Chapter 29

64.8K 1.3K 226
                                    

Hindi gan'on kahaba ang inilaan kong oras para pag-isipan ko ang desisyong ito. Basta ang nasa utak ko lang n'on ay gusto ko nang makalayo. Bahala na kung sa huli ay magsisi na naman ako.

I always made impulsive decisions and got easily swayed by my emotions. Kagaya nga noong sinabi sa akin ni Ate Chantal habang nasa biyahe kami papuntang Bohol, mabilis daw akong mauto – na kahit kaunting salita lamang ay bumibigay at naniniwala na ako.

Marami pa siyang patutsada sa akin na hindi ko na pinatulan pa dahil bukod alam kong may sense naman ang sinasabi niya ay lumilipad din ang utak ko kung tama na naman ba itong pinaggagawa ko. May malaking parte na nagsasabi sa akin na ayaw kong iwan si Aziel, iyon ang totoo. Pero kung paulit-ulit ko naman siyang pipiliin, paano naman ako? Ano na lang ang matitira para sa sarili ko?

Sa Anda, Bohol matatagpuan ang beach resort na sinasabi ni Ate Chantal na ima-manage ko. Hindi naman kaagad ako magsisimula sa mataas na posisyon dahil kinakailangan ko pang mag-training ng dalawang linggo bago ako ilipat sa isa pang branch na mas malaki at matatagpuan iyon sa Panglao.

"As much as I want to give you a higher position, I couldn't and I wouldn't. Mas gusto kong magsimula ka sa baba, Chantria, dahil hindi ka magiging epektibong leader o boss kung hindi mo alam kung paano gumalaw at magtrabaho ang mga nasa ilalim mo. . ." she explained while we were on the way to the resort. I listened carefully and took note of everything in my mind.

Mommy hissed and joined the conversation. I thought she was sleeping. "Like hello, miski nga ako na asawa ay dumaan din sa training 'no. Your dad taught me these things back then. It doesn't mean that you have knowledge, you're capable of running a business. Business is a long term responsibility. Decisions should be always certain, precise and doable, not full of but and ifs, dahil hindi lamang negosyo ang hawak nyo kundi pati na rin buhay at kabuhayan ng mga taong nagtra-trabaho sa inyo." Nilingon ako ni Mommy Calliana gamit ang kaniyang nagbabantang mga mata. "Remember that, Chantria."

"Yes, M-Mommy," I answered with a bit of hesitation.

Nagdadalawang-isip akong i-address siya bilang ina dahil naalala ko noon na nagagalit siya sa akin kapag tinatawag ko siyang mommy, pero ngayon ay laking gulat ko nang makitang malumanay niyang ngiti sa akin. Ngising walang bahid na pagkasarkastiko, inis o kung ano, kundi ngisi ng isang ina.

"Welcome to Build a Beach Resort, Mrs. Chantria Saavedra Navarro!"

Mainit na pagsalubong ang ibinigay sa amin ng napakaraming empleyado. May pa-banner, banda at bulaklak pa na isinabit sa aming leeg. Si Mommy at Ate Chantal ang nakipag-usap sa mga kilalang panauhin na naroon, samantalang ako'y tanging ngiti lang ang naiambag at hindi ko alam kung ano ba ang tamang paraan para makihalubilo.

Isa-isa akong ipinakilala ni Ate sa lahat ng mga tauhan. Hindi naman sila gan'on karami pero sapat lang upang patakbuhin itong resort. Nagkaroon din ng maliit na salusalo at pagkatapos n'on ay bumalik na silang lahat sa kani-kaniyang trabaho. Inilibot naman ako nina Mommy sa kabuuan ng resort.

And I must say that the exterior, interior, and amenities were thought thoroughly and were worth paying for the expenses.

Mayroong malaking swimming pool na ang kaharap din ay dagat. Mayroon ding small yacht na ginagamit sa paghatid-sundo sa mga bisita mula sa ibang bayan. Ang mga cabin ay estilong nipa hut pero kapag pumasok sa loob ay moderno ang lahat ng mga kagamitan.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Tila lahat ng pangamba, pag-aalinlangan at bigat ng nararamdaman ay awtomatikong nawala dahil sa ganda ng lugar.

"We'll just see each other tomorrow. Magpahinga ka ngayong araw o hindi kaya'y maglibot-libot ka dahil bukas na bukas din ay magsisimula na ang training mo," Ate Chantal said before heading out to my cabin.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Where stories live. Discover now