Chapter 16

62.5K 1.3K 727
                                    

Mukhang naunahan pa ako ni Aziel na magdahilan sa mga magulang niya. Nalaman ko kay Louie na kanina pa pala tumawag ang lalaking iyon sa Mommy niya na hindi kami matutuloy umuwi rito sa probinsya dahil bigla siyang nagkaroon ng mahalagang gagawin. Medyo tumaas pa nga raw ang presyon ni Daddy Carl dahil sayang naman daw ang hinandang mga pagkain para sa maliit na salusalo.

"Napansin ko lang na medyo pumapayat ka pala, Ija." Mommy Mel glanced at me from head to foot and shrugged her shoulders. "Nevermind. Maybe naninibago lang ako kasi halos isang taon din noong huling beses kita nakita!"

"By the way, tinatrato ka ba naman nang maayos ng anak ko?" dagdag na tanong niya.

Marahas akong napalunok bago tumawa nang peke. Shit, hindi ko na alam ang sasabihin ko pa. Madali namang sumagot ng oo o hindi. Madaling tumango at umiling pero tila mayroong pumipigil sa akin. Ang hirap sumang-ayon at ang hirap ding dugtungan pa ang sinabi niya.

"H-Ha? Opo naman." Tumikhim ako upang alisin ang kaba sa dibdib.

Hindi ako magaling magsikreto kaya kung patuloy akong magsasalita upang depensahan ang asawa ko, baka mas lalo lamang niyang mahalata.

Ngumisi siya. "Mabuti naman kung gan'on! Maayos ang pagpapalaki namin sa kanila ni Aia, so I am really confident na maayos din ang pagtrato niya sa iyo." Kitang-kita sa kaniyang mukha ang buong kumpiyansa.

Nagbaba na lamang ako ng tingin dahil nakokonsensya ako. Sa nakikita ko ngayon sa mga mata niya ay talagang proud na proud siyang nagiging mabuting asawa sa akin ang anak niya. Nangako rin naman ako sa sarili ko na kahit kailan ay hinding-hindi ako magsasalita ng tungkol sa maaaring makasira sa pangalan ni Aziel.

Masiyado na akong maraming kasalanan sa kaniya. Ako ang dahilan kung bakit hindi niya naabot ang mga nais niya sa buhay at ayaw ko nang dagdagan pa ang pagkamuhi niya sa akin.

At kahit marami akong gustong ikwento kay Mommy Mel ay nilimitahan ko ang sarili. Less talk, less mistakes, ika nga.

Sa likod namin ay tahimik na nakasunod ang tatlong katulong. Nagpaiwan sa labas si Louie, nakikipagkwentuhan sa ibang mga trabahor na kakilala niya.

"Oh siya, maiwan muna kita rito, Ija. Kapag mayroon kang kailangan at gusto, huwag kang mahihiyang magsabi sa mga kasambahay. This is your house too, so feel free to roam around. Tutulungan ko lang ang mga kasambay na ihain ang mga pagkain sa lamesa." Hinaplos niya ang aking buhok bago tuluyang tumungo sa kusina.

Hindi muna ako umakyat sa kwarto, bagkus ay mas pinili kong maglibot-libot muna ng tingin. Ni hindi ko magawang hawakan ang mga kagamitan sa takot na baka makabasag ako. Sa living room ay naroon ang malaking portrait ng mga Navarro, ngunit ang bukod tanging nakapukaw ng aking atensyon ay ang dalawang espanyol na salitang nakasulat sa baba niyon.

Moralidad e Integridad.

Pagak akong natawa habang hinahaplos iyon. Morality and Integrity, huh? Eh, mukhang ni isa'y hindi naisakatawan iyon ng panganay na anak nila. Pero sabagay, muntik ko nang makalimutan na sa akin nga lang pala ganoon ang pagtrato ni Aziel. Kung pangingitungo lamang sa ibang tao, wala akong masasabing masama tungkol sa kaniya. Na kahit gaano pa kataas ang estado nila ng pamilya niya, hindi niya kailan mang trinatong iba ang mga nakabababa sa kaniya.

"OMG, Chantria!" A female's voice called me from behind.

Hindi na kailangan pang lingunin kung sino iyon dahil sa tinis ng boses pa lang ay kilalang-kilala ko na. Ibinalik ko sa dating ayos ang picture frame at humarap kay Aia na agad akong dinambahan ng yakap.

"It's nice to see again, Ate! Gosh! Miss na miss na talaga kita! Marami akong gustong ikwento sa iyo. . ." maligayang aniya.

Natawa ako sa pagiging madaldal at energetic niya. Niyakap ko siya pabalik at tinapik sa likod. "Namiss din kita, Aia. Grabe, ang ganda-ganda mo."

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Where stories live. Discover now