Chapter 11

54.4K 1.4K 431
                                    

“I’ll attend an important business convention in Baguio so I’ll be gone for days.”

Iyon ang ibinungad sa akin ni Aziel pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata. Nakaupo ako sa aking kama, medyo disoriented pa. Gustuhin ko mang bumangon pero sa tuwing sinusubukan ko ay napapangiwi na lamang dahil sa matinding sakit at kirot ng aking katawan. Hindi ko na alam kung nakailang beses at kung anong oras na kami natapos dalawa. Kaya heto, parang dinaanan tuloy ng sampung truck ang gitna ng aking hita. 

Hindi na rin ako nagtaka pa nang bumalik na muli ang malamig na trato ni Aziel sa akin. He was done using me, anyway. Nagiging maingat at malambing lang naman siya sa akin kapag nag-iinit ang katawan niya. 

“Nasabi ko na kay Manang Yeta kung anong mga dapat niyang gawin dito sa bahay. Naghire rin ako ng ilang bodyguard na magbabantay sa iyo–”

Nagulantang ako sa sinabi niya at nanlalaki ang mga matang nag-angat ng paningin sa kaniya. “Bodyguard?! For what?” 

“For your safety, Chantria.” His eyes narrowed at me. Parang binabantaan ako na huwag nang kumontra pa. 

Marahas akong lumunok bago tumango sa takot. Ayaw ko man pero mayroon ba akong ibang choice? Siya naman palagi ang nasusunod. 

Bumuntonghininga ako at umayos ng upo. Nanatili ang matamang tingin niya sa akin, sinusundan ang bawat pagkilos ko. Nakapamewang pa at kunot na kunot ang noo. Magulo ang kaniyang buhok, halatang kagagaling pa lamang sa pagligo. Nakasimpleng grey basic tee siya na pinaresan ng beige na khaki shorts at white leather low top sneakers. 

“Uhm. . .” Pinaglaruan ko ang aking mga daliri dahil sa kaba. “Hindi ba puwedeng sumama na lang ako sa iyo? Baguio is one of my dream destinations and I want to go there.” 

“You can’t,” agaran niyang sagot. 

“W-Why?” 

“It’s a business convention, Chantria. Hindi ako naroon para magbakasyon. At anong gagawin mo roon kung sasama ka sa akin? You don’t have any idea about our business,” malamig na dagdag pa niya. 

Matapang ko siyang tinitigan pero naroon pa rin ang pagmamakaawa. Sinubukan kong abutin ang kaniyang kamay ngunit mabilis lamang niyang iwinaksi iyon. 

“Aziel, sige na. Hindi naman ako manggugulo. Gusto ko lang talaga sumama. Maraming events na ang lumipas pero ni isang beses ay hindi mo pa ako dinala kahit saan. Hindi naman kita ipapahiya.”

He scoffed and crossed his arms. Naghahamong tingin ang ibinigay niya sa akin. “At paano naman ako makakasigurado roon? What if other board members or businessmen ask you? Anong isasagot mo? Yes, you have knowledge, Chantria, pero ano ba naman iyang alam mo kumpara sa mga eksperto ng mga tao?” 

Parang sinuntok ang puso ko sa mga binitiwan niyang salita. Lahat ng sinasabi niya ay tama pero hindi ko pa ring maiwasang masaktan at maghinanakit sa pangmamaliit niya sa akin. Gustuhin ko mang sumagot at depensahan ang aking sarili, mas nangibabaw sa akin ang punto niya. 

Tahimik na lumandas ang mga luha sa aking pisngi. Agad ko iyong pinunasan at ipinukol ang masamang titig sa kaniya. “Kaya mas pipiliing si Anne na lang ang palagi mong kapartner mo sa mga gano’ng okasyon? Na imbis ako ang katabi at ipinapakilala mo bilang asawa, mas proud ka pa kapag siya ang kasama?” Suminghot ako at inawang ang labi upang sumagap ng hangin. 

Pakiramdam ko’y ano mang oras ay mawawalan ako ng malay dahil tila may kung anong sumasakal sa aking dibdib. Ang sakit. Ang sakit sakit. Tumayo ako sa kama at kahit iika-ika ay lumapit ako sa kaniya. 

Gamit ang nagsusumamong mga tingin, tiningala ko siya at hinawakan nang mahigpit ang kaniyang kamay. “Aminin mo nga sa akin, Aziel, ikinakahiya mo ba ako? Ikinakahiya mo ba ako bilang asawa mo?!” 

Hindi kumukurap, walang pag-aalinlangan siyang tumango bilang pagkumpirma. “Oo, Chantria. At kung bibigyan lamang ako ng pagkakataong kumawala sa pesteng pagsasama na ito, walang pagdadalawang isip na gagawin ko.” 

Nanghihina akong napaluhod sa sahig at mas lalo pang lumakas ang paghagulhol. Lumipad ang parehong palad ko sa aking mukha at doon ibinuhos ang mga walang kapagurang luha. Akala ko ay todo na ang masasakit na salitang narinig ko sa kaniya, ngunit hindi pa pala. 

“And you’re right. I’d rather choose Anne over you. She never disappoints me. She’s not that stupid like you.” Tumayo na siya nang tuwid at hinawakang mabuti ang maletang nasa tabi niya. “Huwag mong idamay palagi sa usapan si Anne, Chantria, dahil ang totoo niyan, kung tutuusin ay sa lahat man ng aspeto ay walang-wala ka kumpara sa kaniya.” 

Tumalikod na siya at wala nang lingon-lingon pang umalis sa aking kwarto. Narinig ko pa ang muling bilin nito kay Manang Yeta at sa mga iniwan niyang bodyguard bago tuluyang ipaharurot ang sasakyan paalis. 

Imbis na lumabas ng kwarto ay mas pinili kong bumalik sa kama at doon magmukmok. Parang isang plaka na paulit-ulit sa aking utak ang mga binitiwan ni Aziel. Mas lalong tumaas ang pagdududa ko sa aking sarili. Na ang lahat ng kompiyansang binuo ko sa loob ng mahabang panahon ay biglang gumuho.  

Ayaw ko mang dibdibin pero hindi maiaalis na panghabambuhay nang nakatarak sa puso ko ang mga salita niya. Bumangon ako at tumungo sa malaking salamin. Doon ay pinagmasdan kong mabuti ang sarili. Mugtong-mugto ang aking mga mata at namumula pa ang aking buong mukha. Sabog din ang aking buhok at hindi maitatangging sa bawat paglipas ng araw ay mas lalong nahahalata ang pamamayat ko. 

Kahit na patuloy sa pag-iyak ay nagawa ko pa ring tumawa nang mapait. Yumuko ako saglit at kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paglakas ng mga hikbi. 

“Oo nga naman, Chantria. Tingnan mo nga iyang sarili mo. Kung itatabi ka kay Anne, paniguradong walang-wala ka sa kaniya,” saad ko sa sarili at dismayado pang umiling. 

Maganda siya, mayaman at nagmula pa sa isang kilala at kumpletong pamilya. Kahit sinong tao ay gugustuhin at pipiliin siya. Samantalang ako ay heto, bunga lamang ng isang makamundong pagnanasa at patuloy na hinahanap kung saan ang tamang lugar sa mundong ito. Na kahit kailan ay hindi naranasang maging halaga sa iba. Iyong tipong bagay na madaling itapon at kayang-kayang mawala. 

Sa loob ng dalawampu’t isang taon na narito ako sa mundo, wala ni isang nagpasalamat na nabuhay at nag-eexist ako. Everyone saw me as a burden, a good for nothing and easy to get rid of when done using. 

And I couldn’t help but to question myself. Why am I still here? If you have this kind of life, what is still the purpose of living?

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Where stories live. Discover now