinig ko ang mahina at mabigat niyang buntonghininga. At mula sa mahabang katahimikan ay siya na ang naunang magsalita.

"Chantria, I-I just want to say sorry about what happened earlier," panimula niya sa mababa at napapaos na tinig. Naninimbang pa rin ang tingin na ibinibigay niya sa akin.

This was what I've been waiting for – his explanation. Hindi ako kumibo at nanatili ang mga mata sa aking pinggan na wala nang laman.

"I acknowledge my fault and I'm genuinely sorry for it." He heaved a sigh as he licked his lower lip before continuing. "It was just a quick meeting, really, but Mr. Tan wants to visit our other subsidiary company and eat lunch together. I couldn't say no, Chantria, he's one of our biggest potential investors so I need to attend to his whims in order to impress him."

Nagtiim bagang ako bago sumagot. "Who are you with?"

"Just me, Mr. Tan and. . ." he trailed off and swallowed hard. "Anne."

I laughed without any trace of humor and shook my head. "Your mistress."

Marahas siyang bumuga ng hangin bago naniningkit ang mga matang bumaling sa akin. "She's not," may diin ngunit kalmado niyang tugon.

"Wala akong ibang babae," dagdag pa niya.

Matagal kaming nagpantayan ng malamig na titig hanggang sa ako na rin ang unang sumuko. Nakakabilib at nakakapanibago na nagagawa niyang maging kalmado ngayon. Hindi ko alam kung anong sumapi sa kaniya at bakit siya nagpapaliwanag. Hindi naman niya iyon ginagawa.

"I am guilty, Chan. Baka isipin mo na sinadya ko ang nangyari kanina pero hindi. Ang totoo niyan, masaya akong bumisita ka kanina sa opisina."

"You should've called me. May cellphone ka naman. Puwede mo rin akong daanan sa opisina kung talagang gugustuhin mo. Maiintindihan naman kita at hindi ako magrereklamo pero anong ginawa mo? Pinagmukha mo akong tanga at halos mamuti na ang mga mata ko kakahintay sa 'yo."

"I forgot my phone in the office," depensa pa niya.

Inangat ko ang aking upang muling makipagtagisan ng titig sa kaniya. Sa huli ay wala na rin akong nagawa kundi ang tanggapin ang eksplenasyon niya. I guess it was fine. It was enough to know that he was conscious of his mistakes and he was genuinely sorry for it. Well, I really hope so.

Wala nang nagsalita sa amin hanggang sa tuluyan na kaming matapos kumain. Ramdam ko pa rin ang pakikiramdam niya pero hindi ko na iyon pinansin pa. Nauna na siyang umakyat sa kaniyang kwarto habang ako naman ay nasa kusina at abala sa paghuhugas ng pinagkainan.

Masakit pero pinalampas ko na lamang iyon. Wala na rin naman akong magagawa kahit na magmukmok o magreklamo pa ako. At alam ko namang kahit anong gawin ko, sa huli ay ako pa rin ang kawawa at talo.

Masiyadong pagod ang puso at isip ko para muling makatanggap ng masasakit na salita mula sa kaniya.

Lumipas pa ang mga araw at wala pa ring nagbabago sa samahan naming dalawa. Araw-araw naman siyang umuuwi sa aming bahay kahit minsan ay ginagabi na talaga siya. Hindi naman na ako nagtatanong pa dahil ayaw kong humantong sa away lang ang lahat. Ginagampanan ko na lang ang pagiging mabuting asawa sa kaniya. Nauuna akong gumising sa umaga upang ihanda ang almusal at ang damit na isusuot niya para sa trabaho. Sa gabi naman ay hinihintay ko siyang umuwi at sinisiguro kong mayroon siyang pagkaing dadatnan kung sakaling hindi pa siya kumakain.

"I hired a maid. Bukas na bukas ay magsisimula na rin siya."

Natigilan ako sa pagnguya at kuryosong nilingon siya. "Maid? Why?"

Nag-angat siya ng kilay habang sumisimsim sa kape. Maingat niyang ibinaba ang tasa sa lamesa at pinunasan ng tissue ang gilid ng kaniyang labi.

Ngumuso siya at nagkibit balikat bilang tugon. "Hindi naman siya stay-in. Uuwi rin siya tuwing gabi–"

"We don't need a maid, Azi. Tayong dalawa lang naman ang nandito at kaya ko namang gawin ang mga gawaing-bahay," reklamo ko at agad ang bumalatay ang inis sa kaniyang mukha.

"Ayaw kong umaalis ka ng bahay sa disoras ng gabi para bumili pa ng pagkain. She will just clean our house, buy groceries, wash our clothes, cook our food, then leave afterwards. What's a big deal, Chantria? Why couldn't you just appreciate it?"

Nagulat ako r'on sa una niyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin doon? Nakita ba niya ako noon sa restaurant kung saan ko sila nakita ni Anne? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman niya ako nakita at hindi ko rin iyon nabanggit sa kaniya.

But then, I took a deep breath and shook my head weakly. "Hindi naman sa gan'on. Ang sa akin lang naman ay kaya ko namang gawin lahat 'yon–"

He laughed humorlessly and shifted his seat. "Baka naman may itinatago ka sa akin kaya ayaw mong may ibang tao rito?" makahulugan at malamang niya.

"What do you mean by that?" Nangunot ang aking noo, labis na nagtataka. "Ano namang itatago ko sa 'yo?"

Aziel pursed his lips as he shrugged his shoulders. "I don't know. Your manstress perhaps. . ." may panunuyang sagot niya na siyang dahilan para pagak akong matawa.

"I'm not like you. Huwag mo akong ihalintulad sa mga gawain mo," hilaw ang ngising tugon ko.

Umigting ang kaniyang panga kasabay ng pagdilim ng kaniyang mga mata ngunit hindi na nagbitiw ng kahit anong komento pa. Saan naman kaya niya nakuha ang ideyang mayroon akong ibang lalaki? Eh sa kaniya pa nga lang, sumasakit na ang ulo ko tapos magdadagdag pa ako ng isa?

Palihim akong umiling. Mabilis niyang tinapos ang pagkain ng almusal nang marinig na tumutunog ang kaniyang cellphone na nakapatong lang din sa tabi ng pinggan niya.

Bahagya kong naaninag kung kaninong pangalan ang naka-flash sa kaniyang screen kaya napairap ako. Nakita niya iyon kaya agad niyang pinatay ang tawag.

"Bakit hindi mo sinasagot? Mukhang kailangan ka na ng babae mo." May multo ng pait at pagkasarkastiko ang boses ko, hindi na nga napigilan ang sariling magtanong.

Tamad niya akong nilingon at sinamaan ng tingin. "Hindi ko babae si Anne. She's just a friend. How many times do I have to tell you that?"

Friend, huh?

"You can't be friends with your ex, Aziel. That's impossible," patutsada ko.

His lips parted before barking a mocking chuckle. "Your statement is just the same as saying I can't marry someone who I don't love, Chantria, but look where I am now. . . so I dare to say that's possible." 

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora