Chapter 33

64K 1.1K 314
                                    

"Bakit ganiyan ka kung makareact, Chantria? If I know namiss mo rin ang asawa mo," may bahid ng pang-aasar na saad sa akin ni Ate Chantal.

Mula sa baso ng alak ay matalim akong nag-angat ng tingin sa aking demonyitang kapatid na pangisi-ngisi lang habang lumalaklak ng alak sa aking harapan.

"Manahimik ka nga, Ate. Baka mamaya'y may makarinig sa iyo at isiping marupok ako."

Kahit na malakas at dumadagundong ang music dito sa bar ay naungusan iyon ng hagalpak niya.

"Dalawang linggo siyang mananatili rito sa BTB, Chantria. Huwag mong sabihin na dalawang linggo ka rin magkukulong sa kwarto para lang hindi magkrus ang landas nyo?" asik pa niya.

"Oo, gagawin ko talaga iyon." Dinampot ko ang baso at dire-diretsong nilagok ang lahat ng laman niyon. Mariin kong ipinikit ang mga mata nang gumuhit ang pait at init na dulot n'on sa aking lalamunan.

Kasunod kong sinulyapan ay si Everleigh na tahimik at tila lumilipad ang isip. Kahapon ko pa napapansin na parang wala siya sa sarili. Para bang takot na takot siya't mayroong iniiwasan. Kung hindi nga lang kakaladkarin ni Ate Chantal dito sa bar na malapit lang naman sa cabin niya ay baka maghapon din siyang nagkukulong doon.

"Huy, okay ka lang ba talaga?" Sinalat ko ang kaniyang noo para alamin kung may lagnat siya... pero wala naman.

Ilang beses siyang kumurap-kurap bago matamlay na tumango sa akin. "O-Oo naman. Medyo masakit lang ang ulo ko."

Tinitigan ko siya nang matagal. Sinubukan kong basahin ang ekspresyon ng kaniyang mukha kaso wala talaga akong makapa. Ngumiti siya sa akin para mapanatag ang aking loob.

"Seriously... I'm fine, Chantria. Don't mind me." She dryly chuckled.

Hindi ko na ipinagpilitan pa ang sarili at napabuntonghininga na lang. Muli akong nagsalin ng alak sa aking baso, sumimsim ako r'on bago ilibot ang paningin sa kabuuan ng bar.

Malalim na ang gabi kaya marami ring mga turista ang mas piniling magpalipas ng oras dito. Open space ang bar. Mayroong mga upuan, lamesang gawa sa kahoy at mayroon ding mga duyan. Sa gitnang bahagi ay mayroong malaking entablado kung saan nagpe-perform ang banda. Sa kanan naman niyon ay ang bar counter at sa kaliwa kung saan pumepwesto ang DJ.

Tumatagos hanggang kaluluwa ang lamig ng hanging humahampas sa akin, dahil na rin siguro sa suot kong style-A white one piece bikini na naka-tuck sa denim short shorts. Mas lalo ring lumitaw ang aking kaputian at exposed din ang aking hindi kalakihan pero may ibubuga rin naman na cleavage.

Kung saan-saan na napunta ang usapan naming magkapatid. Pareho na kaming tipsy kaya mas lalong dumoble ang kulit. Ang kaninang malamig na pakiramdam ay unti-unti nang umiinit.

"So Dewei has a wife, but they're separated now?" paglilinaw ko kay Ate na agad din naman niyang tinanguan.

"Yes and yet, he's still not available raw." She groaned in frustration.

I licked my lower lip as I stared at her. "So you like him? Even if... he is still married?" buong pag-iingat kong tanong kasi baka mamaya ay ma-offend siya roon.

Mula sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang pag-angat ng tingin ni Leigh sa kapatid ko, mukhang nagising na yata sa malalim na pagkakatulala at naging interesado na sa usapan.

Nilagok ni Ate Chantal ang alak na nasa kaniyang baso at pagkatapos ay tumango-tango sa akin. "Yes, he knows it naman. I was blunt with my feelings for him, but it doesn't mean na ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa kaniya."

Everleigh creased her forehead and spoke for the first time in a while again. Curiosity filled her eyes. "What do you mean by that?"

Nilingon siya si Ate Chantal. "Nasabi niya kasi sa akin na on the process na raw iyong annulment nila ng asawa niya. He already signed it pero iyong babae raw ay hindi pa."

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Where stories live. Discover now