Chapter 18

61.5K 1.8K 1.3K
                                    

"Why did you bring her here, Kuya? Tanga ka ba?" walang prenong tanong ni Aia sa kaniyang kapatid habang naglalakad kami papuntang dining area.

Sumunod din kasi sa amin si Aziel samantalang nasa likod namin si Mommy Mel, Daddy Carl at Anne na mabagal lamang ang paglalakad dahil masiyado pang libang sa muli nilang pagkikita.

Aziel glared at her sister. "Don't talk to me like that, Aia. Baka nakakalimutan mong kuya mo ako."

Tumigil sa paglalakad ang babae. Inilagay ang isang kamay sa dibdib na kunwari'y natatakot. "Ah talaga ba? Oo, alam kong kuya kita pero hindi ko pa rin babawiin iyong sinabi ko na tanga ka." Umirap siya at kumapit sa braso ko.

Tumingin sa akin si Aziel pero umiwas ako ng tingin. As much as possible, ayaw ko na lang munang maging malapit sa kaniya ngayon. Parang anumang oras kasi ay bibigay na ang puso ko at lahat-lahat sa akin. At natatakot akong makapagbitiw ng salitang kahit kailan ay hindi ko na puwedeng bawiin. Baka makagawa na naman ng desisyong padalos-dalos at hindi pinag-iisipan tapos sa huli ay ako rin naman ang magdudusa.

"I didn't invite her to come over here. Siya ang nagpumilit na makisakay muna sa kotse natin. Si Mommy at Daddy ang tumawag sa kaniya at nakiusap lang din sa akin na isabay ko na. . ." malumanay na paliwanag sa akin ni Aziel pagkaupong-pagkaupo namin sa hapag.

Sa harapan namin ay si Aia na masamang-masama ang timpla habang si Louie ay nagpaalam na magbabanyo lang.

Natutop ko ang aking labi bago pagod na sumulyap sa kaniya. "Bakit ka nagpapaliwanag?"

Hindi naman kasi niya madalas na ginagawa iyon o sabihin na nating noong simula pa lang ay hindi naman siya gan'on sa akin. Ako palagi iyong nagtatanong. Ako palagi ang naghahanap ng paliwanag at sagot na paulit-ulit din naman niyang ipinagdadamot.

Umawang ang kaniyang labi at kumurap-kurap. "Because I don't want you to overthink these things, Chantria. Ayaw kong isipin mo na paulit-ulit kong sinasadyang saktan ka."

Pagak akong natawa at napailing sa sinabi niya. "Bakit, Aziel? Hindi ba? Kung hindi naman pala sinasadya, anong tawag sa mga palagi mong ginagawa sa akin?"

Hindi siya nakasagot kaya nagpatuloy ako. "Hindi ako tanga, Azi. If I know, baka pumapalakpak na kayong dalawa ni Anne ngayon dahil hindi nyo na kailangang magtago."

Hindi ko na napigilan ang sariling maglabas ng hinanakit kahit nasa harapan kami ng mga pagkain. Ni sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, nakalimutan kong nasa harapan nga lang pala namin si Aia na nakikinig at nagmamasid sa amin. Nang magtama ang aming paningin ay kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Tila kaunting kalabit na lang ay tutulo na ang mga luha.

Bumuntonghininga ako at napahilot sa tungki ng aking ilong. Ngayon, iisipin ko pa kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya iyong mga narinig niya. Paniguradong naguguluhan siya at maraming tanong na gumugulo sa isip dahil wala naman siyang alam sa kung anong tunay na estado ng samahan naming mag-asawa.

Bahagyang humilig sa akin si Aziel para bumulong. "Chantria, can we talk later?"

Mabilis ang ginawa kong pagtanggi. "Pagod ka. Magpahinga ka na lang."

"But-"

"Come on, let's eat!"

Saved by the bell, dumating na sina Mommy Mel. Bumalik na rin si Louie kaya nagsimula nang kumain ang lahat. Thaimik lamang ako habang kumakain. Gan'on din si Aia kaya marahil ay naninibago ang lalaking katabi niya kaya panay ang sulyap nito sa kaniya. Maging si Aziel ay hindi rin nagsasalita at sumasagot lang kapag tinatanong ng ama tungkol sa kanilang negosyo. Si Anne ang bangkang-bangka sa usapan at tawanan kaya nakakawalang ganang kumain.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon