Chapter 15

62.3K 1.4K 224
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili at naghintay roon sa waiting shed. Panay ang tahimik na pagtulo ng aking mga luha habang nakatitig sa kawalan. Sinubukan kong luminga-linga sa kabuuan ng lugar. Madalang ang pagdaan ng mga jeep at iba pang sasakyan. Balak ko nalang sanang sumakay ng bus pabalik sa Maynila pero ngayon ko lang din napansin na wala pala akong dalang kahit na ano.

Lahat ng gamit, cellphone at wallet ay naiwan ko sa kotse ni Aziel. Napabuntonghininga ako at nawawalan ng pag-asang inihilamos ang dalawang palad sa mukha. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. What if hindi dumating si Louie? Or kung abutan pa siya ng dilim? Kung bukas na siya dumating? Paano na ako? Saan na ako pupulutin nito?

Muli akong naiyak sa sobrang takot at inis. Sana lang talaga ay hindi na ako abutin pa ng dilim dito! Kapag may nangyari talagang masama sa akin, walang ibang dapat sisihin kundi si Aziel!

Sa bawat minutong pumapatak ay patuloy akong nagdadasal na sana ay dumating na ang susundo sa akin o sana'y bigla ulit sumulpot ang asawa ko, na hihingi siya ng tawad at sasabihing ako na ang mas higit na pinipili niya kaysa kay Anne.

Pagak akong natawa habang pinupunasan ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi. Jusko, Chantria! Palagi ka na lang umaasa. Ni kahit nga yata sa panaginip ay hinding-hindi ka pipiliin ng iyong asawa! Mas malabo pa sa tubig na mangyari ang bagay na iyon!

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan, nagsisimula na akong mawalan ng pag-asa. Mas lalong dumalang ang pagdaan ng mga sasakyan at tanging mga huni ng kuligkilig na lamang ang maririnig. Nagsisimula na ring mangatog ang aking mga tuhod dahil sa lamig ng simoy ng hangin na humahampas sa aking balat. Pati ang aking lalamunan ay nanunuyo na rin dahil sa uhaw at gutom.

Ilang oras pa akong matiyagang naghintay. Saka lamang ako nabuhayan ng loob nang mayroong tumigil na pamilyar na BMW sa aking harapan. Hindi ako puwedeng magkamali. Kahit isang beses ko pa lamang iyon na nakikita, alam ko na kaagad kung sino ang nasa loob n'on!

"Louie!" sigaw ko, hindi maipaliwanag ang nararamdamang galak sa puso.

Mababakas ang buong pag-aalala sa kaniyang mukha. Namumungay ang mga matang lumapit sa akin at ibinalot ako sa leather jacket na hawak niya. "I'm sorry, Chantria. Medyo natagalan ako. Galing pa akong Baguio."

Tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya, bahagyang nakonsensiya. Kung alam ko lang eh 'di sana'y nagcommute na lang ako. Nakakahiya tuloy kay Louie na paniguradong naabala pa sa kaniyang trabaho.

Inilibot niya ang tingin sa buong paligid bago dismayadong umiling. "I can't believe that Aziel left you in this such kind of place," mahinang aniya ngunit sapat na upang marinig ko.

Nilingon niya 'ko, punong-puno ng awa ang kaniyang mga mata. "I'm sorry if you have to experience this. I know the real-deal between the two of you at sa totoo lang, kahit kaibigan ko si Aziel at malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya ay hindi ako sang-ayon sa mga ginagawa niya sa iyo."

Bumagsak ang mga mata ko sa semento, ni hindi magawang tumugon. Gustuhin ko mang ngumiti at magsinungaling na ayos lang iyon kagaya ng palagi kong ginagawa at sinasabi, ngayon ay hindi ko magawa. Sa sobrang bigat ng aking loob ay miski ako ay hindi ko na alam kung paano pa ito pagagaanin.

Wala nang nagsalita sa aming dalawa matapos niyon. Inalalayan ako ni Louie sa pagpasok sa kaniyang kotse. Sinigurado muna niyang maayos ang pagkakasuot ko sa seatbealt bago niya binuhay ang makina ng sasakyan.

Tumikhim ako bilang pagbasag sa katahimikan. Sumulyap siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. Ang buong atensyon ay nakapokus sa pagmamaniobra.

"What is it? Kung may gusto ka, huwag kang mahiyang magsabi." He gave me a reassuring and heart whelming grin. "Alam kong gutom ka na pero sana matiis mo pa nang kaunti kasi medyo malayo pa tayo sa mismong bayan–"

"Uhm, Louie, nakakahiya man pero gusto ko sanang idiretso mo na lang sa probinsya nina Aziel." Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, kinakabahan na baka magalit siya sa pabor ko.

Saglit siyang natigilan bago marahang tumango. "Aziel would surely turn into a beast, but okay? Mas gusto kong sundin ka kaysa sa kaniya." Natawa siya.

May umalpas din na ngiti sa aking labi at nagpasalamat. Ngayon naman ay ang tanging proproblemahin ko na lamang ay ang damit na pamalit ko. Kahit nahihiya ay sinabi ko pa rin iyon sa kaniya.

"Oh, don't worry about that, Chantria. For sure maraming maipapahiram sa 'yo si Aia," pagtukoy niya sa bunsong kapatid ni Aziel na kasing-edaran ko lang at kasundo ko rin. "But you can shop tomorrow, of course. Ang mahalaga lang ngayon ay makapagpahinga ka."

I smiled. "Salamat, Louie."

Dumiretso kami sa mansion ng mga Navarro na matatagpuan sa Lucena. Aniya'y naghanda raw ng maliit na salusalo na ekslusibo lang raw para sa kanilang pamilya dahil ang alam nga ay uuwi kami ni Aziel doon. Mabuti na lang ay tumuloy ako kahit wala siya. Sayang pagod at effort nina Tito Carl kung mauuwi lang sa wala.

Malayo pa lang ay natatanaw ko ang napakaraming bantay sa labas ng itim at matayog na gate. Mayroong isang bodyguard na humarang sa amin na agad din namang tumabi nang makitang si Louie ang dumating.

Awtomatikong bumukas ang malaking tarangkahan at dire-diretsong pumasok ang sasakyan ni Louie sa loob. Umawang ang aking labi sa lawak ng lupain ng mga Navarro. Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako rito pero hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha.

Mayroong malaking fountain sa gitna. Sa kanan naman ay ang garden na punong-puno ng mga buhay at tiyak na inaalagaang mabuti na mga bulaklak. Mayroong mga bleachers, swings at ang damong iyong malalakaran ay bermuda grass. Sa kabilang bahagi naman ay ang malaking-malaking swimming pool na nag-iiba-iba ng kulay. May mga sun lounger at lamesa sa magkabilang gilid.

Ang mismong mansion nama ay nasa gitna. Klasikal ang disenyo at buhay na buhay dahil sa mga ilaw. Mayroon ding na underground kung saan nakagrahe ang iba't ibang sasakyan nila. Halos mga antique rin ang kanilang mga kagamitan pero ang labis na nakakamangha ay naipapakita pa rin dito ang pagiging moderno.

Hindi pa man kami tuluyang nakakababa ay marami na kaagad na nakahilerang mga katulong para salubungin kami.

"Louie. . ." Akmang bababa na ang lalaki nang hawakan ko siya sa braso para pigilan.

Kuryoso niya akong nilingon. "Bakit, Chantria? May problema ba?"

Nahihirapan akong lumunok bago bumuga ng hangin. "I-I know this is too much to ask but. . . if ever na magtanong sina Tito Carl kung bakit ako lang mag-isa ang tumuloy rito, p-puwede bang pagtakpan na lang natin si Aziel?"

Nalaglag ang kaniyang panga. Bumakas ang hindi pagsang-ayon sa kaniyang mga mata. Agad niya ring natutop ang kaniyang bibig bago hindi makapaniwalang umiling sa akin. "I can't promise but I'll try–"

"Please, Louie. . ." pagmamakaawa ko, "Alam mo naman kung anong estado ng samahan ngayon ni Tito Carl at Aziel. Ayaw ko nang madagdagan pa ang lamat sa pagitan nilang dalawa dahil ulit sa akin."

Natahimik siya pero kalaunan ay bumuntonghininga bilang pagsuko. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi. "Fuck, ang swerte sa 'yo ni Aziel, Chantria. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit ginaganito ka niya." Umiling-iling siya bago tumawa nang walang emosyon. 

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon