Chapter 19

63.1K 1.8K 760
                                    

Madalas akong tahimik at hindi lumalaban. Iniinda ang mga ibinabatong kataga. Pikit matang hinaharap ang lahat ng panghuhusga. Noon pa man, simula pagkabata, bukod tanging ina ko lang ang nagmamahal sa akin. Siya na bukod tanging nagpapasalamat dahil dumating ako sa buhay niya. Ako na kahit nabuo lamang sa isang pagkakamali, araw-araw pa rin akong itinuturing na himala, na pag-asa at sa lahat ng nangyari't pinagdaan niya, ako lamang ang tama.

Ayaw ko mang maging bastos sa harapan ng mga magulang ng asawa ko, hindi ko na napigilan ang sarili. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananahimik at magpapasensya ako. Lahat ng bagay ay mayroong limitasyon. Wala na akong pakialam kung iisipin nilang bastos ako, na walang modo. Wala akong magagawa sa iisipin ng iba. Sabagay, may mga tao namang kahit wala ka pang ginagawa, masama ka na.

Pero ang lahat ng ginagawa sa akin ng asawa ko ang siyang nagtutulak sa akin para maging ganito ako. Simula nang iwan ako ni Aziel sa hindi pamilyar na lugar na iyon, marami akong napagtanto.

Na baka kaya nila ako paulit-ulit akong sinasaktan at tinatapak-tapakan kasi paulit-ulit ko ring ipinapakita sa kanila na okay lang. Masiyado akong nabulag sa pangarap na magiging isa kami ng aking asawa pero sa nangyari kanina, nitong mga nagdaang araw, buwan at taon, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tila nagising sa isang masaklap na panaginip.

Ang hirap magmahal kapag mas matimbang na ang sakit.

Narinig ko ang pagtawag ni Mommy Mel at Daddy Carl sa aking pangalan pero ni sulyap ay hindi ako nag-abala. Kahit nanghihina ang mga tuhod ay pinilit kong humakbang patungo sa kwartong tinutuluyan ko. Kagat ko ang pang-ibabang labi habang pinipigilan ang tuluyang pagbuhas ng mga luha. Hindi ko na inalintana pa ang mga yabag ng sapatos ni Aziel na tahimik na sumusunod sa aking likuran.

Wala akong ideya kung para saan pa't sinundan niya ako. Dapat doon siya lumapit sa babae niya kagaya ng palagi niyang ginagawa. Pero bakit kung umasta siya ngayon ay para bang napakabuti niyang asawa?

Kung parte lamang ito ng pagpapanggap niya sa harap ng kaniyang magulang na maayos ang samahan naming dalawa, hindi ko na alam kung ano pang puwede kong masabi at magawa.

"Chantria. . ." he called me using a low and careful voice. "Listen, I'm sorry."

Imbis na makatulong ang mga salita, tila naging gatilyo lamang iyon para tuluyang sumabog ang mga maiinit na likido sa matang kanina pa nagbabadya. Gamit ang nanginginig na kamay ay pinihit ko ang sedura ng pinto at pumasok sa loob.

Si Aziel na ang nagsara niyon bago ako sinubukang hawakan sa braso. Kumawala ako at nanghihinang umupo sa kama. Inihilamos ko ang dalawang palad sa aking mukha habang patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha.

Suminghap si Aziel at dahan-dahang lumuhod sa aking harapan. "Chantria, again, I'm sorry," sambit niya sa napapaos na tinig.

"Sorry? Tapos?" Pagod kong pinantayan ang nagsusumamong titig niya. "Sa dinami-rami mong kasalanan, hindi ko na alam kung para saan iyan."

"Sa lahat, Chantria. Sa lahat-lahat ng nasabi at nagawa ko. Sa nangyari kanina. I know I shouldn't have brought her here." Marahas siyang yumuko at ipinikit ang mga mata na tila nahihirapan. "Ayaw ko man pero hindi ko rin siya puwedeng pabayaan."

Pagak akong natawa. "Kasi mahal mo pa siya?" Mabilis akong umiling at itinama ang tanong. "Hindi mo siya puwedeng pabayaan kasi hanggang ngayon, kahit kasal na tayong dalawa, mahal mo pa rin siya at kahit kailan ay hindi ka naman tumigil sa pagmamahal mo sa kaniya?"

"Chan, hindi gan'on." He shook his head aggressively. "Hindi ko siya babae, Chantria. Magmula noong ikasal tayo, kahit kailan ay hindi ako tumingin sa iba."

Natigilan ako nang ilang sandali. Marahan pang kumurap-kurap aking mga mata bago bumunghalit ng malakas na tawa. "Aziel naman! Marupok lang ako pagdating sa iyo pero huwag mo naman ako gawing tanga!"

"Pakinggan mo muna–"

"Tangina naman kasi, Aziel! Alam kong may kasalanan din ako kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon! Dahil kung alam na ganito rin ang buhay na kakahantungan ko, sana hindi ko na lang ipinagpilitan ang sarili ko sa iyo noon. Kung paulit-ulit mo rin namang dudurugin ang puso ko, sana hindi na lang ikaw ang pinakasalan ko!"

Marahas ko siyang itinulak bago tumayo sa kinauupuan. Nanatili siyang nakayuko habang nakaupo sa sahig. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya pero kitang-kita ko ang sunod-sunod na paggalaw ng kaniyang balikat.

Ramdam ko ang sensiridad niya sa paghingi ng tawad. Handa rin akong makinig sa mga paliwanag niya. Pero bakit hindi ko magawang tanggapin ang lahat ng mga salitang sinasabi niya? Bakit pakiramdam ko'y sa bawat sagot niya, mas lalo lamang akong sumasadlak sa pagdurusa?

Bahagya akong lumakad at lumayo sa kaniya. Inawang ko ang labi para makalanghap ng hangin dahil sa tindi ng pag-iyak ay pakiramdam ko'y unti-unti na akong nauubusan ng hininga.

"Tatlong taon, Aziel." Mapait akong natawa habang nakatitig sa kawalan. "Tatlong taon akong nagtiis at umasa. Kahit ang sakit-sakit, kahit ang bigat-bigat na, kahit hindi ko na kaya, mas pinili kong magmukhang tanga. Mas pinili kong magbingi-bingihan sa lahat ng 'yong masasakit na salita," wika ko sa pagitan ng bawat hikbi. "Walang araw na hindi ako nanalig sa Kaniya na maaayos tayong dalawa. Kahit na sa bawat na gumising ako, mas lalo lang tayong lumalala. . ."

"Chantria. . . please." His voice broke.

Nilingon ko siya. At sa unang pagkakataon, hinayaan ko siyang makita ang sakit at hirap na tumatagos na hanggang sa aking kaluluwa.

"Minahal kita kahit walang kasiguraduhan. Paulit-ulit-ulit kitang pinagbibigyan sa tuwing humihingi ka sa akin ng tawad kahit na kinabukasan, uulitin mo na naman. . ."

"Hindi kita sinukuan kahit durog na durog na ako. Ibinigay ko ang lahat kahit wala nang matira pa para sa sarili ko. . ."

Tumayo siya at pilit na niyakap ako mula sa likod. Masiyado na akong pagod at mahina para magpumiglas pa. Hinayaan kong damhin ang init ng yakap niya dahil alam kong pagkatapos ng pag-uusap na ito ay bibitiw din kami sa isa't isa.

Ang kaniyang baba ay nakapatong sa aking balikat habang patuloy lamang siya sa pag-iyak. Hindi ko lang sigurado kung dahil ngayon ay nagsisink-in na sa kaniya ang mga sinasabi ko o mayroon pa siyang ibang dahilan.

"I am an asshole, I won't deny it. Marami akong nagawa sa 'yo na hindi katanggap-tanggap kahit na anuman ang paliwanag ko. . . and I won't force you to believe me. You have the right not to accept my explanations. . ." he muttered as his tears kept on rolling down his cheeks. I remained unmoving. "Alam ng langit kung gaano kita kamahal, Chantria. Sa tatlong taon nating pagsasama, hindi ko itatangging minahal na kita. P-Pero hindi ko rin itatanggi na kahit gustuhin man kitang mahalin nang buo, gustuhin ko mang maging masaya kasama mo, hindi kaya ng konsensya ko. . ."

My forehead creased in confusion. "What do you mean by that, Aziel? Hindi kita maintidihan!"

Kumalas siya sa yakap ko at unti-unting humakbang palayo. Hinarap ko siya at marahas na hinigit ang kaniyang damit para magpaliwanag. "Aziel, anong ibig mong sabihin doon?!"

Yumuko lamang siya at sunod-sunod na umiling na para bang nahihirapan. Nararamdaman ko na mayroon siyang gustong sabihin. Na mayroon siyang dinadalang mabigat sa dibdib. Kahit na abot langit ang sama ng loob ko sa kaniya, handa pa rin akong makinig kung may pinagdadaanan man siya. Pero imbis na ibuka ang bibig para magsalita, mas lalo lamang lumakas ang kaniyang hagulhol na siyang nagpagulo sa akin.

"I know I've broken your heart too many times. . . but I promise that this is the last. " He shut his eyes tightly as he reached for my forehead to kiss it gently. "I am aware that you may hate me forever but I couldn't stand with this marriage anymore. . ."

Natuod ako sa kinatatayuan at tila panandaliang natigilan sa paghinga. Hindi pa man tuluyang napro-proseso ang mga sinabi niya ay muli siyang nagsalita.

"I want everything to be over."

Ilang saglit akong natameme bago nakabawi. Parang sasabog ang puso ko pero ginawa ko ang lahat para pakalmahin iyon. Hindi ko alam kung saan pa ako humugot ng tapang at lakas ng loob para tawanan pa ang sinabi niya.

Binasa ko ang pang-ibabang labi bago dahan-dahang tumango-tango bilang pagsang-ayon. "You want this over? Sure. I wouldn't wanna be in a cage with you, anyway. This marriage is just pure bullshit." Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa. "Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit pinakasalan pa kita."

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Where stories live. Discover now