Chapter 20

71.5K 1.6K 658
                                    

Hindi na malinaw kung paano ko inubos ang mga natitirang oras para sa araw na iyon. Buong gabi akong nagkulong sa guest room at doon umiyak nang umiyak. Ilang beses din akong sinubukang katukin ng nag-aalalang si Louie pero hindi ko siya pinagbuksan.

Aziel's words and actions were confusing. Matapos niyang sabihin na mahal niya ako, bigla na lang sa sasabihin na gusto niyang maging malaya. . . at siyempre, sino ba naman ako para ipagdamot iyon sa kaniya?

Tama na ang isang beses na naging makasarili ako. Tama na ang isang beses na gumawa ako ng maling desisyon at naging resulta rin ng pagkasira ng buhay ng ibang tao. Maaaring ngayon ay masiyado pa ring masakit at magulo sa parte ko pero umaasa akong darating ang araw na kaya ko na muling ngumiti at maging buo. Mahabang proseso pero kakayanin ko.

Siguro'y ipagpapasalamat ko na lamang na hindi kami binigyan ng isang supling na biyaya dahil doble ang sakit sa akin kung mayroon na namang isang bata na hindi mabibigyan ng kumpletong pamilya.

Ngayon, ang tanging proproblemahin ko na lang ay kung saan ako pupulutin pagkatapos nito? Napakahirap isipin kasi buong tatlong taon ng aking buhay, si Aziel na ang naging dahilan ng pag-ikot ng aking mundo.

Gan'on pa rin ang bigat ng aking damdamin nang gumising ako. Oa man pakinggan pero sa sobrang hapdi ng aking ng aking puso'y parang wala na akong maramdaman. Panay ang hingi ng tawad sa akin ni Mommy Mel at Daddy Carl kinabukasan. Kahit na abala sila para sa nalalapit na kaarawan ni Daddy bukas ay gumawa sila ng paraan para personal akong makausap. Siguro'y pinagsabihan ni Aia kaya hangga't hindi sila kumbinsidong okay lang ay hindi pa rin nila ako tinatantanan.

"Hindi ko rin inaakalang sasabihin iyon ni Anne, Chantria. Maging ako'y nabigla pero I just have needed to agree para matigil na siya at para na rin hindi mapahiya. . ." Mommy Mel held my hand.

"Tumawag kasi siya sa amin para magpaalam na baka hindi siya makadalo sa kaarawan ko bukas dahil isinugod daw siya sa hospital. Siyempre, nag-alala kami dahil hindi na rin naman siya iba sa amin. Pero biglang nagbago ang desisyon niya last minute. Aniya'y nagtake siya ng isang linggong leave at uuwi rin siya rito sa probinsya. Sasabay na raw siya kay Aziel. Wala raw naman iyong problema sa iyo dahil okay kayong dalawa," litanya pa niya.

"That's not true, Mommy Mel. Sa totoo nga po, n'ong nakita ko siyang kasama ni Aziel kahapon, nabigla talaga ako. Hindi po ako komportable pero hindi ko lang sinabi kasi ayaw ko pong isipin ninyo na bastos ako." Mapait akong ngumiti at pinisil ang kaniyang kamay. Pilit akong ngumiti. "Pero huwag po kayong mag-alala, wala na po akong balak ulitin ang ginawa ko kahapon, not unless ipapahiya niya po ulit ako. Bukas po, sa party, ako na po ang mag-a-adjust. Sisiguraduhin ko pong hindi magkru-krus ang landas naming dalawa–"

Daddy Carl cut him off. "No, no. We can cancel our invitation to them." Tumingin siya sa kaniyang asawa at pinagtaasan ito ng kilay. "Or much better if we'll just cancel the party. Just a simple and intimate celebration na lang. Ang mahalaga naman ay kasama ko kayo, eh. Ang asawa ko, si Ai, si Aziel at ikaw. . . masaya na ako r'on."

Mommy agreed.

It was tempting. . . but I refused to say yes. I was touched with their sincerity, however I would not choose a decision that's only convenient for me. Nakakahiya iyon dahil handa na ang lahat. Pagod at oras ang inihanda nila sa preperasyon at ayaw kong mapurnada iyon dahil lang sa akin.

"Sana kasi nakinig tayo kay Aziel na huwag nang imbitahin ang mga Del Mundo!" Napakamot si Mommy sa ulo.

Si Aia ang kasama ko buong maghapon. Sinamahan ko siyang manood ng kdrama sa theatre room. Hindi ko hilig ang mga ganito pero mas mabuti na rin kaysa maghapon akong magmukmok sa kwarto. Abala ang mga tao sa baba sa pag-oorganisa para sa party bukas. Gusto ko sanang tumulong kaso hindi na raw kailangan. Masiyado na silang marami roon.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu