Chapter 10

63.6K 1.4K 299
                                    

"Manang Yeta, this is my wife, Chantria Navarro."

"Nice meeting you po." Ngumiti ako sa ginang at magalang na inilahad ang kamay.

"Ikinagagalak ko ring makilala ka, Mrs. Navarro." Sumulyap siya kay Aziel at binigyan ito ng isang makahulugang ngiti. "Tama nga 'tong ipinagmamalaki sa akin ni Aziel. Napakasimple pero napakaganda mo ngang bata. Para kang anghel."

Mas lalong lumawak ang aking ngiti at tila mayroong mainit na palad na humaplos sa aking puso. Nilingon ko rin si Aziel pero tumikhim lamang siya at nagbaba ng tingin sa sahig.

"Talaga? Sinabi po niya iyon?" namamangha kong tanong.

Tumango-tango naman si Manang Yeta, naroon pa rin ang abot langit na ngisi sa labi. "Hay naku, Ma'am, palagi nga kayong pinagmamalaki at bukambibig ni Aziel–"

The man beside me cleared his throat to interrupt the conversation. "I'm running late. I should go now." Pinasadahan nito ng palad ang kaniyang itim na suite bago nagmamadaling lumabas ng bahay, ni hindi na nga nag-abalang lumingon pa muli.

Naiwan kami ni Manang Yeta. Hindi pa naman katandaan ang ginang. Nasa 50's pa lamang siya pero malusog at maliksi pa rin. Ang unang araw niya sa trabaho ay napuno lang ng aming kwentuhan at paglilibot sa kabuuan ng bahay. Napag-alaman kong matagal na pala siyang nagtra-trabaho sa mga Navarro. Bata pa lamang daw si Aziel ay kilala na niya ito. Isang buwan pa lamang daw siya rito sa Maynila dahil kinuha na siya ng anak niya at pinatigil na sa pagtra-trabaho.

"Pero ayaw ko pa kasing tumigil, Ija. Malakas pa naman ako at manghihina lang ako kapag wala akong ginagawa," aniya habang nakatambay kami sa may garden.

"Mabuti po at pinayagan kayo ng anak nyo?" nangingiti kong tanong.

Sumimsim siya sa inumin bago mahinang natawa. "Wala naman siyang magagawa. Takot lang n'on na bumalik ako ng probinsya at isa pa'y malakas sa kaniya si Aziel."

"Oh? Close po sila?"

"Hmm." Tumango si Manang Yeta. "Kababata ni Aziel ang anak kong si Louie. Sa katunayan nga'y sa S&N Building din siya nagtra-trabaho pero sa ibang branch lang."

Nalibang ako sa pakikipag-usap sa kaniya at hindi ko na namalayan pa ang oras. Nang sumapit ang gabi ay nagluto na si Manang Yeta ng hapunan at patuloy pa rin kami sa pagkwe-kwentuhan.

Maalaga, malambing at talagang mother-material si Manang Yeta kaya mabilis na napalagay ang loob ko sa kaniya. Aminado akong nananabik ako sa presensya ng isang ina. Maikling panahon ko lamang nakasama si Nanay at hindi naman maganda ang pakikitungo sa akin ng aking stepmom. Bukod-tanging ang Mommy ni Aziel ang nagpaparamdam sa akin ng kalinga, ngunit malayo naman siya. Nasa probinsya.

Sa totoo lang, kagaya nga ng sinabi ko kay Aziel ay hindi naman talaga namin kailangan ng kasambahay dahil kaya ko namang gawin ang mga gawaing bahay. Wala akong trabaho at iyon na lamang ang bukod-tanging pinagkakalibangan ko. Pero napagtanto kong hindi na rin pala masama ang naging ideya niya.

Having Manang Yeta now was a huge help to still keep my sanity.

"Huwag mo sanang masamain pero nagulat talaga ako na biglang pag-aasawa ni Aziel noon. Kilala ko kasi ang batang iyan. Napakatayog ng pangarap sa buhay at nasa huli ng listahan niyan ang pagpapatali sa isang babae. . ." panimula niya at doon na ako nagsimulang manahimik.

Tila awtomatikong naubusan ako ng mga salitang sasabihin. Gusto ko na lang na biglang ibahin ang topic pero wala naman akong maisip na maaaring ibang pag-usapan.

"At saka kung hindi ako nagkakamali, ang pangarap talaga niyan ay maging arkitekto. Kaya nga iyon ang kinuha niyang kurso noong nasa kolehiyo pero ewan kung bakit biglang lumihis ang landas at napunta sa pagnenegosyo. . ." patuloy pa niya habang mga mata'y naroon pa rin sa niluluto niyang sinigang.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Where stories live. Discover now