Chapter 46

39.5K 864 258
                                    

"Okay ka lang ba, Tria? Sigurado ka bang walang nasaktan sa inyo ni Asher?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at bahagyang natawa. "Elias, ilang beses mo na bang tinanong iyan?"

Muling bumaba ang tingin ko sa anak kong mahimbing na natutulog sa kama. Nakaupo ako sa kaniyang tabi, sinusuklay ang kaniyang buhok at pinagmamasdan ang kaniyang payapa at mahinang niyang paghilik.

Samantalang si Elias naman ay nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto. Magkakrus ang kaniyang dalawang braso at halos mag-isang linya ang makapal na kilay.

"Huwag mo nga akong tawanan, Tria. Nag-aalala lang talaga ako." Bumungtonghininga siya at inihilamos ang parehong palad sa kaniyang mukha.

Natutop ko ang aking bibig, pinipigilan ang sariling mangiti sa kaniyang reaksyon. "Okay lang talaga kami, Elias. Hindi kami nasaktan. Hindi kami nasugatan o kung ano pa man."

"Pero hindi mo ako tinawagan agad. Kung hindi pa ako itetext ni Nanay, hindi ko rin malalaman," matigas na tugon pa niya at kung nakakamatay lang ang titig ay kanina pa siguro ako nakahandusay.

I reached for his hand, squeezed it, and smiled cutely at him. "Nasa kalagitnaan ka ng trabaho, Elias, ayaw ko lang na magulo ang utak mo at mag-alala ka nang sobra sa amin ni Asher..." I explained. "Pero sasabihin ko pa rin naman sa iyo."

Umirap siya at bumitiw sa pagkakahawak ko sa kaniyang kamay. Mataman niya akong tiningnan habang nakatiim ang bagang. "Sa tingin mo ba hindi ako nag-aalala ngayon?"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinilot ang sentido. "Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung may nangyaring masama sa inyo, Tria."

Hindi ko napigilang ngumiti pero agad ko rin iyong itinago nang magmulat siya ng mata. He was being overprotective again. Minsan tinalo pa niya ang asawa kung makapagreact.

Actually, hindi naman talaga kami nasaktan. Siguro'y nagulat at kinabahan lang talaga si Asher kaya siya umiyak.

Maaga kaming natulog nang gabing iyon dahil maaga rin kaming gigising kinabukasan para maghanda sa ikatatlong kaarawan ni Asher. Hindi ko na sinabi pa kay Elias na may kaunting pangamba akong nararamdaman dahil sa hindi inaasahang pagkikita namin ni Anne. He knew who she was in Aziel's life before dahil naikwento ko ang lahat sa kanila. Simula sa pinakauna hanggang sa pinakadahilan kung bakit ako umalis ng Maynila.

As I closed my eyes that night, I just hardly prayed that I hope we never crossed paths again. I hope she never tells Aziel where I am... pero bigla akong napaisip at natawa sa pagiging assuming ko.

Tatlong taon na ang nakakalipas simula noong umalis ako, hinahanap pa rin niya kaya ako o baka sumuko na siya? Bakit pa nga ba niya pahihirapan ang sarili niyang sulsugin ang bawat sulok ng bansa kung hindi naman kami kasal at malayang-malaya siyang humanap ng iba?

Sumapit ang umaga at naging abala kami sa paghahanda sa birthday ni Asher. Hindi naman gan'on kabongga at kadami ang pagkain, wala rin sana kaming balak mag-imbita ng kapitbahay kaso nagsulputan sila na may dala-dalang lutong putahe at regalo para sa anak ko. Kaya iyong usapang simple ay napunta sa pagiging enggrande dahil sa tulong nila.

"Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!" sabay-sabay naming pagkanta na may kasama pang palakpak.

Panay naman ang hagikhik ni Asher habang nakatingala at pinapanood kami. Kitang-kita ko ang pagkagiliw sa kaniyang mga mata. Nasa dalampasigan kaming lahat at mayroong mahabang lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Nakasuot din kaming lahat ng party hat.

"Talamat po sa all," Asher said cutely and giggled.

Nagtawanan kaming lahat. Agad akong lumapit sa kaniya at kinalong siya. Awtomatiko naman siyang kumapit sa aking batok at pinupog ng malilit na halik ang aking pisngi.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu